Chapter 18

63 1 0
                                    

CHAPTER 18

Good afternoon Ken, gusto ko lang itanong, at para maging clear nadin sa lahat ang issue na ito, ken, kayo nab a ni Karen. Tanong ng isang reporter.

Ngumiti si Ken..

Utang na loob Lord, wag po sana yung ayokong marinig.. please po.. sabi ko sa sarili ko habang hinihintay ko ang sagot ni Ken.

Nanlalamig ang buong katawan ko.. at sobrang kabado ako.. sobrang takot na marinig ang isasagot nya….

Kukunan ko na sana ulit sya ng picture nang bigla syang nagsalita..

Hmm… para po matapos na yung issue. Sige po sasagutin na po namin ang totoo..

The truth is, yes. Kami na po. Seryoso nyang sagot.

Binaba ko ang camera ko dahil sa pagkabigla.. natulala ako at parang lumutang ang ulo ko..

Natuwa ang mga reporters sa narinig nila kaya panay ang kuha nila ng pictures sa kanilang dalawa, pati ang media, nagkagulo..

Tumingin ako sa kanilang dalawa.. at pareho silang nakangiti..

Parang nawala ako sa ulirat, nanlamig ang buong katawan ko..

Yung puso ko… sobrang sakit ng nararamdaman ko sa puso ko..

Eto na siguro yung sinasabi nya sakin.. eto na nga yun…

Papano nya nasabi sakin na sanang walang magbago??? Sobrang sakit kaya nito…

Nakatitig lang ako sa kanya.. hindi na ko nakakuha ng mga pictures..

Napatingin si Ken sa may bandang pwesto na kinatatayuan namin ni Russell..

Nakita ko sa mukha nya yung pakagulat.. tumingin sya sakin..

Hindi ko na napigilan ang sarili ko.. buti nalang bago pa pumatak ang luha ko eh natyempuhang nakuhanan ko na sya..

Tumalikod ako.. tapos lumakad na palabas..

Tuloy tuloy na yung pagpatak ng luha ko, kahit anong punas ko… ayaw ng tumigil..

Dana… narinig kong sumigaw si Russell.. tumatakbo sya papalapit sakin..

Dana bakit?? Hinawakan nya ang braso ko.

Bumitaw ako tapos tumakbo ako palayo..

Sobrang sakit ng nararamdaman ko, parang madudurog yung puso ko..

Pumunta ako sa office ni sir Warren.

Sinundan ako ni Russell.

Dana..  lumapit sakin si Russell at niyakap ako.

Russell…. Hindi ko kaya.. sobrang sakit.. sobrang iyak ko sa braso nya..

Niyakap nya ko ng mahigpit.. at kinomfort..

Sabi ko na nga ba eh.. sya.. si Ken yung taong gusto mo. Sabi nya sakin.

Bakit ganon?? Parang sinasadya akong saktan ng Tadhana?? Bakit?? Gustong gusto nya ba kong nakikitang nasasaktan ?? iyak parin ako ng iyak..

Iiyak mo lang, kaya mo yan Dana, andito lang ako.. nandito lang ako.. pilit nya kong pinapatahan..

Ang tagal din naming magkayakap..

Nang medyo nahimasmasan ako.. lumabas na kami ng office ni sir Warren. Buti nalang iniwan sakin ni sir yung susi kung hindi sa daan siguro ako umiyak..

Sinamahan ako ni Russell sa mall para magpalamig.

Alam ko nay an eh. Matagal na. sabi nya sakin.

Matagal ko ng alam na may gusto ka sa kanya.. kaya nga hindi kita niligawan kasi alam kong basted kagad ako. Naglakad lakad kami.

Sorry Rus ah. Seryoso kong sabi sa kanya.

Sus. Wala yun. Basta para sayo. Ngumiti sya sakin.

Alam mo, naiinis ako sa sarili ko.. ilang beses ko ng sinabi sa puso ko na tama na eh pero ayaw tumigil. Naiyak ulit ako.

Alam mo dana, kahit kailan di mo madidiktahan yung puso mo.. yan ang pinaka dakilang pasaway na parte ng katawan eh. Kahit anong sabihin mo dyan, kung ayaw nyan wala kang magagawa. Seryosong sabi nya sakin.

Siguro kaya ganito, kasi pinapakita talaga sakin na wala akong pag-asa sa kanya..

Hinatid nya ko sa sakayan ng taxi.

Sure kang kaya mo ah?? Baka umiyak ka dyan. Pabiro nyang sabi sakin.

Oo naman, lagi ko naman yung ginagawa.

Rus, thank you talaga ah, thank you sa pag comfort sakin.. nakangiti kong sabi sa kanya..

Basta ikaw… bukas nalang ah.. ayusin nanatin yung isusubmit natin kay sir. Binuksan nya ang pinto ng taxi.

Kumaway sya sakin habang papalayo ang taxing sinasakyan ko.

Umiyak sa taxi.. oo ginawa ko nanaman, lagi naman eh..

Hanggang sa umuwi ako… umiiyak padin ako.

Sa unang pagkakataon hindi ako inasar ng kapatid ko. Siguro dahil nakahalata na sya kung bakit ako umiiyak..

At si mama naman.. niyakap ako ng mahigpit..

Umakyak ako kagad sa kwarto ko, kung san lagi kong nilalabas ang sobrang sakit na nararamdaman ko..

Kinuha ko ang secret box ko sa ilalim ng kama ko.. binuksan ko ito

Isa isa kong tinignan ang mga pictures namin ni ken at yung mga kuha ko sa kanya..

Lahat ata ng pictures may tulo ng luha ko eh.. hindi ko talaga mapigil ang luha ko,

At lalong hindi ko na matago yung sakit na nararamdaman ko..

Lord.. alam ko na po…. Sobrang sakit na po.. Pagod na ko..

SUKO NA KO…..

CHAPTER 19, 20, 21 LATER :) sana po nagugustuhan nyo vote po kayo and leave a comment maraming salamat po :)

My Celebrity Boy-FRIEND (ongoing)Where stories live. Discover now