TAKE TWELVE (12)

6.5K 98 22
                                    

TAKE TWELVE (12)

MARCO

 

Madiin kong inapakan yung preno tapos lumabas ng sasakyan. Ramdam na ramdam ko yung bilis ng tibok ng puso ko dahil sa magkahalong galit at sakit. Ewan ko ba, pero parang lumalabas lahat ng ugat sa kamay ko habang nakahawak ako sa steering wheel kanina.

Mag-isa akong sumakay ng elevator tapos halos di ko mapindot ang 5th floor dahil nanginginig ang mga kamay ko—nanghihina na talaga ako.

I used my backhand to cover my mouth while hardly breathing.

“Wendy…” I mumbled then, shut my eyes for awhile.

Paglabas ko ng elevator, ngumiti lahat ng nakaabang sa labas pero dinaanan ko lang sila dahil sa pagmamadali ko. Without asking my mom’s secretary, I entered her office at medyo gulat pa siya nun.

  

“Yes, I’ll talk to him,” nakangiti pa si mama nang maabutan kong may kausap siya sa telepono.

Nung nakita niya ang emotion ng mukha ko, napataas ang kilay niya tapos sinabihan niya ang kausap niya na mamaya na sila mag-usap. After nun, naglakad ako papunta sa kanya at napatayo naman siya lalo na nang hinampas ko yung isang kamay ko sa table niya.

“Ano’ng sinabe mo sa kanya?!” Halos hininga na lang ang lumabas sa bibig ko dahil sa galit. Hindi ko kasi matanggap yung nangyare sakin ngayon!

Nagpamewang siya, “What’s wrong with you!?”

“Everything is messed up, ma! Ano’ng sinabe mo sa kanya?! Plinano mo ba talaga ‘tong lahat?!”

She looks a bit puzzled at parang hindi niya alam kung sino ang tinutukoy ko kaya lalo akong nainis kaya nagpamewang ako at nasipa yung couch malapit sakin, “Tanginang buhay ‘to!”

  

“Ano bang nangyari!?” Pasigaw na tanong niya, “Sino bang tinutukoy mo?!” Hindi ko siya sinagot pero nung nakapag-isip siya, unti-unti siyang ngumiti. Yung ngiting mas nagpalala sa galit na nararamdaman ko ngayon.

“Good heavens,” she hissed, “Nakipaghiwalay na ba siya sayo? Then, it’s good. You can do better without that girl.”

  

Tinignan ko siya nang masama, “Ma! Do you even hear yourself?! Wala na si Wendy! Iniwan niya ako!” Huminto ako para ipatong yung isang kamay ko sa batok at habang hawak ko yun… naramdaman kong uminit ang mga mata ko, “Si… Wendy… naiintindihan mo ba ang nararamdaman ko ngayon?”

Umiwas si mama ng tingin sakin at umupo ulit siya. Mukhang wala siyang narinig sa mga nasabe ko at nagbukas lang siya ng isang folder habang sinasabing: “Makakaalis ka na, may gagawin pa ako.”

  

“MA! SOBRANG SAKIT NITO NGAYON!” I referred to my chest, though, it was my first time to say this kind of thing, “AT ISA KA SA DAHILAN KUNG BAKIT! ALAM MO BA YON?! LAHAT NA LANG NG GUSTO KO, TUTOL KA. BUHAY KO ‘TO, PERO ANONG GINAW A MO?!”

Whatever It TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon