TAKE SEVEN (7)

8.1K 121 31
                                    

TAKE SEVEN (7)

(c) Shupershimmer 

MARCO’s POV

After mag-sink-in sa isip kong mali na yung nangyari at umalis si Wendy, dali-dali naman akong humakbang palabas.

Pinigilan ako ni Sam, “Para saan pa kung hahabulin mo siya? Nakita niya ang dapat makita.”

Pumiglas ako at sinamaan ko siya ng tingin, “Kasalanan mo ‘to eh.” Pinagdiinan ko.

She folded her arms while speaking, “Talaga? Kung ganun, bakit hinayaan mo akong halikan ka? Kung hindi ba dumating si Wendy, hahayaan mong magpadala?” I was dumbfounded when she said that.

I held her wrist at hinigpitan ko iyon, kitang kita ko na nasasaktan siya, “I’m telling you, don’t ruin US.”

Tinulak ko siya nang pagkalakas. Bahala na kung babae siya. Kung hindi niya ginawa yon, di sana mangyayari to. She’s effin’ desperate!

Lumabas ako at tumakbo sa hallway. Saktong sakto, nakita kong pasakay na siya ng elevator, kita ko na nakayuko siya habang nakatakip ng bibig. Pumasok na siya kaya humabol ako. Pasara na nga yung elevator eh, luckily, napigilan ko siya. Ang awkward kasi kaming dalawa lang yung tao.

I sighed as I entered.

Pataas yung elevator, 5th floor na kami pero walang nagsasalita.

“Uhm… yung kanina…” I broke the ice.

She smiled faintly, “Wag kang mag-alala… di ko naman… sineryoso yung nakita ko.” Yumuko siya. Deep inside me, nakadama ako ng guilt. Bakit ko hinayaan? Sana di nalang ako nagpunta dun kung ganun din ang mangyayari. Kakaayos lang namin, nalintikan na naman.

Tumingala siya, ewan ko kung nasa isip ko lang pero kita ko na nangingilid ang luha niya, siguro inangat niya para di tumulo.

“Hindi naman talaga yun ang nakita ko ‘diba?” She chuckled, “I need to be your understanding… girlfriend, Marco. Wag kang mag-alala…” Tumingin siya sakin. Tama nga ako, naiiyak siya.

“Wendy—“

She looked away, “Konting selos lang naman ‘to, mawawala rin ‘to mamaya.” Hinampas-hampas niya yung dibdib niya at huminga siya nang malalim.

Nagbukas yung elevator, walang tao sa labas pero hindi ko alam kung lalabas na ba siya. Wala kasing kumikilos sa amin eh. Hanggang sa nagsalita siya.

“Una na ko.”

Naglakad siya pero pinigilan ko. I pulled her for a hug. Niyakap ko siya nang sobrang higpit, para isipin niyang siya pa rin yung mahal ko. Na kahit ganon ang nakita niya kanina, di siya mapapalitan sa puso ko. Ewan, nakakabading pero ganito talaga ako pagdating sa kanya. Expressive.

Nagsara yung elevator at kami parin ang tao sa loob.

“I’m really sorry… I’m always hurting you… I’m such careless.” Naramdaman ko ang dahang-dahang paghawak niya sa balikat ko.

Umiyak siya.

“I thought magagalit ka sakin, kala ko sasampalin mo ko… Mahal mo talaga ako ‘noh?” Pabirong sabi ko to change the atmosphere here. Sana wala munang papasok ng elevator. Gusto ko siyang solohin, kahit saglit.

He pushed me at tumama ako sa dingding ng elevator, “How dare you!” Pinahid niya yung luha niya. Tapos napatakip ng mata using her arms.

“Sorry na, di ko naman alam na gagawin niya yun eh… Nabigla rin ako. Dapat kakausapin ko lang siya na itigil yung kontrata eh… tapos… ayun…” Pahina nang pahina kong sinabe.

Whatever It TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon