TAKE TWENTY TWO (22)

3.3K 57 11
                                    

TAKE TWENTY TWO (22)

© Shupershimmer

“Saan mo ba ‘ko dadalhin?”

“Secret.”

“Tae ka, ah. May pa-blindfold-blindfold ka pa. Ang tagal naman!” Pagmamaktol ko, “Baka mamaya, ihulog mo ‘ko sa ilog, o di kaya isubsob sa tae ng kalabaw. Pag ikaw, may ginawang masama sakin, mayayari ka talaga!”

“Wag ka na ngang maingay!” Narinig kong sigaw niya habang hawak ang kamay ko at ginagabayan sa paglalakad, “Sinisira mo ‘yung moment!”

“Sorry naman, diba,” I sneered, “Na-trauma lang ako sa ginawa mo dati, magbigay daw ba ng bulaklak na pumuputok? Tch.”

Hindi na sumagot si Marvin at naramdaman ko na lang na nasa uluhan ko ang kamay niya, unti-unting inalis ang pagkakabuhol ng panyong nakatakip sa mga mata ko. Pagkatanggal nun, kumurap pa ako nang dalawang beses dahil nandilim ang paningin ko.

Pagkalinaw ng mga mata ko, bumagsak bigla ‘yung dalawang balikat ko. Na-overwhelmed pati ang panga ko.

“Happy Birthday,” narinig kong bulong ni Marvin mula sa likuran ko habang nakahawak siya sa dalawang balikat ko.

“Gosh, Marvin, ano ‘to?”

Yun ang initial na reaksyon ko dahil sa pagkabigla. Hindi ganito ang ineexpect kong dinner na gift niya sa regalo ko. Hindi ganito ka-romantic ang nasa imagination ko. Masyadong kulang ang salita kung i-dedescribe pero ang nagustuhan ko, e, yung nakalutang sa ibabaw ng pond ang lugar kung saan naka-set ang bilog na table namin.

I heard him chuckle, “Ha, ‘di ka makapaniwala, no?” Umikot ako at pinagmasdan ang buong area, “Akala mo siguro, sa Jollibee lang kita dadalhin sa birthday. Haha!”

Na-amaze naman ako nang makita ko sa likuran namin ang wooden bridge, mga 1 meter ang lapad, mula sa main hall ng restaurant. Dito siguro niya ako pinalakad kanina? Shit! Nakalutang ang cottage namin sa tubig!

“Wow! Ang ganda Marvs!” sabi ko nang may malapad na ngiti, “Grabe, ang lupit!”

“Malupit talaga.”

“Ba’t di ko ‘to alam?” I pouted, “Shocks, kung alam ko lang, sana napapadalas ako rito! Ang relaxing.”

Tinignan niya lang ako, “Paano mo malalaman ‘to kung di ka naman nalabas ng bahay, ha?” he tsk-ed, “Saka Laguna at Manila lang naman yata ang alam mo.”

Napangiwi ako pero binawi niya naman nang ngumiti siya. Tinulungan niya akong hakbangin yung isang baiting papunta mismo sa table namin. Parang kinakabahan pa ako nang ma-realize kong lumulutang kami.

Nasa Cavite kami at talagang umarkila siya ng owner para makarating kami rito. Birthday gift niya raw, e. Himala ito. First time niyang pinag-effort-an ang kaarawan ko. Dati kasi hanggang bati lang ‘yan.

Nakakapanibago.

Nakakagulat din ang biglaang transformation ng pagsuot niya ng damit. Naka-long sleeves polo siya, na nakatupi sa bandang kamay at nakabukas ang butones sa leegan. Mukha tuloy siya ang celebrant.

“Hoy, Marvin,” sabi ko habang naghihiwa ng steak, “Saan ka nakakuha ng pang-reserve dito?”

Natawa naman siya, “Kung makapagsalita ka naman parang sinasabi mong pulubi ako at walang pera. Baka nakakalimutan mong nagtratrabaho ako sa isang Call Center? At sumisweldo ng libo-libo kada kinsenas.”

Paliwanag niya kaya tumango-tango na lang ako.

“Di biro ‘to, ha. Magkano ang binayad mo?”

Whatever It TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon