TAKE EIGHTEEN (18)

4.4K 76 8
                                    

PROMOTING MY NEWEST STORY: http://www.wattpad.com/43512169-tres-miserables

pwede ring i-click na lang ang external link to read it. :

***

TAKE EIGHTEEN (18)

MARCO's POV

Paglapat ng mga labi ko sa labi ni Wendy—sorry, bigla na lang kasing pumasok sa utak ko—naramdaman kong bigla niya akong tinulak sa dibdib saka sinampal.

Her slap was a bit stingy. Pakiramdam ko nga namula yung pisnge ko pero alam ko naman ang dahilan kung bakit ganun na lang ang nireact niya. Nung time na yon, nag-stay lang ang mukha ko sa way ng table at nakatitig lang don.

“Ba’t mo ginawa yon?” she asked, and I can feel her jaw clenching, “Marco, hindi na tayo gaya ng dati. We have limits at alam kong hindi ka bobo ka para hindi maintindihan yon.”

I shook my head reflexively, “I-I’m sorry, hindi ko sinasadya.”

Tumayo siya tapos tinignan ko lang siya na parang ayoko siyang paalisin, “Saan ka pupunta?”

“Uuwi na ko,” sa di malamang dahilan, hinawakan ko ang kamay niya tapos tinignan niya lang ako nang diretso. Isang malamig na titig, “Sabi mo kanina, act like friends. Sinusubukan ko, Marco. Pero hindi ako gaya mo na parang wala lang lahat.” Inalis niya yung kamay niya tapos tumayo na rin ako.

“Do you really hate me that much?!” sabi ko dahil parang nasasaktan ako masyado sa mga ginagawa niya.

Humarap siya, “Oo. Sobra.” Iniwas niya yung tingin niya saken, “Dapat kasi hindi ka na lang nagpakita. Dapat kasi… hindi mo na lang ako pinuntahan. Dapat hindi na lang kita nakilala.”

“You’re too much,” I was trying to control my voice. Masyado ng harsh ang mga sinasabi niya at di ko alam kung deserve ko lahat ng yon. Masyadong masakit sa ego ko. I’m struggling to win her back, yet, it doesn’t seem good.

“Kung di kasi kita nakilala, sana masaya ako.” She sadly smirked, “Baka nga may pamilya na ko ngayon eh.” Saka ko lang napansin na nangingilid na naman ang luha sa mga mata niya.

I had a sudden urge to wipe it pero sa tingin niya pa lang, halatang ayaw niyang lumapit sakin kaya pinigilan ko na lang.

“Tell me you don’t love me, and I will leave you alone.” Sabi ko sa kanya pero ilang segundo na ang lumipas pero tahimik pa rin siya.

Honestly, natatakot din ako nab aka sabihin niya nga yung mga salitang yun. Malay ko, bigla na lang kasing lumabas sa bibig ko at wala ng bawian. I have to do it, if she says so. Pero, sa kahihintay ko kung sasagot ba siya, ako na ang nagsalita.

“You love me, don’t you?” I asked, “Kung hinde, bakit nandito ka? Bakit sumama ka sakin?”

“Dahil inutusan ako!”

“It’s not what matters, Wendy!” I retorted, “Pwede ka namang tumanggi, diba? Maraming alibi ang pwede mong sabihin! Pero, hinayaan mo ang sarili mo na dalhin ka dito. C’mon Wendy. Don’t fool yourself!”

“I need space.”

Umalis na siya sa harap ko pagkatapos niyang sabihin ang three words na yon.

***

5 pm nang umalis ako sa bahay at nagdrive papuntang Manila. Nasa passenger’s seat yung boxes ng pie at yung mga bags eh nasa trunk at sa back seat. Yung sa pie na yun, actually hindi ko naman talaga siya kailangan sa pagdonate dahil marami ng food. You know, dahil sa kagustuhan kong makita siya, nakaisip ako ng isang nakakalokong idea.

Whatever It TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon