Chapter 5

83 1 0
                                    

CHAPTER 5

Sure ka ok lang sayo na ihatid mo ko ah. Umupo ako front seat.

Oo naman, ayan ka nanaman eh. Ngumiti sya sakin at nilgay ang seatbelt.

Ang lapit ng mukha nya sa mukha ko nung inaayos nya ang seatbelt sakin. Syempre, ako, lihim na nakatingin sa kanya, sa sobra nyang gwapo at maamong mukha..

Dapat lagi ka magsiseatbelt para safe ka. Nakangiting sabi nya sakin.

Opo, daddy. Pabiro kong sagot sa kanya.

Ilang babae nab a ang pinagdrive mo dito sa car mo?? Pabiro kong tanong sa kanya.

Wala. Ikaw lang naman pinapasakay ko dito. Seryoso nyang sabi sakin.

Nagulat ako sa sagot at at napangiti. Hindi ko kasi expected na sasabihin nya yun sakin.

Ahaha.. talaga, bago palang kasi no. kaya wala pang nakakasakay. Tumatawa kong sabi sa kanya.

Baliw ka talaga, sinabi ko na eh.. pailing iling nyang sabi.

Kamusta pala ang photography class mo?? Tanong nya sakin.

Okay naman. Masaya, hobby ko eh. Tsaka andami ko ng natutunan. Kinuha ko ang slr sa bag ko at binuksan.

Say cheese. Kinuhanan ko sya habang nagdadrive sya. Ilang beses ko din syang kinuhanan.

Ang dami na nyan ah, mahal talent fee ko. Pabiro nyang sabi sakin.

Habang naka stop dali picture naman tayo sa cellphone ko. Nilabas nya ang cellphone nya at nilapit ang mukha nya sa mukha ko.

Say hey. At nagtake sya ng picture naming dalawa.

Sobrang bilis ng heartbeat ko nun, at kilig na kilig ako. Tumingin sya sakin at ngumiti.

Dapat fair tayo, picturan mo ko, picturan din kita. Sweet na pagkakasabi nya. Nagkatitigan ulit kami.

Hoy! Go na kaya !! haha tinapik ko sya at tumawa..

Ang sarap din ng kwentuhan naming habang hinahatid nya ko.. walang tahimik na moments dahil ang dami nya at ang dami ko ring kwento sa kanya.

Dito na lang ako. Sabi ko sa kanya.

Osige. Hininto nya ang sasakyan.

O pano ba yan.. see you nalang ulit next time. Inalis ko ang seatbelt ko at ngumiti ako sa kanya. Bubuksan ko n asana yung pinto pero pinigilan nya ko.

Wait. Hinawakan nya ang bag ko.

I miss you.. niyakap nya ko ng mahigpit. Nagulat ako sa mga pangyayari. Pero syempre kinilig nanaman ako. At napangiti. Niyakap ko din sya pabalik.

Miss you din…. Buddy.. o sige na, bbye na .. gagabihin ka lalo eh. Inalis ko ang pagkakayakap nya sakin kasi baka hindi ako makapagpigil at ano pa masabi ko sa kanya.

Teka. Last na. malapit na birthday mo ah, ano balak mo?? Hinila nya ulit ang bag.

Hahaha.. next week pa yun eh, wala pa kong balak Ken.. sige na ha Good night  kinurot ko ang pisngi nya at tsaka bumaba sa kotse nya.

Bye. Ingat ka ah. Text mo ko mr. heartthrob. Sinilip ko sya sa bintana ng kotse nya.

Sige, Dana see you, call you nalang. Take care. Nakangiting sabi nya sakin at tska sinara ang bintana ng kotse nya.

Hinintay kong makalayo ang kotse nya bago ako pumasok sa loob ng bahay namin.

Kilig na kilig akong pumasok ng bahay.

Bat ngayon ka lang ate?  Naglalaro ng ps3 ang kapatid kong si Dave sa sala.

Nakabungisngis ka pa dyan, si kuya Ken nanaman kasama mo no ?? kaya heaven ka nanaman dyan. Asar sakin ng kapatid ko.

He! E kung patayin ko kaya yang nilalaro mo no.. matulog ka na.. 11 na ah. Susumbong kita kay mama. Banta ko sa kapatid at tsaka ako umakyat sa kwarto.

Naglinis ako kagad, at humiga sa kama dahil sa pagod ko.

“I’m home. Sleep na. Sweet dreams hugs” text sakin ni Ken.

“buti naman, cge nyt Good night buddy hugs” reply ko naman sa kanya.

Sa sobrang kakiligan ko eh nagiikotikot ako sa kama ko habang kinikilig. Kiniss ko pa ang screen ng cellphone ko na sya ang wallpaper.

I love you Ken, I love you.. Mahina kong sabi habang nakatitig ako sa mukha nya sa cellphone ko.

Bigla ko nalang naalala ang tanong nya sakin na kung ano ang balak ko sa birthday ko…

Ano nga bang balak ko sa 20th birthday ko?? Di na ko teenager. Hmm… wala akong maisip basta ang gusto ko lang eh isang surprise gift na makakapagpasaya sakin… yun lang….

My Celebrity Boy-FRIEND (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon