Chapter 12

356K 17.9K 5.1K
                                    

Chapter 12


Hindi ko alam kung papaano ko maipapaliwanag ang sitwasyon ko sa mga oras na ito. Pakiramdam ko ay nasa gitna ako ng isang spotlight habang mariing pinapanuod ng mapanuring mga mata.

Bakit ganito na lamang sila makatitig sa akin? Ilang beses kong pilit ibinababa ang navy blue tshirt ni Cinderello na siyang suot ko. Shit.

Kapwa lahat nakatitig sa akin ang apat na pares ng mata ng mga lalaking mukhang kalalabas lamang sa kani kanilang story book. I have Cinderello with his crossed eyebrows, I have Bello with his parted lips and Drizello and Augusto with their undressing stares.


"Oh fuck!" unang nakabawi si Cinderello at halos sabunutan niya ang sarili niya.


"Let's go Aurelia.." nagulat na lang ako nang hagipin niya ang kamay ko at halos kalikarin niya na ako sa kanyang paghila.


"Wait!" narinig ko ang sigaw ni Bello.


"Shit! Augusto! Drizello! Make that jerk face pay! He did steal our roses!" malakas na sigaw ni Cinderello sa magkapatid na habol pa din ang tingin sa akin.

Walang tigil sa kamumura si Cinderello at mas binilisan niya pa ang paglalakad. Halos mapadaing na lang ako sa higpit ng kamay niya sa akin. Bakit kailangan niya pa akong hawakan?


"Cinderello, nasasaktan ako. Bitawan mo ako.." hindi niya pinansin ang sinabi ko. Marahas niyang binuksan ang pintuan ng kotse at halos ipagtulakan niya pa ako sa loob.

What's wrong with him? Bakit hindi niya na lang ako hintayin na makapasok nang kusa?


"Be careful! Nasasaktan ako Rashid! Sasakay din ako sa kotse mo!" malakas na sigaw ko habang tinutulak na niya ako.


"They are fucking looking at your legs Aurelia! Just go inside!" iritadong sabi niya sa akin na nakapagpaawang sa mga labi ko. Hindi na ako nakasagot dahil tuluyan na niya akong naipasok sa kanyang kotse. Padabog pa niya itong isinarado.

Napansin ko na parang may isinigaw pa siya kay Bello, Drizello at Augusto na nagpasama ng tingin ng mga ito sa gawi niya.

Nang makapasok na siya sa loob ng kotse ay padabog naman siyang umupo sa driver's seat. Ramdam na ramdam ko ang init ng ulo niya na hindi ko na naman maipaliwanag, bakit ba siya nagkakaganito na naman?

Parang nararamdaman ko na naman ang evil Cinderello sa kanya. Sinimulan na niyang buksan ang makina ng sasakyan at nang sandaling mabuksan na ito ay halos paharurutin niya ito na parang nasa isa kaming racing competition.


"Cinderello! Kung nagagalit ka dahil may pumitas ng mga rosas mo huwag mo akong idamay sa galit mo! Mahal ko pa ang buhay ko! Ayusin mo ang pagmamaneho mo!" malakas na sigaw ko sa kanya habang napapadasal na lang ako sa bilis na sasakyan.

Ilang minuto niya akong hindi pinansin, bahagya na kaming napapalayo. Alam niya ba kung saan ang bahay ko?

Pero bigla na lang siyang nagpreno nang walang pasabi at muntik na akong tumilapon kung hindi lamang ako nagseat belt na pinag alinlangan ko pa kanina. Agad niyang itinabi ang sasakyan bago siya humarap sa akin. Oh god! What's wrong with this evil Cinderello?

The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Where stories live. Discover now