Chapter 10

54 0 0
                                    

CHAPTER 10

Dana, ang tanga tanga mo talaga, hagulgol ko habang yakap yakap ko ang unan ko sa kama…

Dito na talaga lumabas ang sobrang sakit na nararamdaman ko, alam ko wala akong karapatan na magkaganito, pero hindi ko mapigilan dahil mahal na mahal ko si Ken.

Tuloy tuloy na yung tulo ng luha ko, sobrang hagulgol habang yakap ko ang unan ko. Nagtext sakin si Ken. Pero hindi ko nireplyan. Sobrang lungkot ko kasi ng pakiramdam ko at baka kung ano lang ang matext ko sa kanya.

Lord, bakit po ang sakit sakit ng ganito.. alam kop o OA ako pero hindi kop o talaga mapigilan. Hagulgol ko habang kinakausap ko ang sarili ko.. ang sakit na nararamdaman ko eh parang sinaksak ako ng lahat ng fans ni Ken sa puso ko.. ganun.. ganun kasakit..

Kahit na wala pang sinasabi sakin si Ken about sa feelings nya sa kahit na kaninong babae, parang nagkaroon ako ng clue, na si KAREN ANG GUSTO NYA.

Hala ano nangyari sayo??? Gulat na gulat na sabi sakin ni Tina.

Wala to. Dumeretso ako sa seat ko. At yumuko.

Mars! Hindi nga, ngayon lang kita nakitang ganyan! Ano bang ginawa mo??? Nagpabugbog ka ba sa mata??? Sobrnag maga oh! Inangat nya ang mukha ko at hinawakan ang mata ko.

Mamaya nalang mars, baka umiyak pa ko dito. Yumuko ako ulit.

Habang nagkaklase at nagdedemo ang professor namin, lutang ang isip ko, ni hindi ako makapagfocus sa mga ginagawa ko hanggang sa matapos ang klase.

kinuha ko kagad ang bag at SLR ko, tapos pinasok ko ito sa loob ng bag ko. Agad akkong tumayo at lumabas sa room.

Mars! Ano kaba! Kala ko ba paguusapan natin yang crying moments mo??? Hinabol ako ni Tina palabas sa room.

Hindi ako nagsasalita, pumunta ako sa favorite place ko sa school namin, ang Garden.. buti nalang at nagkataon na walang tao.

Umupo ako sa damuhan, at umupo rin si Tina.

Hindi pa man sya nagtatanong sakin kung ano ang nangyari, naunahan na ko ng iyak.

Oh my gosh.. wag ka na umiyak.. ano ba kasi ang nangyari?? Niyakap ako ni Tina.

Kas..kasi.. nasasaktan…. Ako eh.. umiiyak kong sinabi sa kanya.

Ha ?? o bakit?? May girlfriend nab a si Ken mo??? Hinimas himas nya ang likod ko para mahimasmasan ako.

Wala.. pero… alam ko na kung sino.. yung taong gusto nya… inalis ko ang pagkakayakap sakin ni Tina at pinunasan ko ang mga luha ko.

Ha?? O sino daw?? Sinabi nya sayo.. as in diretso?? Tanong ni Tina.

Yung ka love team nya si Karen.. hindi nya sinabi sakin pero, pakiramdam ko si Karen. Kasi kahapon nagkakwentuhan kami…. Tapos sabi nya, he loves working with her daw… umiyak ako ulit.

Gaga! Ano ka ba! Wala naman pala syang sinasabi sayo,, nagdadrama ka na ng ganyan. Tinapik nya ang braso ko.

Huhuhu… hindi nya nga sinabi sakin pero si Karen… si Karen sabi nya sakin gusto nya si Ken. Dagdag ko.

Talaga??? Sinabi nya yun sayo??? Naku, palagi pa naman silang magkasama, tapos magkaloveteam pa sila tapos---

Hindi ka naman nakakatulong eh… lalo mo lang ako sinasaktan mars!  Pinalo ko sya at umiyak ako ng umiyak.

Aray! Niloloko lang naman kita Dans, alam mo, hanggat hindi mismo si Ken ang nagsasabi na may gusto sya kay Karen, wala kang dapat ipag alala…. Loveteam lang sila tandaan mo yan. Seryosong payo sakin ni Tina.

Niyakap ako ulit ni Tina.

Pagkatapos nun ay umalis nadin kami ng school, ako naman dumeretso ako ng uwi..

Ma dito na pa ako. Binaba ko ang bag ko sa sala at umupo.

O si mama? Lumabas ang kapatid ko sa kusina.

Wala eh kasama ni tita, mamaya pa daw sya uuwi.. umakyat sya kagad sa kwarto nya..

Wala akong magawa kaya binuksan ko nalang ang tv… palipat lipat, lipat lipat, hanggang sa natyempuhan ko si Ken na iniinterview.

So kamusta naman ang taping nyo ng Primetime show nyo?? Tanong ng reporter.

It’s good po, I’m having fun.. Because I like the people I’m working with. Nakangiting sagot nya.

All of your fans and the people eh gustong itanong to, Ken, nagdadate ba kayo ni Karen?? Tanong ulit ng reporter sa kanya..

Bumilis ang tibok ng puso ko, parang hindi ako handang marinig ang sagot nya.. pero ayaw ko namang ilipat yung channel.. kaya kahit ano pa ang marinig ko, titiisin ko nalang…

Hahaha.. tumawa sya at nagayos ng buhok.

Right now, we’re just enjoying each others company, we hang out yes, but with friends.  Nakatawang sagot nya.

Medyo na narelieve ako sa sagot nya..

Last question Ken, do you have a crush on her?? Or may gusto ka ba kay Karen, kasi ayon sa mga source ko, sweet daw kayo sa set??? Nangiintrigang tanong ng reporter.

Ahmm.. hahaha.. tumawa ulit sya.

Wag… sabi ko habang hinihintay ko ang sagot nya… sobrang kinakabahan ako sa isasagot nya, dahil baka ito nanaman ang maging dahilan ng pag-iyak ko…

the hearbreak moments of DANA will start on CHAPTER 11 abangan nyo po :) leave a comment po thanks :)

My Celebrity Boy-FRIEND (ongoing)Where stories live. Discover now