TAKE TWENTY FIVE (25)

2.7K 77 19
                                    

TAKE TWENTY FIVE (25)
© Shupershimmer

Seven o’clock kami umalis ni Jennifer sa bahay para ihatid ko siya sa terminal dahil wala naman siyang dalang sasakyan. Sinama lang kasi siya ni Marco kaya nasa Manila ang auto ni Jen.

Pinahiram ko pa nga siya ng damit at jeans ko dahil naligo siya kanina. Buti na lang at nagkasya talaga ‘yung damit niya sa bag niya. Ewan ko ba kay Jen kung bakit tinanggihan pa ‘yung inoffer ng asawa niya na sunduin siya. Napakaarteng bakla.

“Di ba tayo papasama kay Marco? Baka akala niya siya maghahatid sakin?”

Tinalikuran ko na agad si Jen sa tanong niya paglabas ng bahay, “Wag na, ako na lang ang magsasabi sa kanya, o kaya itext mo.”

“Galit ka pa rin ba sa sinabi ko?” sumabay si Jen sa paglalakad namin palabas ng highway.

Syempre, hindi ako nakasagot agad dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ko alam kung nagagalit ako matapos ‘yung pag-uusap namin ni Jennifer. Hindi ko rin alam kung dapat ko bang intindihin, e, sobrang gulo naman.

“Di ko alam, kakausapin ko siya mamaya.”

“Mamaya talaga?!” pagulat na tanong ni Jen. “Wawarlahin mo ba si fafa Marco? Diba sabi ko sayo, wag kang magagalit sa kanya? Sure naman akong para sayo yun!”

I rolled my eyes, “Ika-clarify ko lang, di ko wawarlahin.”

“Baka mamaya, malalaman ko na naman na nagtalo na naman kayo!”

Di na ako sumagot dahil natigilan ako sa nakasalubong namin. Napahinto rin pati si Marvin, mga ilang metro ang layo sakin. Naalala ko tuloy ang nangyari kagabi, sobrang nakonsensya ako pero wala akong magagawa.

Nag-offer naman siyang ihatid ako pauwi, kaya lang, hanggang sa bungad lang ng lugar namin. Pagkalabas ko ng owner kagabi, pinaandar niya agad ang sasakyan.

Umiwas agad ako dahil sa di malamang dahilan, “Tara na, baka maubusan ako ng bus!”

Whatever It TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon