TAKE FIFTEEN (15)

5.2K 91 25
                                    

TAKE FIFTEEN

Lumipas ang anniversary date namin nang parang wala lang. Tipong parang hangin lang na hindi ramdam. Ni hindi nga pinaalala sakin ni Marvin eh. Ewan ko lang kung nagkukunwari siyang di niya alam para di ma-open ulit.

Anyhow, maganda na rin yung walang nagpapaalala, diba. Atleast, kahit konti nakakalimutan ko na. Tsaka, para san pa?

"Wendy!" narinig kong tawag sakin ng papa ko.

"Oh?" sagot ko habang yakap ang unan sa sofa at nagmumuni-muni dahil sa chat message ni Marco. Shet! Hanggang ngayon di ako maka-get over!

Lumabas siya ng kusina at may dalang dalawang box ng buko pie na nakatali. "Paki-deliver to sa kabilang kalye. Alam mo naman na siguro ying bahay ng ninang mo?"

I nodded reluctantly. Psh! Nautusan pa. Nakakatamad pa naman dahil pa-seista time na. Usually, si Kuya ang naghahatid ng deliver kung malapit lang, eh kaso wala siya kaya ako ang chimay sa bahay.

"Kunin mo yung bayad tapos bumalik ka na agad dito."

Kinuha ko yung boxes, lumabas ng pinto at nagsuot ng tsinelas ko na may bulaklak sa strap-- kulay pink. Paker, babaeng babae.

Nilakad ko naman yung street nang mapayapa. Medyo malayo nga lang yung bahay ng ninang ko dahil dulo siya nakatayo. Grr. Tanghaling tapat, naglalakad ang isang tulad ko sa arawan!

Bago ako makarating sa mismong bahay na pakay ko, napatingin uli ako sa magandang bahay na for sale dati pero ngayon may may-ari na. Five houses away ito sa ninang ko kaya madadaanan ko talaga sya. Kung nagtataka kayo kung bakit ko to gusto, ako rin, di ko alam. 

Well, the house is not like a mansion na kasya ang buong baranggay. Simple lang siya--mere black and white combinations at two-storey lang. What I adore the most eh yung floor to ceiling na salamin sa may sala kaya kung nasa loob ka nun, kita yung view sa labas.

Dumaan lang yung mata ko sa gate tapos naglakad na ulit ako papunta sa pupuntahan ko. Baka maimbyerna ninang ko kapag natagalan ako!

Pagdating ko, inabot ko yung boxes tapos binayaran naman ako. Syempre, hindi mawawala ang kamustahan namin ni ninang na parang dekada na kaming di nagkikita.

"Ba, wala ka na bang balak bumalik ng Manila?" tanong niya, "Mukhang nasarapan ka sa Laguna, e?"

I smiled, "Ah, di ko pa po alam. Depende siguro."

In-end ko na agad yung conversation at umalis dun. Syempre, gaya ng ginawa ko kanina, tumingala ako sa bahay na binanggit ko.

Iaalis ko na sana yung tingin ko nang may lalakeng naglakad sa sala--nakita ko dahil sa salamin--tapos naka-Tshirt lang sya at shorts. Medyo nagtaka lang ako kase nakasuot sya ng beanie. Hello!? Nasa loob lang sya ng bahay!

Hindi ko kita ang mukha nya dahil masyadong malayo sa gate pero kung biniyayaan ako ng zoomable na mata, baka pwede pa!

Actually nakaharap yung inuupuan nya saken, ewan ko lang kung nakikita ako dahil may binabasa syang magazine. Baka FHM?!

Napaurong talaga ako nung inangat nya yung mukha nya. Shit. Nakita ako! Para akong tanga kasi hindi ako makagalaw nun sa pwesto ko. Pucha! Nanigas na ako. 

Narealize ko na lang na tumayo yung lalake at nagmadaling lumabas. Hala! Baka akala nya magnanakaw ako?! Baka isipin nya na member ako ng akyat bahay gang!

"Hoy!"

"Ay pusanggala!" Nagulat ako sa humampas sa braso ko. Paglingon ko, si Marvin na nakabisikleta.

Tumingin uli ako sa loob ng bahay. Wala nang tao sa loob, kase papalapit na sya.

"Marvin, tara bilis!!!" 

Tinulak-tulak ko sya tapos umangkas ako sa likod ng bike nya. Buti nalang at pinadyak nya yung pedal nang walang tanong-tanong!

Habang papalayo na kami--mga six houses mula sa bahay na yun--saka lang lumabas yung lalake sa gate at tumingin sya saken.

Mata sa mata. 

At doon lang ulit ako nakaramdam ng kakaibang klase ng heartbeat. Parang nakita ko ulit si Marco.

Iniling ko yung ulo ko tapos lumiko na si Marvin papunta sa street namin. 

"Bakit putlang-putla ka kanina?" dinig kong tanung ni Marvin, "Anong meron?"

"Lumabas yung may-ari ng bahay," sagot ko, "tinignan ko lang naman yung bahay!"

I heard him giggled. Oo na, ako na ang katawa-tawa. Che.

Pagkahatid sakin ni Marvin, dumiretso narin sya sa bahay nila dahil isang oras lang ang lunchbreak nya at may kukunin lang sya.

Ako naman, nahiga agad sa sofa pagkabigay ng pera. Gusto ko nga sanang matulog pero hanggang ngayon, malakas parin yung kalabog ng walanjong puso. Imposible talaga.

Imposibleng siya yun. Malabo.

Pero honestly, may part sa loob ko na nagsasabing "sana sya yun", "sana ako ang dahilan kung bakit sya nandito".

Yung feeling na nag-eemote ako, biglang may nagring na telepono! Umupo ako para abutin yung telephone.

Kakilala ni mama yung nasa other line kaya sinabi kong saglit dahil tatawagin ko sya.

Dumiretso ako sa tindahan namin. Hindi sya tindahan actually kase mukha syang bakery pero buko pie lang talaga ang tinda ng mudra ko dun. Siya kase ang madalas na nagmamanage.

"Ma, may tumawag, hinahanap ka." sabi ko habang kumukuha sya ng box. 

"Sino?"

"Malay."

Hindi na sya sumagot dahil inabot nya yung box sa costumer. Dun na talaga ako nanlamig ng sobra.

Bakit nasa harap ko siya? Bakit si Marco to?

Naramdaman ko na lang na may binigay na pera sakin si mama, "Pakisuklian sya, Wendy."

Tatanggi pa sana ako kaso iniwan nya ako dun na natameme na. Tangina, ano gagawin ko sa 500?! Sukli?! 

"M-mag..." umiwas ako ng tingin at pumunta sa cashier area, "Ilan ang binili mo?" 

Inangat nya yung kaisa-isang box. Teka, magkano ba yun!? Tumingin pa ako sa listahan para lang makita yung price. Kaya lang, natataranta talaga ako dahil ramdam ko yung titig nya. Parang ice cream ako na nasa tapat ng araw!

Nung makita ko yung price, naghanap agad ako ng calculator sa mga drawers. Shit, nasan kayo pag kailangan ko!?

"Miss, pakibilisan!" sabi nung isang babaeng costumer.

Sa taranta ko, nasagot ko sya, "Teka lang! Di ka mauubusan ng pie!"

Nung mahanap ko yung calculator, kulang na lang magpasalamat ako sa lahat ng santo. Nahulog ko pa nga yun e, pero napulot ko naman agad. Ilang beses din akong umulit sa compute dahil mali yung number na napipindot ko.

Lalo akong ninerbyos nung nagsalita si Marco.

"Why dont you use the cash register, instead?"

I gulped, "Di ako marunong."

Kumuha ako ng sukli tapos inabot ko. As in abot talaga na halos makuryente ako nung naramdaman ko yung mga daliri nya. Shemay, nervous breakdown to!

Hindi ko alam kung nag-smile ba sya, o tumitig lang. Pagkatapos nun, lumipat ako sa isa pang costumer na kanina pa naiinip!

Umalis si Marco at nung nakatalikod sya, reflex na yung pagtingin ko habang naglalakad sya. Dun ko lang naisip na parehong-pareho yung damit nya sa lalake kanina...  

Whatever It TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon