TAKE ELEVEN (11)

6.7K 88 26
                                    

TAKE ELEVEN (11)

(c) Shupershimmer 

WENDY’s POV

Three days after our talk.

Halos hindi ako mapakali sa paggalaw ko sa mga daliri ko. SInasabayan pa ng mabilis na heartbeat at nerbyos. Hindi ko alam kung bakit ganito samantalang magkakatotoo na ‘yung napag-usapan namin.

Oo, ikakasal kame—hindi nga lang sa simbahan dahil napaka-biglaan lang. Di ko rin alam kung bakit napapayag niya ako samantalang nag-promise ako na ipapaalam ko muna ‘to sa parents ko. Kaya nga, nung kausap ko si Papa sa phone kagabi, wala rin, di ko rin masabi-sabi. Ewan, kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya. Actually, sina Jennifer lang ang nakakaalam nito at tanging sila lang ang guests ko.

“Nasaan na si Marco? Nauna pa yung bride!” naiinis na sabi ni Jen tapos si James naman, tahimik lang habang buhat si Kleinder sa braso na natutulog.

Sa pagkatuliro ko, di ako sumagot—umiling lang ako.

“Hay,” umikot ang mga mata niya, “Nasaan na ba ‘yang pare mo?” tanong niya kay James.

“Di ko alam, diba kakatawag lang niya kanina? What did he tell you?” Ako naman ang tinanong ni James tapos yumuko lang ako.

“Sabi niya hahabol siya.”

“HAHABOL?” nailagay ni Jen yung kamay niya sa noo, “What did he mean? May pinuntahan ba siyang mas importante? Yun lang ang sinabe niya?”

“Hun, mag-relax ka naman,” Singit ni James, “Mas kinakabahan ka pa sa bride!”

“Wala naman siyang sinabe na may pupuntahan siya, nagpromise naman sya eh.”

And that is the end of our conversation. While we’re waiting for almost 20 minutes, naisip ko kung ano na kayang nangyare sa kanya. Baka may di magandang nangyare habang papunta siya? I shook my head quickly. Tapos, nagflashback yung usapan kahapon. Actually, yung pag-oo ko, last na yun. I mean, inisip ko na yun na ang kahuli-huling chance na mabibigay ko.

Pag di nag-work, then, I’ll give up.

MARCO’s POV

“You know, iho, I really want your company, kaya nga iniinvite ka namin ng asawa ko to join us in our business… you know, partners.” Sabi ni Mrs. De Guzman.

I just gave her a slight nod and I can’t even smile. Kanina pa ako hindi mapalagay sa pinagkakaupuan ko dahil di ko alam kung mahihintay pa ba ako ni Wendy ngayon. Shit, almost 1 1/1 hour na akong late sa kasal. And, I don’t even know how to escape here!

Kasalukuyan kasi akong nasa isang appointment at di ko man lang ‘to nalaman kahapon, edi sana, nakatanggi ako. Di ko alam sa nanay ko kung bakit pinasama niya ako sa breakfast with De Guzmans. Ang sabi niya, gusto nila akong makasosyo and such. Ayoko na sanang pumunta dahil importante ‘tong araw na ‘to pero pumayag na ako dahil sinabi ni mom na mabilis lang ‘to.

Shit! Anong oras na. I don’t know how to explain my feelings right now. Pakiramdam ko nga namumutla na ako sa harap ng mag-asawang ‘to eh.

Nung busy sila sa pagkain, tinignan ako ni mama, which, I think, is not a good sign.

“You look unfocused.” Bulong niya, “Don’t you dare to spoil this appointment, Marco, do not disappoint me again.”

“Mom, I need to leave.”

“No way,” ngumiti siya kunyare, “Wag mong pakawalan ang opportunity! Saan ka ba pupunta? Kay Wendy? Uunahin mo yon kesa dito?”

“Hinde,” I lied, “May importante lang akong pupuntahan.” 

Whatever It TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon