Chapter 2

416K 17.4K 4.6K
                                    

Chapter 2

Kumportable na akong nakahiga sa aking kama at handa na akong matulog. Pinatay ko na ang ilaw ng kwarto ko at ibinalot ko na ang sarili ko sa makapal na kumot.

Matulog ang pinaka paboritong bagay ko sa mundo. At ang maabala sa pagtulog ang masasabi kong pinakamasaklap sa lahat.

"Aurelia anak, maging mapagmasid ka. Pakiramdaman mo ang mga manok natin, baka may magnakaw" napairap na lang ako sa sigaw ng aking tatay mula sa kabilang kwarto. Ito talaga ang pinakamalaking problema namin tuwing gabi, ang mga magigilas na magnanakaw ng manok.

Pero ang isa pa sa ikinaiinis ko, hindi man lang muna itinanong ni tatay kung nilalamig ba ako? Kung malamok ba sa kwarto ko? Bakit tanging pagbabantay na lang sa magnanakaw ng manok ang naririnig ko tuwing gabi? Damn. Bakit hindi na ako nasanay? Hanggang sa pagtulog manok na lang lagi!

"Tatay kung 'yong mga manok mo na lang kaya ang ipasok mo dito sa loob ng bahay? Ako na lang sa labas!" malakas na sigaw ko sa kanya na nakapagpatawa sa kanya.

"Hindi pwede anak, kapag nananakaw ka. Walang magpapatuka sa kanila.." halos sabunutan ko ang sarili ko sa sinabi niya. Oo nga naman. Nakakainis talaga.

"Bahala ka na nga dyan tatay! Hindi ako magluluto ng almusal! Bahala ka, ipagluto ka sana ng mga manok mo!" tinakpan ko na lang ang tenga ko dahil sa pagtawa niya hanggang sa nakatulog na ako.

Nagising na lang ako sa tilaok ng mga manok. Mukhang nagising na ako sa reyalidad. Araw araw ko na lang napapanaginipan si tatay at alam kong hindi na ito nakakabuti sa akin.

I need to continue my life. At walang mangyayari sa buhay ko kung habang buhay kong buburuhin ang sarili ko sa pagluluksa.

Mabilis na akong bumangon at inayos ko na ang aking sarili. Ngayon na ang araw na tuluyan na kaming maghihiwalay ng mga 'kapatid' ko. Gusto ko man hindi tanggalin ang lahat ng alaala ni tatay na iniwan niya sa akin, wala akong magagawa. Kailangan kong maging praktikal sa buhay.

Wala na akong pakialam kung ano na ang iniisip sa akin ni kuya manong. Panay ang pagtulo ng luha ko habang iniisa isa na niyang kuhanin sa tangkal ang mga sasabunging manok ni tatay. Ilang beses ko nang pinagseselosan ang mga manok ni tatay pero mahal na mahal ko talaga sila.

"Manong, alagaan nyo po sila. Ako pa po ang nagpapatuka sa kanila.." nakakunot na ang noo sa akin ni Manong habang hinihimas himas na niya ang tandang.

"Magagandang kalidad talaga ang mga manok ng tatay mo, mapapakinabangang mabuti ang mga ito" binili na ni manong ang lahat ng manok ni tatay at dahil lumaki na akong napapalibutan ng presensiya ng mga tandang na manok alam ko na rin ang bentahan nito. Kaya kahit sino pang sabunggero ang sumubok, walang makakapanloko sa akin sa presyo ng manok.

Pinagsama sama ko na ang mga perang iniwan sa akin ni tatay at tama nga siya, sasapat ito hanggang sa matapos ko ang taong ito. Hindi ko na naman problema ang tuition fee dahil isa akong iskolar pero malaki pa rin ang gastusin sa mga miscelleneous. Paano pa ang ilaw at tubig ng bahay?

Bigla kong naalala ang babaeng nakasabay ko sa jeep noong isang araw habang papunta ako sa school. Naka earphones ako noon kaya di ko agad maintindihan ang sinasabi niya pero nang napansin kong may gusto siyang sabihin sa akin mabilis kong tinanggal ang nakapasak sa tenga ko.

Nalaman ko lang naman na may maliit na piraso pa pala ng sabon ang buhok ko at siya ang mismong nagtanggal nito sa aking buhok kahit na nasa makaibang posisyon kami. Napangiti na lang ako, siguro ay napakamaalalahanin niyang ina. Nagkakwentuhan kami ng saglit hanggang sa ibigay niya ang number niya sa akin kung sakaling gusto ko daw magkatrabaho, maging tutor ng anak niyang bunso. Una wala naman talaga akong balak tanggapin ito pero ngayong nangangailangan ako ng pera mukhang wala na akong pagpipilian.

The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Where stories live. Discover now