Sorry

726 9 11
                                    

"Janine. Pahingi rin ako!" sabi ni Enrique sa direction ko. Psh! Ano ba yan. Ang daming cheese cake. Bakit di nalang yun ang pagtripan nila?

"HA? Ah eh. Diba ayaw mo ng eggs?" tanong ko kay Enrique, habang inaabot ang sandwich sa kanya.

" Parang masarap kasing tingnan." Aabutin na sana niya yun, when Daniel instantly snatched it from my hand. Enrique was pissed, at the same time shocked kasi ang bilis nakuha ni Daniel ang sandwich.

"Ayaw mo pala eh, hihingi-hingi ka pa. Ibigay mo nalang sa mga may gusto." sabi ni Daniel sa kanya taking the first bite of his 3rd sandwich.

"Isip bata! Ayaw mo man lang magshare!" Enrique pouted. 3 years ago, I was ready to give Enrique everything - my sandwich, my share of chocolates and my heart, pero ngayon hindi na. I moved on! Hindi na ako naapektuhan sa kanya. After 3 years of crying over him, at last I got over him na. Thanks for that someone who made me realize.

"Hey, I'm not sharing. Not ever. This is mine." Daniel said, looking at me, umiwas naman ako ng tingin. Ewan ko, siguro ang kapal ko lang, but there's something inside me who says na this isn't just about the cheesecake and sandwich.

Tahimik na naman ang dining table. Ang awkwaaaaaaard lang talaga ng nangyayari.

"Janine, gusto mo ng cheesecake? You can have a slice if you want." offer ni Kath sa akin. Ooops nakalimutan ko nang kasali pala sa equation si Kath. Ang bait ni Kath, naisipan pa niyang bigyan ako ng cheesecake. She was smiling at me, na para bang she's telling me that everything's okay. Parang mali ako kanina. Hindi pala kami magkaparehas ni Kath. I'm black and white, siya naman rainbow!

"Kath, gustong-gusto ko sana kumain ng cheesecake. Pero allergic talaga ako sa cheese eh." sabi ko kay Kath with my very trying-hard-to-look-apologetic face. Ooops, not another one na ayaw kumain ng cheesecake na dala niya.

"Ako! Favorite ko rin naman ang cheesecake. Ang sarap nito hija. Ang tamis. Sayang Janine." sabi ni Ninong, saving my ass. Buti nalang nasa table si Ninong kung hindi ang awkward awkward na talaga ng moment.

"Ako rin po tito. Favorite ko ang cheesecake! Ang sarap nito Miss Kath!" sabi ni Jen, si Rhea naman tatango-tango sa tabi niya, habang kinakain ang cheesecake na dala ni Kath.

"Oo nga. Susubukan ko ngang magbake ng cheesecake paminsan-minsan." At nagsalita rin si Mang Carding. At lease hindi completely tahimik sa table namin.

"O siya, siya. Lahat nasarapan sa cheesecake! Salamat for this very delicious lunch, mayor, chef Carding. We'll refer your resort to our friends!" Grabe talagang maka PR tong manager nila Daniel no wonder why ang sikat sikat ng mga talents na hinahawakan niya. Tumayo na siya sa upuan habang dala dala ang laptop niya.

"Daniel, we'll be leaving immediately. Prepare your things. And let the manager drive your car. You're riding with me." sabi ng mama ni Daniel. Napakastrict naman pala ng mama ni Daniel.

"Whatever mama." sabi ni Daniel sa mama niya atsaka tumayo na. Si Kath naman hinabol si Daniel.  Sina Jen at Rhea nililigpit ang mga kinainan namin, si Ninong at Mang Carding heading off to the garden. Which leaves Enrique and me alone.

Tatayo na sana ako para tulungan sina Jen at Rhea when Enrique stopped me.

"Janine, we need to talk." Aba, we need to talk daw.  Hindi ako sumagot. Biglang lumabas si Nathan out of nowhere. Magkababata kaming lima nina Nathan, Enrique, Rhea at Jen. Kaya alam nila lahat ng naramdaman ko when Enrique left.

"Yeah, kailangan niyo talagang mag-usap." sabi ni Nathan kay Enrique, binigyan siya ni Enrique ng umalis-ka-nga-dito look, kaya yun sinundan niya nalang sina Jen at Rhea sa kusina, na I'm sure kung ano ang pinag-uusapan.

Nasa veranda kami ni Enrique sa likod ng resort.

"Janine, galit ka ba?" tanong niya sa akin. Magkaharap kaming dalawa, so close. Ano daw? Galit? Ha! Nagtanong pa talaga siya. I smiled at him.

"Ako galit? Bakit naman?" sagot ko sa kanya.

"Tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Alam kong galit ka and I'm sorry." Tumingin sa baba si Enrique then he looked at me searching for a response.

"Alam mo naman pala eh, bakit ka pa nagtatanong!" sigaw ko sa kanya.

"When you left us, naintindihan namin, pero ang hindi namin maintindihan kung bakit hindi mo na kami nilingon. You forgot us. You forgot me." sabi ko sa kanya. Naiiyak na ako. Galit na galit ako kay Enrique. I waited for this day. Ang isumbat sa kanya ang lahat ng bitterness na naramdaman ko when he was gone.

Hindi siya agad nakasagot. Lalakad na sana ako, but he grabbed my arm.

"Janine, hindi kita kinalimutan. You're always a part of me." sabi niya sa akin. Gusto kong maniwala, pero there's a part of me na nagsasabing hindi ko kayang patawarin si Enrique ngayon, not now. Not ever.

"Oh puh-lease quen!" pilit kong inalis ang braso ko sa pagkakahawak niya. Napanganga siya sa reaction ko.

"3 years ago. Kikiligin ako sa sinabi mong yan, but now. Sheesh! I'm just wasting my time. Save that for Kath." sabi ko sa kanya.

"Janine… You don't understand." pigil niya sa akin.

"Enrique, you have Kath now, useless na sa akin ang explanation mo. Kung ako sa yo concentrate on her. If you really like her, do everything to keep her. Hindi gaya ng ginawa mo sa akin." sumbat ko sa kanya.

Tiningnan ako ni Enrique then sa watch na nakasuot sa kamay ko. Hinaplos ko naman ang watch na binigay sa akin ni Daniel, then looked away.

"I see. Si Daniel. Hindi kayo bagay Janine. Wake up." OUCH! Habit niya ba ang saktan ako? Hindi ako nakasagot.

"May pabigay-bigay pa siya ng watch with his initials. A his and hers watch. How romantic." sarcastic ang pagkakasabi ni Enrique. Nakakasakit ng damdamin.

OO nga kanina ko lang napansin na naka-engrave pala ang initials ni Daniel sa gilid ng watch na bigay niya sa akin.

"He's for Kath. They like each other. Ikaw? You're just the girl who came along." sabi ni Enrique sa akin.  A punch in my gut. Ang sakit ng reality.

"Ikaw? Ano ka? Why are you after Kath? Naiinis ka lang kasi I moved on. And wag mong idamay si Daniel dito." sabi ko sa kanya. Tumawa siya sa sinabi ko. Lumapit ako sa kanya at tinuhod ang tiyan niya.

"OUUUUUUCHHHHHH! F*CK!" sigaw ni Enrique.

"I'm glad I moved on. You're not worth my love Enrique! Salamat at umalis ka sa buhay ko 3 years ago. And I know hindi kami bagay ni Daniel. Hindi mo na kailangang ipamukha pa sa akin yun." sabi ko kay Enrique at pumasok na ako sa resort.

A Summer to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon