Sheeeeeeeeet lang! Ano ba ang nangyayaring to?

750 9 13
                                    

Finally, nagsalita narin si Daniel. Well, it's about time na magkalinawan kami, kung meron ngang dapat na linawin sa isa't isa.

"I want to stay here Janine. Dito sa lugar niyo." Daniel said. Hindi ako makapaniwala. What made him decide to stay?

"Daniel, ewan ko lang. Pero hindi kita maintindihan." sabi ko sa kanya.

"Ako rin Janine, at first hindi ko maintindihan ang sarili ko, pero ngayon ang dami ko lang narealize sa buhay ko." woaahhh. Grabe naman ang binitawang statement na yun ni Daniel.

"Psh. Daniel, pagkakamali ang pagpunta mo dito. Mas naguluhan ka lang." sabi ko sa kanya.

Natahimik si Daniel.

"Princess, hindi ka bagay dito." dugtong ko.

"Siguro nga hindi ako bagay dito, but how come this feels so right?" tanong niya sa akin, habang nakatingin sa mga mata ko na para bang may hinahanap siyang sagot from me.

"Anong right? Saan ba ang tama dito?" nakakainis na si Daniel. Ayaw ko ng mga ganitong eksena, pang teleserye lang.

"What I feel for you Janine. You make me see through things." sabi ni Daniel sa akin. Ah, eh. Jeez.. Paano ba to?

"Daniel. Naguguluhan ka lang. Mali lahat to. Si kath, she's the one for you." sabi ko sa kanya. Sheeeeeeeet lang. Ano ba ang nangyayaring to?

"Janine, that's what I thought too, until I met you." sabi niya. Napaka-imposible lang ng eksenang ito. Parang nananaginip lang ako, only that I think this is turning into a nightmare.

Tumayo na ako. This is really too much. Hindi ko na yata kayang I handle pa ang situation na ito. Tumayo rin si Daniel, lumapit siya sa akin.

"Janine, just don't push me away from you." sabi niya, saka niya ako niyakap. Nagpayakap naman ako.

Kung hindi lang talaga si Daniel si Daniel, I would gladly tell him that our feelings are mutual, kaya lang, sino ako para buwagin silang dalawa ni Kath? Hindi lang si Kath ang magagalit sa akin, pati na rin ang milyon-milyon nilang fans.

Sinubukan kong itulak si Daniel palayo, pero mas humigpit lang ang pagkakayakap niya sa akin.

"Daniel. You went here to make Kath miss you. Narealize mo ba? She loves you. She told me, she loves you too." At what I said, kumawala si Daniel sa akin.

"She loves me?" tanong ni Daniel sa akin. Bakit ako ang tinatanong niya, si Kath nalang kaya ang tanungin niya. This is like rubbing salt in my wound.

"Yeah, sinabi niya." Ouch. This hurts, convincing the one you love that the one he loves, loves him too.

Katahimikan. Gusto kong umiyak sa mga nangyayari, at the same time ayaw kong makita ni Daniel na umiiyak ako. That is like taking off my clothes and letting people see me naked.

"See? You feel the same. Feeling mo lang na gusto mo na dito, na gusto mo na ako, kasi you thoughtKath doesn't love you too.. Well she does. Kaya halika na, ibabalik na kita sa kanila." sabi ko kay Daniel in my coldest voice.

"Janine. Iba ka kay Kath. I really like you, nasanay na akong nadiyan ka." nagsalita ulit si Daniel, at nainis na ako.

"Daniel 10 days palang tayong magkakilala, how come nasasabi mo yan?" tanong ko sa kanya, nawawalan na ako ng pasensya. Hindi ba pwdeng umalis nalang siya at magkalimutan nalang kami? Sana ganun lang kasimple.

"I just know. Alam ko lang Janine. The next thing I know, gusto na kita. You're so impossible yet you have that magnet to pull me to you." sabi ni Daniel sa akin. Nakakakilig, pero hindi talaga pwede.

A Summer to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon