TAKE TWENTY SIX (26)

2.4K 75 10
                                    

TAKE TWENTY SIX (26)

(c) Shupershimmer

One week na ang nakalipas mula nung naipaalam ni Marco ang engagement namin sa mga magulang niya. Wala naman kaming naging problema sa Daddy niya, dahil natuwa rin siyang nagbalik yung anak niya.

Sa parents ko, ewan, si Marco na raw bahala at wag daw akong mamroblema. Obvious namang suportado siya ng Kuya at Mama ko. Siguro, si Papa nalang ang problema niya.

“Ma’am, dito po tayo.”

Ngumiti sakin ang isang bisexual na lalake, nakasuot ng grey na uniform, tapos dinala ako sa loob ng spa. Kasalukuyan akong nasa isang leisure park sa Batangas. Ginamit ko lang yung regalo ni Jennifer para naman makapag-relax ako.

“Ba’t mo pinapahubad sakin?” tanong ko kay Marco, “Don’t tell me umuurong ka sa kasal?”

 

Natawa lang siya sa sinabi ko at umiling, “Syempre hinde, pero mas okay siguro kung bibilhan kita ng bago. What do you think?”

 

“Wag na,” tinago ko ang kamay ko sa likod, “Gagastos ka na naman. Okay na ‘to.”

 

“Sige na, gusto kong magpropose ulit. Tanggalin mo na, masyadong maraming napagdaanan ‘yan.”

 

Umiling parin ako.

 

“Sige, ako ang hihila niyan.”

 

Inalis ko na nang kusa tapos sinuksok sa bulsa ng pants ko. Masama raw kasi na ibang tao pa ang kumuha ng singsing mo dahil mag-aaway kayo, at ayoko namang mangyari ‘yon samin.

 

Pero na-e-excite ako nang marinig ko kagabi na mapopropose raw siya ulit. Ako lang yata ang babaeng dalawang beses na mag-yi-yes sa proposal ng iisang lalake! Nakakaloka.

Masyadong relaxing ang pag-massage ng babae sakin kaya di ko namalayang nakatulog ako. Nagbanlaw ako pagkagising ko, dumiretso sa fine dine restaurant at lumapang ng crabs at bangus.

Habang naglalakad ako pabalik sa kwarto ko, naisipan kong tawagan si Marco.

Yes, may cellphone na ako. Marco insisted that I need to have a phone for communication, saka nilibre niya ‘to. Mapilit, e! Sabing ako na ang bibili, tapos siya na ang nag-abot ng credit card. Kaloka.

“Kumusta?” narinig ko pang ngumiti siya.

“Buti naman hindi ka busy ngayon at nasagot mo tawag ko,” sabi ko nang naka-smile, “Okay naman, nakakarelax dito tsaka peaceful. Mas maganda siguro kung kasama kita rito.”

Okay, nag-iinarte lang talaga ako.

“Pwede naman nating balikan ‘yan anytime you want.” Sagot niya at tumango lang ako, “Have you eaten your dinner?”

Whatever It TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon