Chapter 9

55 0 0
                                    

CHAPTER 9

Hi mars! Kamusta naman ang weekend mo?? Bati sakin ni Tina

eto okay naman ako. Teka may kasalanan ka pala sakin. Hinatak nya si Tina papunta sa likod ng room nila.

Ikaw ah! Ikaw pala nagsabi kay Ken nitong necklace na to. Sinabi ko sa kanya at tska tinuro ang necklace na suot suot ko.

sus kunyare ka pa mars ! ok na yan no! atleast you have it na. At is Ken pa ang nagbigay. Tinapik ako ni Tina sa braso ko, at dumeretso na sa upuan nya.

Hindi ko nalang pinatulan ang sinabi ni Tina dahil ayokong humaba pa ang usapan namin..

Pagkatapos ng class:

Lucky I’m inlove with my bestfriend. Nagring ang cellphone ko.

Oh Ken, napatawag ka bakit?. Tanong ko sa kanya.

Busy?? Matipid at parang kakaiba ang boses nya.

Ha?? Nope. Tapos na yung class ko. Why?? May problema ka ba? Nagaalala kong sagot sa kanya.

Wala naman. Break kasi naming ngayon, dito ako sa set. Actually malapit lang yung place dyan sa school mo. You wanna see?? Tanong nya sakin.

Oh?? Weh?? Talaga!? San ba yan?? Teka pwede ba ko pumunta dyan? Excited kong tanong sa kanya.

Oo naman! Punta ka lang dito kahit saglit lang. I’ll text you the exact place ok? Bye. Binaba na nya ang cellphone.

Nang mareceive ko ang text ni Ken, agad akong pumunta sa set nila. Ang awkward nga eh lahat ng tao dito nakatingin sakin. Akala mo nakakita sila ng multo. Buti nalang nakita ako kagad ni Ken.

Hi, ang bilis mo ah. Lumapit sya sakin tapos nakipag apir.

Nilakad ko lang kaya, malapit lang kasi.

Why did you want me to come here?  Tanong ko sa kanya.

Inakbayan nya ko at dinala sa loob ng set nila.

Hi guys, I want you to meet my best buddy Dana, Dana they are the production team and my co stars. Pinakilala nya ko sa mga taong nandoon.

Ang totoo, nagulat talaga ako nung ginawa nya yun. Dahil akala ko papatambayin nya lang dun. Di ko ineexpect na papakilala nya pala ako sa kanila.

Nagging warm naman ang pakikitungo nila sakin. Nakipag hand shake nakipagpicture ako sa mga co-artist nya na nandun.

Dana, wait lang ah, I’ll just go to my car. Sabi nya sakin

Ah sure sige dito lang ako.

Biglang lumapit sakin si Karen. Ang kaloveteam ni Ken sa show nila.

Hi. Do you mind if I seat beside you. Maamo nyang tanong sakin.

Ah.. no. umurong ako para makaupo sya.

Ikaw pala yung best buddy nya na lagi nyang kinikwento samin. Tinignan nya ko at ngumiti.

Sa totoo lang medyo naintimidate ako nung lumapit sya sakin. Wala lang, ang ganda ganda nya kasi. Maputi, matangkad, mahaba ang buhok, at higit sa lahat mabait sya.

You know what, every taping namin, lagi ka nya pinapasok sa usapan. Dagdag nya pa.

You’re very lucky, kasi maraming katulad mo ang siguradong maiinggit sayo. At isa na ko dun. Tumawa sya bigla.

Hindi ko alam kung biro bay un o totoo e, kasi parang medyo iba yung dating nya sakin.

Hehehe. Hindi no. ikaw nga yung maswerte kasi love team kayo. Biro ko naman sa kanya.

Yeah right we’re love team, pero sa palabas lang.. seryoso nyang sabi sakin.

Doon palang eh naghinala na ko na may gusto sya kay Ken.

Ah.. kung hindi mo mamasamain, pwede ba kong magtanong sayo. Seryoso kong tanong sa kanya.

Tumingin sya sakin at tumango.

May gusto ka ba kay Ken?? Tanong ko sa kanya.

Ang totoo, kinakabahan akong marinig ang sagot nya. Kasi alam ko oras na malaman ko ang sasabihin nya, sigurado akong iiyak ang puso ko..

Yeah. I like him. A lot. Nakangiting sagot nya sakin.

Nung sinabi nyang gusto nya ang pinakamamahal kong best friend, nanlumo ang pakiramdam ko. At parang may nalaglag na malaking bato sa ulo ko. Nanlamig ang pakiramdam ko.

Pero, hindi ko naman sya finiflirt or something, kasi ayoko din naman masira yung friendship na meron kami. Wish ko nga eh sana maintriga kami, para kahit papano kunyari totoo. Dagdag nya pa.

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Buti nalang dumating na si Ken.

Serious talk?? Sinabi nya saming dalawa.

Haha.. girl talk Ken, you don’t have to know it. Punta na ko dun ah. By the way Dana, thanks sa time. Tumayo na sya at kumaway sakin. Plastic na ngiti lang ang tanging nasagot ko sa kanya.

bat seryoso ka?? Tanong nya sakin.

Ha?? Hindi ah.. kaw talaga. Matipid na sagot ko sa kanya.

Ang ganda nya no, tapos mabait pa. Ang dami sigurong nagkakagusto sa kanya. Nakatingin ako kay Karen habang kinakausap ko si Ken.

Yeah. She’s pretty, smart, and very humble. That’s why I love working with her. Nakangiti nyang sabi.

Alam mo bagay kayo. Seryoso kong sabi sa kanya. Tapos yumuko ako.

Naramdaman ko na bigla syang napatingin sakin. Siguro dahil sa nasabi ko na bagay sila. Hindi ko alam kung ikinatuwa nya ba yun o kinagulat nya. Wala nadin kasing laman yung utak ko nung nabitawan ko yung mga salitang BAGAY KAYO.

Nako! 6 pm na pala.. I need to go home na! tumingin ako sa relo ko tapos tumayo na.

Uuwi ka na kagad?  Tanong nya sakin.

oo. eh, pinapauwi din kasi ako ng maaga. Bye na ah next time nalang. Nakayuko kong sabi sa kanya tapos umalis na ko.

Sinadya ko talagang umalis na kasi alam ko sa sarili ko na konti nalang iiyak na ko. Nalungkot at nasaktan kasi ako sa mga narinig ko mula kay Karen at kay Ken.

Sino ba naman ako para mangarap. Sinasabi ko sa sarili ko habang naglalakad ako palayo.

Hanggang sa makasakay ako sa taxi di ko mapigilan ang luha ko.

Tama, sino ba naman ako para mahalin nya, eh kaibigan lang naman nya ko. Sila ang bagay ni Karen, pareho silang maganda’t gwapo, at sikat. At tsaka isa pa, paeho silang artista kaya sila ang bagay.

Hanggang sa umuwi ako sa bahay naiiyak padin ako. Pero syempre pinigilan ko hanggang di pa ko nakakapasok sa kwarto.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko… bumuhos na talaga yung sakit ang luha ko.

Dana, ang tanga tanga mo talaga, hagulgol ko habang yakap yakap ko ang unan ko sa kama…

My Celebrity Boy-FRIEND (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon