TAKE SEVENTEEN (17)

4.6K 81 13
                                    

 Brace yourselves. Joke.

***

TAKE SEVENTEEN (17)

WENDY’S POV

Halos one week na ang lumipas mula nung nagkita kami ni Marco, in person, in flesh, at face to face. Hanggang ngayon nga, memorized ko pa yung features ng mukha nya nung araw na yun at walang gabi na hindi siya sasagi sa isip ko bago matulog.

Paanong di ko makaaklimutan? Wala akong mapaglabasan ng hinaing! Wala si Jennifer, tapos si Marvin, hindi niya alam na nung araw na yun, nagkita kami. Feeling ko kasi aawayin ako nun pag nalaman niyang nakipag-usap ako.

“Wendehhhh!” nagsalubong agad yung kilay ko nung narining ko na tinawag ako ng nanay ko. Ganyan ang biigkas niya pag sinisigaw ang pangalan ko. Kaasar lang.

Kasalukuyan kasi akong nasa kwarto, nagsusuklay ng buhok dahil katatapos ko lang maligo. Wrong timing din ‘tong nanay ko magtawag eh.

“Baket!?” sigaw ko rin habang nakatapat ako sa salamin ko.

“Halika ka nga dito sa baba!”

“Baket!?”

“Basta!!!” napasagutsot na lang ako tapos tinabi yung suklay habang halos humaba na yung nguso ko sa sobrang simangot. Di pa kasi ako nakakabihis at nakatapis lang ako. Pero, lumabas ako ng kwarto dahil mukhang papatay ang nanay ko pag di ko sinunod.

Mabilis akong bumaba ng hagdan, with matching tunog-tunog, habang inaayos yung pagkakaipit ng tuwalya sa dibdib ko. Habang nakayuko ako at busy sa pag-aayos ng tuwalya, nagsalita ako, “Ano ba yun?!”

Pag mga ganitong oras na wala si kuya o kahit si Papa sa bahay, confident akong maglakad nang nakatapis, total sa baba naman ang banyo namin. Kaya lang, maling akala na naman ako. Nakarinig ako ng mahiwagang mura sa nanay ko nang makita niya yung itsura ko.

“Ay tarantado ka! Magbihis ka nga don!” Sigaw niya habang nakaturo siya sa taas namin. Gets ko naman kung bakit niya sinabi yun dahil hindi lang kami ang tao sa loob.

Nakaupo sa sala namin si Marco.

Ay putragis.Dali-dali akong umakyat pataas habang nakakapit ako sa tuwalya dahil sobrang hiyang-hiya ako. Ramdam ko pa nga na nilamig ang buong katawan ko at natataranta ang mga white and red blood cells ko. Habang papasok na ako ng kwarto, napabulong ako sa sarili ko.

“Shet naman! Ba’t naman nandito yun!?” Kumuha agad ako ng damit sa drawer tapos sinuot. Nakakatawa lang dahil hindi ko masuot-suot yung short ko dahil sa taranta! Namura ko pa nga ang short ng di oras.

Pagkatapos kong magbihis, feel na feel ko na ang rush ng heartbeat ko, humarap ako sa salamin para tignan kung mukha na ba akong tao at huminga ng malalim. Bigla naman akong napangiti nang maalala ko yung eksena kanina. Namula kasi bigla yung tenga ni Marco nang makita ako na ganun. Psh.

Pagbaba ko, sobrang sama na talaga ng tingin sakin ni mama dahil sa nangyare pero di ko na lang pinansin. Tinignan ko si Marco na nakagrey na T-shirt at jeans tapos binigyan ko siya ng “ano-ba-ginagawa-mo-dito-look”. Nakakagulat lang kasi. Di man lang ako ininform.

Syempre, umupo ako sa tabi ng nanay ko. At, iniwas niya ang tingin niya sakin nung magkaharap na kami.

Ano bang matter na pag-uusapan? Don’t tell me sinabi niya lahat-lahat-kahat ng nangyare sa Manila? Naku, bibitayin talaga ako ng nanay ko patiwarik pag nagkataon.

Ngumiwi ako, “A-ano ba sasabihin mo?” tanong ko kay mama, “S-sino ‘tong bisita?” mahinang tanong ko ulit para kunyare di ko kilala.

“Si Mr. Delos Santos,” sabi niya sakin, “Umorder kasi siya ng 50 boxes pie satin nung nakaraang araw.”

Whatever It TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon