TAKE FIVE (5)

8.2K 107 3
                                    

 (c) Shupershimmer 

Pagkalabas na pagkalabas ko ng hotel na yon, hindi na ako sumabay kay Mama. Muntik-muntikan na nga kaming mag-away nun eh, buti na lang nakontrol ko talaga, dahil naiinis ako sa nangyari kanina. Siguro, tsaka ko na lang itatanong yung about sa fiance thing na yon. 

Wendy? 

Kaasar, hindi niya sinasagot yung mga tawag ko habang dina-dial ko sa phone ko. Ring lang ng ring tapos after ng ilang minuto, papatayin niya. Sinabi ko na nga ba, not a good idea yung pagpunta ko. 

I'll try to call her friend, Jennifer. Baka may alam siya kung nasaan si Wendy.

"Hello, Marco?" Sagot niya.

"Jen... si Wendy, nagpunta ba dyan?" 

"Hindi eh, bakit?"

"She's not answering my call."

"Nag-away na naman ba kayo?" 

"No, hindi naman sa ganoon, sort of misunderstanding. Bigla kasi siyang nawala sa party." Narinig kong napabuntung-hininga si Jennifer.

"Sorry, pero wala siya eh, dont worry, tatawagan ko."

"Salamat."

Binaba ko na yung cellphone tapos nagdrive papuntang bar. Im desperately hoping na sana nandun siya or maybe nagpapahinga at baka nag-iisip lang. Kaso, pagpunta ko dun, wala talaga siya. Tumawag ulit ako pero unattended na siya eh, then Jennifer texted me that she cant contact her either. 

Last option, her house. Medyo lumuwag yung hininga ko nang nakita kong bukas na yung ilaw niya. Siguro nandito na sya. Siya lang naman tao rito e, but when I hit the doorbell, walang lumalabas. At dahil, desperado na ko, umakyat na ako sa pader malapit sa gate. 

"Shit!" Sambit ko nung nagkamali ako ng bagsak. Madilim na kasi at midnight na. Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa may pintuan.

Bakit ganun? Hindi naka-lock yung pinto? She left it like this? Pumasok ako tapos ang tahimik lang ng bahay niya. I looked for her sa kitchen, sa sala, kahit sa banyo. Pero wala siya. 

I opened her room. Hindi ko alam pero parang may kung ano na nagpagaan sa kaba ko. Dahan-dahan akong napangiti nung nakita ko siyang mahimbing na natutulog at nakadapa pa. She wasn't able to change her clothes. Yung bang basta na lang siya nahiga. 

Umupo ako sa bedside, bandang uluhan. Pinagmasdan ko lang siya dun nang nakapikit at napansin kong namumugto ang mga mata niya. Obviously, she cried. 

Hinawi ko lang yung buhok niya at nilagay sa likod ng tenga to see her face clearly. Ayoko kasi siyang gisingin, dahil malamang, mag-aaway lang kami. Ayoko rin namang nangyayari yun.

I dont know but something urged me to kiss her forehead. I just found out na nag-lean ako sa mukha niya at ginawa yun. Should I call that as my sorry gift? 

WENDY's POV

"Walanghya ka! Ang kapal ng mukha mo!!! Sino ka para mang-agaw ah?!" Sinampal ko nang malakas yung Samantha, kaliwa't kanan! 

Umiiyak pa nga siya nun eh. Sa sobrang galit ko, pati ako naiyak tapos sumigaw ako... Pero bakit di ako makasigaw?!

Napahinga ako nang malakas after kong maidilat yung mga mata ko. Shocks! Nightmare! Nightmareeee!!! >.< Sinampal-sampal ko pa ang pisngi ko dahil ang bilis nung kabog ng dibdib ko. 

Nung medyo ok na, napatingin ako sa relos, 10:00 am na pala. Late na naman ako nagising! Bumangon ako tapos napansin kong di pala ako nakapagpalit ng damit dahil sa sobrang inis. Paglapit ko sa pinto, nakita kong bahagya siyang nakabukas. 

Whatever It TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon