Chapter 30

47 0 0
                                    

CHAPTER 30

Isang linggo narin ang nakaraan, matapos ang matinding pag-amin ko kay Ken.

Isang linggo ko narin syang hindi nakikita..

Pero syempre.. hindi parin ako tinatantanan ng chismis.. at hindi parin mamatay matay ang issueng pinagmulan ng lahat..

Kahit ako nagtataka kung bakit hanggang ngayon, ni hindi man lang nagsasalita ang kampo nila Ken sa nangyari.. samantalang sinabi nya sakin na handa sya magpaliwanag sa media kung kinakailangan.. pero wala eh… napako lang…

*****

Good morning. Bati ko kay Russell.

Wow. Buti ngumingiti ka na. ngumiti sya sakin.

Nasan pala si sir?? Umalis nanaman? Tanong ko sa kanya.

Oo eh. di ka pa nasanay, di ka pa nasanay na lagi tayong taga compile at taga edit. Pabiro nyang sabi sakin.

Sabagay.. o ano namang gagawin natin ngayon?? Punta daw tayo studio 21 mamaya. Write ups at picture nanaman.. kinuha ni Russell ang SLR nya.

O?? ano meron interview?? Presscon?? Tanong ko sa kanya.

presscon. Tinapat nya sakin ang SLR nya at kinuhanan ako.

Testing lang. bago lens ko eh. ui ang ganda mo lalo dito oh. Tinignan nya ang kuha nya sakin.

Sus. Bolero. Pabiro kong sabi sa kanya.

Inihanda nanamin ang mga kailangan naming dalin para sa gagawin naming write ups.

Pagkatapos nun ay agad kaming nagpunta sa studio 21.

Psst. Dito. Tawag nya sakin, dahil lumagpas ako.

Naglakad ako pabalik..

Pinakita naming ang I.D. naming at agad naman kaming pinapasok sa loob.

Ready ka na ba?? Seryosong tanong nya sakin.

Oo naman. Bakit? Nagtataka kong tanong sa kanya..

Wala lang, basta mag ready ka. Iready mo lang yung sarili mo. Seryosong sagot nya.

Nagtaka ako sa mga sinasabi nya at sa paraan ng pananalita nya.

Para kasing may mangyayari na hindi ko alam, pero alam nya.

Hinintay nalang naming magsimula ang presscon..

Ilang saglit lang at nagsimula na ito.

Unang pumasok ang Manger ni Ken, tapos sumunod si Ken..

Kailangan ba talaga tayo iassign dito?? Nakakabadtrip ka naman eh. nairita kong sabi kay Russell.

Sorry kung di ko kagad sinabi sayo.. baka kasi umayaw ka eh. tumingin sakin si Russell.

Umiling iling ako.

Wala naman akong magagawa eh.. andito na, at gagawaa lang ako ng eksena kapag umalis ako dito.

Hindi pa man nagsisimula ang presscon nya ay pinagkakaguluhan na sya ng media.

Ui di ka pa ba kukuha ng mga pictures?? Tanong sakin ni Russell.

Ay.. kinuha ko ang SLR ko.

Sus. Wag na nga ako nalang.. ikaw nalang dito sa write ups. Binigya nya sakin ang notebook ang ballpen tapos kumuha na sya ng mga pictures.

Nawala kasi ako bigla sa sarili ko nung nakita ko si Ken eh… tuwing medyo nakakarecover na ko.. tsaka naman bigla syang magpapakita.

Pinatigil muna nila ang pagkuha ng pictures sa kanya dahil magsisimula na ang presscon nya.

Sinabi din nila na hindi sila tatanggap ng kahit anong tanong.

Hinanda ko na ang ballpen at notebook na hawak ko.

Ahh.. good afternoon po sa inyo. Nandito po ako para iclarify yung issue na matagal ng pinaguusap-usapan.  Bungad nya.

Ang issue na kumakalat sakin na tungkol sa pakikipag kita ko sa isang babae ay sobrang tagal ng pinag-uusapan. At gusto ko pong humingi ng apology kung ngayon lang po ako magsasalita regarding sa issue na ito… dagdag nya.

Ready ka bas a kung anong maririnig mo???? Seryosong tanong sakin ni Russell……

My Celebrity Boy-FRIEND (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon