Tres Miserables

6.5K 93 15
                                    

LIKE US ON FACEBOOK! www.facebook.com/Shupershimmer

Prologue

Noong unang-unang panahon—mga last year lang—may isang grupo ng tatlong magkakaibigan na pinag-uusapan na yata ng lahat.

Hindi dahil sa celebrity sila, o may kumalat na sex scandal, kundi sadyang may mga bagay sa buhay nila na interesting pag-usapan ng taumbayan.

Ang infamous group na ito ay kinabibilangan syempre  ng tatlong babae, o mas kilala bilang TVJ, sabi ng iba. Kung iniisip mong Tito, Vic, and Joey ang tinutukoy ko, pakamatay ka na.

Sila ay walang iba kundi sina Therese, Vannessa, at Julia. Mga parehong college student sa isang mamahalin pero di kilalang university sa Manila—dahil pera lang ang mahalaga dito para makatapos. Who needs brain when they got money?

Si Therese Carter, ang pinakaboring sa tropa. Kung gaano kaganda ang apelyido, ganun kasama ang mukha. Hindi maganda, for short! Hindi rin katangkaran. Medyo ka-height ni Kathryn Bernardo pero hawig ni Kiray. Di nga alam ng mga kaibigan niyang si Vannessa at Julia kung paanong naging friend nila ‘to.

Pero wag ka, kahit ganyan ang itsura niya, isa ang family niya sa pinakamayaman sa tribu nila at umaabot sa 3rd floor ang bahay nila, may pool pa.

Speaking of bahay, let’s talk about Vannessa Ching naman. Ito ang geek ng barkada pero maganda. Sa likod ng makakapal na lens ng eyeglass nya eh nagtatago ang mga magagandang mata. Mula gradeschool at highschool, top 1 siya.

Kaya nga siya grumaduate ng top 10 eh.

Pero, kahit geek siya, di naman siya tulad ni Therese na pangit na nga, wala pang sense of fashion. Marunong naman siyang pumorma—t-shirt stuff nga lang.

And, speaking of fashion! Palakpakan para sa up and down pink braces ni Julia—not Barretto, nor Montes—kundi Julia Dinaano. Bunga ng impluwensya ng social media, at fashion magazines, kahindik-hindik na style ang suot niya araw-araw pag pumapasok ng school.

Siya rin ang katangi-tanging bobo sa tropa. Maliit pa yata sa munggo ang utak, kaya laking pasasalamat niya at may school gaya ng university nila—basta mayaman, sagot namin ‘yan!

Kung interesado pa kayong malaman ang mga pagdadaanan ng tatlong babaeng ‘to, utang na loob, wag nang magpatumpik-tumpik pa at basahin ang nobelang ito!

Ipupush itey...

Tres MiserablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon