Chapter 9

374K 16.7K 3.2K
                                    

Chapter 9

Nang marinig ko ang salitang 'Rashid babe' mula sa mga babaeng nakangisi mula sa itaas ay hindi ko maintindihan kung bakit agad nagsalubong ang kilay ko.

Rashid babe? Parang mas bagay pa rin sa kanya ang pangalang Cinderello.

Huminga ako nang malalim habang pilit pinapakalma ang sarili ko. Hanggang ngayon ay inis na inis pa rin ako sa hindi ko maintindihang dahilan.

And I can't be damn jealous, nito ko lang nakilala ang Cinderello na ito. Anong karapatan kong magselos sa mga babae niya? Oh Aurelia, stop being weird.

Mabilis kong sinalubong ang singkit na mata ni Cinderello na nakatitig din sa akin, bahagya na rin nakakunot ang noo niya. Hindi ko alam kung dahil sa akin o kung dahil sa dalawang babae na nakadungaw pa rin mula sa taas.

"Why would I get jealous Rashid?" saglit lamang nagtama ang aming mga mata. Sumulyap din ako sa dalawang babae na hindi napapawi ang ngisi na parang nawiwili pa sila.

"Tutor lang ako dito at wala nang iba. At dahil tapos na ang pag aaral ni Anastacio ngayong araw, makakaalis na ako" paalam ko sa kanila.

Tatalikuran ko na dapat si Cinderello nang hawakan niya ang braso para pigilan.

"You can't go home yet Aurelia, malakas pa ang ulan" nang mapansin niyang nakatitig ako sa braso ko na hawak niya ay binitawan niya ito.

"May pa—" natigil ako sa pagsasalita nang maalala ko na nasira nga pala ang payong ko kanina.

"Hihiramin ko na lang ang payong ni Anastacio" pag iiba ko.

"Kahit mahiram mo ang payong ni Anastacio hindi ka pa rin makakauwi, wala ka nang masasakyan. Wala nang biyahe ngayon, dito ka muna hanggang tumila ang ulan.." paliwanag sa akin ni Cinderello.

Napatingin na lang ako sa bintana, sobrang lakas pa talaga ng ulan. May bagyo ba?

"Maniwala ka sa kanya, may sarili na kaming sasakyan nahirapan na kami. What more kung magbibiyahe ka? Just stay here" sabi ng babaeng maiksi ang buhok mula sa itaas.

"Bakit hindi pa kayong dalawa magbihis? Nababasa ang sahig ng damit nyo" iritadong sabi ni Cinderello sa dalawang babae.

"Alright, palibhasa hindi ka type.." naiiling na sabi ng isa pang babae sa kanya. Narinig ko na lang na pabulong na nagmura si Cinderello sa sinabi nito.

"Bakit masyadong sawi ang mga lalaki sa Sous—" hindi na natuloy ng babaeng maiksi ang buhok dahil nilingon siya ng babaeng katabi niya.

"Oh I mean, nakakaawa na sila. Si Cap na nagpapakastalker na lang sa mga CCTV niya, tapos itong si Rashido na hindi naman pala type.." natatawang sabi ng babaeng maiksi ang buhok.

"Godlord! Gusto nyong lumabas dalawa?" iritadong iritado na si Cinderello habang nagtatawanan ang dalawang babae.

"Ilang taon ka na girl?" tanong ng babaeng matangkad. Nag alinlangan pa ako bago ako sumagot sa kanya.

"She's eighteen.." mabilis na sagot ni Cinderello. Nasabi ko na ba sa kanya ang edad ko?

"Oh, she's too young for you Rashido. She's not your typical girl, what happened?" muling nagtawanan ang dalawang babae.

Alam kong inaasar lang nila si Cinderello gamit ako. Imposibleng maging interes ako ng isang katulad niya. He's damn rich, handsome and intelligent. Siguradong mas magaganda, mayayaman at kilalang babae ang gugustuhin niya at hindi ako 'yon.

"Fuck! I am just twenty one. Bakit kung magsalita ka Enna ay parang matandang binata na ako? Sa susunod na kumatok kayo sa pamamahay ko hinding hindi ko na kayo pagbubuksan" pakinig ko ang panggigigil ni Cinderello sa kanila na muling sinagot ng dalawang babae ng natawanan.

The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Where stories live. Discover now