Chapter 44

249K 9.5K 1.8K
                                    

Chapter 44


Binigyan ko na naman ng isa pang pagkakataon si Rashid at hindi ko na alam kung ano pa ang bago sa sarili ko. Hirap na hirap akong magalit sa kanya at sa kaunting paglalambing niya bigla na lamang akong bumibigay na parang wala siyang ginagawang hindi tama.

Foolish? yes. Always this foolish Aurelia.

Tinulungan ako ni Nana na alagaan ang bata na siyang ipinagpasalamat ko. Mabuti na lang rin at may matanda sa bahay dahil balak lang naman ni Rashid na magkatabi kaming matulog na siyang hindi magandang gawin. Dahil baka sa pangalawang pagkakataon ay matuloy na kami sa hindi dapat.

Gumising na ako ng maaga. Wala na sa tabi ko ang bata at malamang ay inaalagaan na ito ni Nana. Nag ayos ako ng aking sarili bago ako bumaba.


"Oh hija, gising ka na pala. Kumain ka muna.." salubong sa akin ni Nana habang buhat niya ang bata.


"Nasaan po si Rashid?" tanong ko dito.


"Nasa swimming pool hija, sinabi nga pala niya na kapag natapos ka nang kumain ay pumunta ka sa labas.." ngumiti ako sa sinabi ng Nana.


"Mamaya na po ako kakain, pupuntahan ko lang po si Rashid.." naglakad na ako sa labas at agad ko naman siyang nakita.

He is swimming so fast like an Olympic swimmer. Nang mapansin niya sigurong parang may nanunuod sa kanya ay tumigil ito sa paglalangoy.


"Gising na ang baby ko, kumain ka na?" naupo ako sa isang bench na malapit sa pool. Lumangoy siya papalapit sa akin at ipinatong niya ang mga braso niya sa hamba ng swimming pool.


"Hindi pa.." sagot ko sa kanya.


"Kumain ka muna, tapos swimming tayo.." ngising sabi niya na parang hindi ko yata nagugustuhan.


"Ayoko pang kumain, hindi pa ako nagugutom.." tamad na sabi ko.


"Then come here, join me.." inilahad niya ang kamay niya sa akin.


"Kung inaakala mo na hindi ako marunong maglangoy at magagawa mo ang gusto mo sa pool, sorry to say Cinderello but I am a good swimmer.." pinitik niya ang kanyang daliri na mukhang dismayado.


"Sayang naman.."


"Seriously Rashid?"


"Oh, I bought you some swim suit baby.." nangunot ang noo ko sa sinabi ni Rashid.


"What?! Napaka manyakis mo talaga Rashid!" iritadong sabi ko. Umawang ang bibig niya na parang tulalang tulala sa akin at mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ko.


"What baby? Me? Rashid Amadeus Villegas?" itinuro niya ang sarili niya na parang sinabihan ko siya ng isang napaka imposibleng bagay.


"Rashid, maglangoy ka na lang. Sumasakit ang ulo ko sa'yo.." naiiling na sabi ko.


The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon