My Celebrity Boy-FRIEND (ongoing)

355 6 6
                                    

CHAPTER 2

Hi ma. Nagkiss ako sa cheeks ni mama at tsaka pumunta sa dining table para mag dinner.

O kamusta naman ang mall show ng bestfriend mo?  Pinaghain ako ni mama ng pagkain dahil ramdam nya siguro ang pagod ko.

Ayun katulad padin po ng dati, pinagkaguluhan sya. Kumain ako ng kumain dahil sobrang gutom na ako.

Pagkatapos ko kumain ay agad na kong nagpaalam kay mama para umakyat sa kwarto. Nilapag ko ang bag at SLR ko sa kama. At tsaka naligo. Para marefresh.

Pagkatpos kong maligo ay inopen ko ang laptop ko at sinaksak ang memory card ng SLR ko para Makita ang mga pictures na kinuhanan ko.

Shet. Handsome talaga ng buddy ko. Kahit puro stolen ang kuha ko, eh parang hindi.

Ah eto ang gwapo!! Nakaharap. Zinoom ko ang picture nya hanggang sa buong mukha nya ang kita. Tinitigan ko ito ng matagal.

Hay. Wala eh.. gang dito lang talaga ako. Picture, zoom, sama sa show, at maging bestfriend lang nya.

Pero Masaya padin ako. Kasi maswerte ako dahil malapit ako sa kanya. Nakatitig padin ako sa picture nya. At hinalikan ko ng tatlong beses ang screen.

I LOVE YOU SO MUCH KEN BUDDY!!!

Pnrint ko kagad ang mga 57 pictures na kinuhanan ko kanina at nilagay ko sa secret box ko. Halos 1,000 plus pictures n nga ang nakuhanan ko sa kanya eh. At nakatago ito sa ilalim ng kama ko.

Ready na sana akong matulog kaso biglang nagring ang phone ko.

Hello, buddy. Tulog ka na ba? Sabi ni Ken sakin.

Malamang hindi pa kasi I answered your call diba haha kidding! O bakit? Natatawa kong sabi sa kanya.

Haha.. wala lang just checking you. Dito pa kami sa set eh. 2 am pa tapos ng taping.

Ganun, grabe naman. O break nyo ngayon no. kaya tinawagan mo ko. Alam mo magrest ka nalang dyan para may lakas ka pa mamaya. Okay naman ako dito eh ha. Payo ko sa kanya.

Ok, fine. If that’s what you want. Good night buddy. Sweet dreams, I’ll call you na lang one of these days. sobrang sweet ng boses nya. Kaya kilig na kilig ako ng sobra. Pero syempre hindi ko pinapahalata.

Haha.drama.. sige good night din, take care and Godbless buddy. See you. Concerned kong sabi sa kanya.

Pagkababa ko ng cellphone ko ay di ko maiwasang kiligin.. yung ngiti ko hanggang gilagid ata. At bago ako matulog ginagawa ko ang routine ko tuwing gabi. Ang tignan ang mga pictures naming together sa cellphone ko.

Good night my loves Ken. Kiniss ko ang screen ng cellphone ko at tsaka natulog.

CHAPTER 3 and 4 soon.. J sana nagustuhan nyo ang first 2 chapter. Mas nakakakilig ang mga next chapter kaya patuloy nyo lang po basahin J SALAMAT.. feel free to leave comments. Hindi din naman po kasi ako professional writer J salamat.

My Celebrity Boy-FRIEND (ongoing)Where stories live. Discover now