Chapter 11

55 0 0
                                    

CHAPTER 11

Last question Ken, do you have a crush on her?? Or may gusto ka ba kay Karen, kasi ayon sa mga source ko, sweet daw kayo sa set??? Nangiintrigang tanong ng reporter.

Ahmm.. hahaha.. tumawa ulit sya.

Wag… sabi ko habang hinihintay ko ang sagot nya… sobrang kinakabahan ako sa isasagot nya, dahil baka ito nanaman ang maging dahilan ng pag-iyak ko…

Hinawakan ko ng mahigpit ang remote, habang hinihintay ko syang sumagot.

Hahaha.. I guess, kahit sino naman po magkakagusto sa kanya, she’s very humble and very cute. Yes I do like her. Nakangiti at medyo nahihiya nyang sagot sa reporter.

Tumigil ang mundo ko… parang tumigil ang buong pulso ko sa mga narinig ko sa kanya..

Lumamig ang pakiramdam ko sa katawan ko at biglang tumulo ang luha ko..

Pinatya ko agad ang TV namin at umakyat ako agad sa kwarto..

Pumunta ako sa higaan ko at ditto ko na lahat binuhos ang luha ko..

Hindi ko maexplain kung gano kasakit ang nararamdaman ko, basta ang alam ko… alam ko na ngayon ang sagot. Na may gusto nga si Ken, kay Karen..

Hindi ako matigil sa pag-iyak…

Tinawag ako ng kapatid ko para kumain, pero nagpanggap nalang ako na natutulog…

Parang magugunaw ang mundo ko….

Ang sakit, grabe.. sobrang sakit.. Lord.. bakit po.. bakit kasi po sya pa.. hagulgol ko habang tinignan ko ang mga pictures naming together sa SLR ko.

Puro luha na nga ang screen ng SLR ko sa kakaiyak ko..

1am na, pero hindi padin talaga ako makatulog.. at hindi parin ako tumitigil sa pag iyak..

Napaka sakit talaga magmahal sa isang taong katulad nya, bukod sa bestfriend ko sya, ang dami kong kaagaw… grabe, sobrang sakit… niyakap ko ang unan ko at umiyak ng umiyak…

Ano po dapat kong gawin??? Kaya ko pa po ba humarap sa kanya katulad ng dati???? Tulungan nyo po ako Lord please .. please po… hirap na hirapn nap o ako.. sobrang sakit nap o ng puso ko.. nakipag usap ako kay Lord. Ang kaisa isang taong alam kong hindi ako iiwan….

KINABUKASAN..

Bye ma. Nagpaalam ako kagad kay mama at lumabas ng bahay.

Narinig ko na may sinasabi pa sya sakin pero, hindi ko na pinakinggan kasi baka mapansin nya yung mukha ko…

Napakalungkot na mukha, at namamagang mata.. eto ang mukha ko ngayon…

Lalo pang lumungkot ang araw ko ng Makita ko si Ken sa front page ng mga dyaryong nadadaanan ko: Ken Santiago umaming may gusto kay Karen Gonzales. Yan ang nakalagay sa mga dyaryo..

Badtrip.. makasakay na nga ng taxi. Nagtawag kagad ako ng taxi…

Pagkadating na pagkadating ko sa room namin eh agad akong dumeretso sa seat ko, tapos biglang lumapit sakin si Tina.

Mars.. napanuod mo ba?? Malungkot na tanong nya sakin.

Tumango lang ako tapos kinuha ko ang SLR ko, kunyari may titignan ako.

Lumayo si Tina sakin. Hanggang sa matapos ang klase namin eh hindi muna kami nagusap. Siguro nahalata nya na kailangan ko munang mapagisa sa mga times na ito dahil sobra ang sadness na nararamdaman ko..

Pagkatapos ng klase ay dumeretso ako sa The Fort, para magchill magisa.

Libot lang ako ng libot at bumili ng kung anu ano, pampatanggal stress..

Hanggang sa bigla akong nagcrave sa coffee..

Dumeretso ako sa isang doughnut at coffeeshop para mag take out ng coffee at doughnut.

250 pesos ma’am.

Inabot ko sa cashier ang pera ko..

Chineck ko muna yung binili ko tapos tumalikod na ko sa cashier ng bigla kong nakita sina Ken, at Karen papasok dito.

Coffee nalang ako. Nakangiting sabi ni Karen kay Ken.

Napahinto si Ken sa paglakad nung nakita nya ko..

Tumingin sya sakin, at nahalata ko sa itsura nya na nagulat sya..

Nabigla ako sa nakita ko, araaay.. magkasama silang dalawa, at pareho pa silang nakangiti sa isa’t isa…

Hey Dana, its you.. nginitian ako ni Karen.

Ui.. eto lang ang salitang lumabas sa bibig ko at ngumiti ako sa kanila… pero sa loob ko alam kong sasabog nanaman ako..

Dans, how are you?? Tanong sakin ni Ken. Nakatitig lang sya sakin..

Ha?? Ok ako.. ok ako sobra.. tumawa nalang ako para hindi ako mahalata.

Una na ko ah.. baka istorbo pa ko sa inyo.. sige.. kumaway ako sa kanila at agad na lumabas ng pinto.

Nakita ko na nilingon ako ni Ken, pero hindi ko ginawang lumingon dahil pagkalabas na pagkalabas ko ng pinto eh tumulo nanaman ang luha ko…

Hindi man lang pinalipas ang isang araw.. pinaiyak nanaman ako…

Lord, bakit po ngayon ko pa sila nakita?? Ang sakit po eh sobra… pinunasan ko ang luha ko kahit na may dala akong doughnut..

Naglakad ako papalayo dun, ksi baka mamaya, Makita pa nila ako… mahirap na…

Para talagang makaiwas na, sumakay na ko ng taxi…

Sinabayan ng ulan ang damdamin ko.. umiiyak ang panahon, umiiyak din ako..

Lucky I’m inlove with my…. Nagring ang cellphone ko, si Ken ang tumatawag..

Hindi ko alam kung sasagutin ko ba, o hindi e, pero hindi ko natiis.. pinunasan ko ang luha ko at uminom ng kape para hindi mahalat na umiiyak ako.

Dans??  Sabi nya.

O?? bakit Ken?? Napatawag ka. Medyo ngongo pa yung boses ko dahil sa kakaiyak.

Nasan ka?? Umuwi ka na ba?? Tanong nya sakin.

Suminghot muna ako para maging okay ang boses ko..

Oo eh, umulan nadin kasi.. kaya ayun.. alibi ko sa kanya.

Ok ka lang ba?? Kasi parang iba yung itsura mo kanina eh, parang namamaga yung mata mo?? May nangyari ba?? Concerned na tanong nya sakin…

Ako?? Hindi ah! Ok lang ako Ken, wag ka magalala, I’m fine. Nakatawang sabi ko a kanya..

Sure???

Yup.. osige na.. malolowbatt na ko eh ha.. bye. Binaba ko kagad ang cellphone ko.

Nung tinanong nya sakin kung ok lang ba ako, gusto kong sumabog… kaso ayoko.. ayokong sabihin sa kanya, na hindi ako okay at ang dahilan eh sya… ano sense nun diba?? WALA..

Kaya kahit na sobrang masakit para sakin, sasarilinin ko nalang kung ano man tong sakit na nararamdaman ko… alang alang sa FRIENDSHIP namin.. alang alang sa pagmamahal ko sa kanya…

Hindi parin ako matigil sa pag-iyak.. at alam kong hindi na to titigil pa lalo na , nakita na mismo ng dalawang mata ko, kung gano sila kasaya, pag magkasama sila…..

CHAPTER 12, 13, 14, 15 later :) sana magustuhan nyo salamat :)

My Celebrity Boy-FRIEND (ongoing)Where stories live. Discover now