Chapter 49

70K 1K 93
                                    


(Edited)

Julia's POV

"Eomma?! Aboji?! What are you all doing here?!"

(Eomma – Mom, Aboji- Dad)

Nagulantang naman ako sa narinig ko. Napaupo ako ng tuwid sabay napanganga. Yung mommy at daddy niya nandito! Pati ang mga kaibigan niya at sina Minmin, Frisa at Yoona!

Teka... nasan nga ba silang lahat kagabi? Ang alam ko dito dapat sila matutulog diba? Bakit nga ba wala na ang gamit nila dito?

Nakakapagtaka din na nagkasya kaming lahat dito sa kwarto ko. Napatingin ako sa suot at at tinakip ko muna yung pinakamalapit na bagay sa akin. Naka sando lang ako, ugh.

"Son... let's talk... privately." Sabi nang papa niya. Ngayon ko lang iyon nakita pero sure ako na siya yun. Medyo kahawig niya ang mata at bibig eh.

Ang pogi nang tatay niya. Pero syet ka Julia, ang seryoso nang titig!

Imagination 1:

"Heto ang pera, magkano ba ang kailangan mo?" Tanong sa akin nang papa niya.

"Hindi ko po kailangan ng pera. Mahal ko po ang anak niyo." Matapang na sabi ko at tumaas naman ang kilay nito.

"Hindi pa ba sapat to? Magkano ba? Name your price. Thirty million pesos. Deal or no deal?" Sabi niya habang may hawak na attaché case at kumekembot kembot pa. Ay shet!

Biglang lumabas ang buong EXO na naka dress at kumekembot kembot pa. Syet lang, mas maganda pa ata sila sa akin.

"Deal or no deal?!" Sigaw nila at nanlaki naman ang mata ko.

"Sabi ko po hindi niyo po ako madadala sa pera! Mahal ko po ang anak niyo!" Sigaw ko at napahinto naman siya kaka kembot.

"Edi mahal mo! Eh bakit ka sumisigaw?! Kaloka! Che!" Huling sabi nito at nag-walk out kasama nito ang back up dancers na kaibigan ni master

Imagination 2:

Nandito kami ngayon sa isang abandonadong building at nakatali ako nang patiwarik. Kasama nang papa niya sina Minmin at Yoona na may hawak na bakal.

"Hihiwalayan mo ba ang anak ko o gagawin kong miserable ang buhay mo?"

"Parang awa niyo na po... mahal na mahal ko po ang anak niyo. Wag niyo po sana kaming paghiwalayin."

"Hindi kayo bagay ng anak ko! Kaya hiwalayan mo na siya!"

"Pero mahal na mahal na mahal na mahal ko po ang anak niyo! Ikamamatay ko po pag nawala siya sa buhay ko." Umiiyak na sabi ko.

"Bakit? Oxygen mo ba siya? Wag kang OA ah! Tsaka sabi nang wag mo kong sigawan eh! Hindi mo ba nabasa yung nasa Imagination 1? Leshe!" Sabi niya at tuluyang nawala,nag belat pa nga sa akin sina Minmin.

*Back to Reality*

Napailing naman ako sa mga nai-imagine ko. Overacting ka na Julia! Ang corny mo na. Wag kang mag isip ng negative! Dapat positive thinker ka!

Lumabas na silang lahat. Tinignan ako ni master sa mata at hinalikan sa noo.

"Just... stay here okay? Wag ka munang lalabas. Ako nang bahala kay dad." Sabi niya at for the 900th time, napatunganga nanaman ako sakaniya.

Mukhang seryoso siya.

"Ang cute ng tagalog mo." Pagpapagaan ko sa atmosphere.

"I'll speak tagalog then. Stay here okay?" Malambing na sabi niya at tumango nalang ako.

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon