Chapter 43

246K 10K 2.6K
                                    

Chapter 43


Dahil masyadong magaling magpatakbo ng sasakyan si Rashid na aakalaing nasa karera at mukhang nakalimutan nang may batang nakasakay sa kanyang kotse, nakarating kami ng sa Leviathan na wala pang dalawang oras.

Pumasok kami sa isang malaking pulang gate. Ibinaba ni Rashid ang kanyang bintana para tumango sa gwardiyang bantay dito. Gusto ko sanang magtanong sa kanya kung bakit hindi niya nasabi sa akin na may malaking bahay din pala sila dito pero paninindigan ko pa rin ang hindi pagpansin sa kanya.

Tulog pa rin ang baby na hawak ko nang itigil ni Rashid ang sasakyan. Hindi pa man ako nakakababa ay nakita ko nang nasa labas si Rashid para pagbuksan ako ng pintuan na parang isa naman siyang responsableng ama. Nakailang irap na kaya ako simula kanina?

Lumabas na ako ng sasakyan, binuhat na ni Rashid ang mga gamit ko at ang rocker ng bata gamit ang isang kamay niya habang ang isa pa niyang kamay ay nasa balikat ko na. Magsisimula na ba ang bahay bahayan namin dalawa?


"How was he?" naningkit ang mga mata ko sa kamay niyang nasa balikat ko. Nang mapansin niya na wala akong balak sumagot sa kanya ay agad siyang ngumisi at inalis niya ang kamay niya sa akin.


"Come here.." nauna na siyang maglakad. Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating na kami sa loob bahay. Akala ko ay kami lamang ang tao dito pero agad akong nakakita ng matandang babae na nagmamadaling sumalubong kay Rashid na halatang alalang alala.


"Senyorito, kamusta ang batang hinira---" hindi na natuloy ng matandang babae ang sasabihin niya nang takpan ni Rashid ang bibig nito bago niya ito niyakap ng malambing.


"Bakit hindi mo na lang ihanda ang kwarto ng girlfriend ko Nana? Namiss ko po kayo.." hinalikan pa siya ni Rashid sa pisngi ng ilang beses. Hindi ko akalain na makikita kong maglambing si Rashid sa ibang tao.

This Nana must be very important for him.


"Siya na ba si Aurelia, hijo?" ngumisi si Rashid habang nakayakap sa matanda. Nakapatong ang baba niya sa ibabaw ng ulo ng matanda habang kapwa sila nakatitig sa aking dalawa.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi makaramdam ng pagkabalisa habang pinagmamasdan nila akong dalawa. What's with the stares? Ano kaya ang mga sinasabi nitong si Rashid sa matandang babae?


"Yes Nana, ang ganda ganda niya po hindi ba? Mahal na mahal ko 'yan kahit lagi niya akong niaaway.." nakangusong sabi niya habang nakatitig sa akin. Para na naman siyang batang inaapi at nagsusumbong sa kanyang lola.

Bakit lagi na lang ako ang nang aaway?! Damn it, ilang beses ko na ba itong naitanong sa sarili ko?


"Ikaw talaga hijo.." naiiling na sabi ng matanda. Iniwan nito si Rashid at nilapitan ako para tingnan ang batang buhat ko.


"Nag iiyak ba siya hija?" tanong nito sa akin.


"Umiiyak po siya pero madali naman po siyang napapatahan.." sagot ko.


"Sige, dalhin nyo na siya sa taas. Nakahanda na ang lahat ng gamit niya.." sa halip na tumango ay pinakatitigan ko ang matanda bago ako muling nagsalita.

The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon