Chapter 26

47 1 0
                                    

CHAPTER 26

Dumeretso ako agad sa bahay dahil gusto na kagad magpahinga.

Nang pumasok ako sa loob nakita kong nakatingin sakin si mama.

Anak.  Sabi sakin ni mama.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko..

Luampit ako kay mama at yumakap..

Umiyak ako ng umiyak sa mga braso nya..

Mama.. hindi naman totoo yung kumakalat eh.. ma bakit ganun sila. Umiiyak kong sabi kay mama.

Anak. Naniniwala ako sayo. Kilala kita. At alam ko kung ano ang totoo.  Hinaplos ni mama ang buhok ko para patahanin.

Ang kailangan mong gawin ngayon eh magpakatatag ka. Alam kong kaya mo yan. Malakas ka diba. Matatapos din ito. Magtiwala ka lang sa Diyos.  Yakap yakap padin ako ni mama.

Hindi ako kumain ng dinner dahil wala akong gana, sa halip umakyat nalang ako sa kwarto ko..

Humiga ako sa kama ko, at umiyak ng umiyak..

Kung dati si Ken ang karamay ko sa bawat pag-iyak ko…. Ngayon wala na…

Sarili ko nalang…

I feel very helpless sa mga nangyayari..

Yung taong nagmamahal sakin, nagawang kong itaboy kanina..

Sa sitasyon ko ngayon, isa lang ang alam kong makakausap at makaktulong sakin. Ang Diyos..

Lord… tulungan nyo naman po ako malagpasan tong mga problema ko po.. dati naman po simple lang ang buhay ko… bakit nyo po ako binigayan ng ganitong problema??? Tinanong ko ang Diyos kung bakit nangayayari sa buhay ko..

Habang yakap ko ang unan ko.. nagring ang cellphone ko.

Mars! Narinig ko ang boses ni Tina.

Hindi ako makapgsalita dahil sobra ang pagiyak ko.

Oh my God!! Wag ka na umiyak.. hindi ako naniniwala sa mga sinasabi sa dyaryo.. I swear kilala kita! Pinpagaan ni Tina ang loob ko.

Tina sobrang sakit… sobra… umiiyak kong sabi sa kanya.

Kaya mo yan.. kaya mo yan! Wag mo silang pakinggan, isipin mo nalang yung taong nakapaligid sayo na alam yung katotohanan..

Naiinis ako sa Ken na yan! Hindi ka man lang maipagtanggol.. bakit hindi sya magsalita sa mga nagyayari. Dagdag pa ni Tina.

Sa sobrang lungkot ko, binaba ko nalang ang cellphone..

Inisip ko na tama nga yung sinabi ni Tina..

Bakit hindi man lang sya magsalita at ipagtanggol ako ???

Sabi nya sakin ayaw nyang may magsabi sakin ng masama pero bakit ganito sya ngayon???

Iniisip nalang ba nya ang sarili nya?????

Nakatulugan ko nanaman ang pag-iyak..

KINABUKASAN:

Hindi ako ngabreakfast, basta nalang ako umalis ng bahay para pumasok..

Tumawag ako kagad ng taxi at nagpaderetso sa AMC.

Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa loob eh nakita ko kagad ang mga mukha ng mga tao na nakatingin sakin.. at kung anu ano ang pinagbubulungan..

Syempre nasasaktan ako sa mga nakikita’t naririnig ko pero inisip ko nalang yung sinabi nila mama, na kayak o to..

Tuloy tuloy lang ako sa paglakad at sumakay ng elevator..

Pagkababa ko sa elevator ay dumeretso ako agad sa office.

Good morning sir. Bati k okay sir Warren.

Tinignan ako ni sir, na parang may gustong sabihin sa akin..

At sa isip ko alam ko na kung ano yun… yung ISSUE.

Ahh.. Dana, regarding dun sa issue sayo. I’d like to tell you that I don’t believe in the issue. Cheer up. Nakangiting sabi sakin ni sir Warren.

Thank you po sir. Sagot ko kay sir.

Paki compile ang lahat ng yan, at hintayin mo si Russell para mabilis ang trabaho. i need to go. Marami akong appointments. Lumabas na si sir Warren sa office nya.

Habang wala pa si Russell, ay inayos ko muna ang mga ibang papel na icocompile.

Mayamaya lang ay dumating nadin si Russell.

Napatingin ako sa kanya, pero hindi kami nagkibuan.

Aayusin daw natin to. Matipid na sabi ko sa kanya.

Sige. Matipid din na sagot nya.

Inayos naming ang mga papers, pictures, at reports at hindi parin kami naguusap.

*tok tok tok biglang may kumatok sa pinto.

Tumayo si Russell at binuksan ang pinto..

Dana, may naghahanap sayo. Tumingin si Russell sakin.

My Celebrity Boy-FRIEND (ongoing)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum