CHAPTER 33 Ken Santiago's POV 2

48 0 0
                                    

CHAPTER 33

KEN SANTIAGO’s POV 2

*tok tok tok* kumatok ang sa pinto ng office ni sir Warren.

Nagulat ako dahil si Russell ang nagbukas ng pinto.

Anong ginagawa mo dito? Maangas na tanong nya sakin.

Nandyan pa si dana, please I nedd to talk to her. Sagot ko sa kanya at sinisilip silip ko ang loob ng office.

Wala sya dito. Hindi sya pumasok. Bigla nyang isasara ang pinto pero pinigilan ko ang pagsara niya.

Sandali lang. please kailangan lang talaga. Seryosong sabi ko sa kanya.

Binuksan nya ulit ang pinto.

Tang—ang kulit mo naman pare e! sinabi ng wala nga sya dito at hindi sya pumasok. Ilang beses ko ba sasabihin sayo??! At tsaka bakit ka ba nandito ??! dib a fan mo lang naman sya?? At di ba hindi mo na sya kailangan kasi sikat kana ?? at may Karen ka na! galit na sabi nya sakin..

Sino ka ba para magsalita ng ganyan ??! sigaw ko sa kanya.

 SINO AKO???! Ako lang naman yung taong laging nandito para kay Dana at ang taong tapat na nagmamahal sa kanya. Umalis ka na dahil wala naman sya dito at hindi nya kailangan ng kaibigang katulad MO! Lumabas sya sa pinto at tinulak ako.

Tang ina! Wag kang magsalita dahil wala kang alam!  Tinulak ko din sya.

Ako pa ang walang alam??! Alam na alam ko lahat! Ikaw ang walang alam! Susuntukin ko na sana sya pero biglang dumating si sir Warren.

What is happening here! Stop!! Wag kayong gumawa ng skandalo at ikasisira nyo dito! Mahiya nga kayo! pareho kayong nasa TV network at ganyan ang asal nyo! Pinagitnaan nya kaming dalawa.

Ken, please go… ayoko ng gulo dito! Kung may away kayo sa labas kayo magsuntukan wag dito!  Galit na sinabi sakin ni sir Warren.

Umalis ako sa office ni sir Warren.

Lalabas na sana ako ng building pero nakit ko si sir Tom.

Ano tong nakarating sakin na nakipag away ka ngayon ngayon lang?! hindi ka nab a nahiya??! Lumapit sakin si sir Tom at hinila ako.

Sumunod ka sakin! Binuksan nya ang elevator.

Hindi ka ba talaga makikinig sakin?! Alam mo ba yang ginagawa mo?? Gagawa ka nanaman ng gulo sayo eh! galit nag alit nyang sinabi sakin.

Di ba sabi ko wala akong paki alam??! Sinuntok nya ko sa mukha.

Susuntukin pa sana ulit ako ni sir Tom pero biglang dumating si Karen.

Oh my God! Sir Tom tama na po. Lumapit sakin si Karen.

Don’t dare me!!! Dinuro nya ko at umalis sya sa office nya.

Ano bang nangyari? Inalalayan ako ni Karen na makaupo.

Yung Russell, nakakpika kasi eh.. pumunta ako dun para Makita si dana pero wala sya, kala mo kung sino sya kung makaasta sya! Hinawakan ko ang gilid ng labi ko dahil dun ako sinuntok ni sir Tom.

 O tapos ?? magsusuntukan kayo?? may point naman si sir Tom eh. sabi nya sakin.

Hindi ko kasi alam yung nangyari eh! naiinis ako sa Russell na yon! Masyadong pakielamero! Eh kaibigan lang naman sya ni Dana! Naiinis kong sinabi.

E bakit ikaw?? Ano ka ba ni Dana?? Friend din diba?? Alam mo hindi ko masisisi yung Russell na yun kung sobrang protective nya kay Dana.. he knows everything eh.. sya yung naging kasama ni Dana nung mga panahong wala ka sa tabi nya.. and obviously, he’s like that because he loves Dana. Pinaliwanagan ako ni Karen.

Mahal ko din naman si Dana ah! Sabi ko sa kanya.

Mahal mo nga sya… o tapos??? Ano na?? wala na… kasi wala ka namang ginagawa para ipakita mo na mahal mo sya. At hindi mo maipakita kasi sobrang komplikado ng sitwasyon, at dahil sa komplikadong sitwasyon na to, natakot ka… naguluhan.

Karen, I don’t know what to do…  sobrang hirap, sobrang sakit.. nahihirapan na ko.. alam mo naman di ba?? Ginagawa lang natin to para sa career natin, hindi naman to totoo.. ginagawa ko lahat ng yun para sa mga taong sumusoporta sakin, dahil ayokong mabigo sila sa expectation nila sakin.. I sacrificed everything.. kahit na yung taong pinaka mamahal ko para lang sa kaligayahan ng ibang tao.. kelan ba mangyayari na ako naman yung magdedesisyon para sa sarili ko?? Kelan mangyayari yung gagawin ko kung ano yung kaligayahan ko??

Oo, natatakot ako, natatakot akong ireject ng mga tao, natatakot ako na hindi nila matanggap kung ano at sino ang gusto ko.. napayuko ako sa sobrang lungkot at hindi ko na naiwasang umiyak.

Naiintindihan ko.. pero you have to face your fears, kung ayaw mong mawala sya sayo gagawin mo kung ano yung sinasabi ng puso mo, hindi yung sinasabi ng ibang tao sayo.. ngayon kung hindi magustuhan ng mga tao yung outcome, then you have to accept it. Choice mo yun eh.. pero kung talagang mahal ka ng mga taong nasa paligid, at sumusoporta sayo… alam ko maiintindihan nila kung ano ang magiging desisyon mo.. niyakap nya ko.

Wag ka nga maghintay ng ibang araw.. look for her.. tell her. Tinignan nya ko.

Thank you Karen. Thank you so much.

Ngumiti sya sakin.

Tumayo ako, at lumabas sa office ni sir Tom..

Agad agad akong pumunta sa parking at umalis..

Pero teka… san ko naman sya hahanapin…..

CHAPTER 34 will be KAREN’s POV abangan.. J keep reading and supporting this story thank you!

My Celebrity Boy-FRIEND (ongoing)Where stories live. Discover now