Chapter 23

291K 12.7K 1.8K
                                    

Chapter 23


Napatitig na lang ako sa papalayong babae. May pinag aralan akong tao at alam kong umintindi ng mga salita kahit hindi ito direktang sinasabi. That girl is talking about Rashid and his job.

She even knows my name!


"There you are.." maagap ako at mabilis akong humakbang para itulak ang cart na hawak ko. Who is she? Bakit kilala niya ako? Is she Rashid's ex?


"What's wrong with you Aurelia?" agad niya naman akong hinabol.


"I saw someone and seems like she knows you too well. Akalain mo 'yon, kilala rin ako? She even told me about your job, that she's hoping that you'll choose me instead. I don't understand Rashid, this is weird and I am now having a bad feeling" mahinang sabi ko sa kanya habang may nagtutulak ako ng cart.

She could be the one behind evil fairy god mother. Nagsisimula na akong matakot, what's going on?

Lalo akong kinabahan nang makita kong lumampas sa akin si Rashid at mabilis siyang naglakad sa iba't ibang sections ng mga items para lamang matingnan kung nasaan ang babaeng sinasabi ko.

She's gone already at alam kong hindi na niya ito mahahabol. Malamig lang akong nagsusulong ng cart at kumukuha ng mga dapat kong bilhin nang maramdaman kong hinawakan ni Rashid ang braso ko.


"Can you describe her Aurelia?" ilang segundo akong napatitig sa kanya bago ako nakasagot.


"She's pretty, kasama mo siya sa picture mo sa bahay niyo. The girl near you, kasama ng dalawang lalaki na may magagandang mata.." mahina siyang napamura sa sinabi ko.


"Sava—fvck. What is she doing here?" nagpalinga linga pa siya na parang makikita niya ang babae.


"Tell me Rashid, tell me honestly. What is your job?" hindi ko alam kung bakit parang naiiyak na ako. Wala na akong pakialam sa mga taong napapasulyap sa amin dalawa. Nagsisimula na akong mahulog sa kanya at natatakot akong baka nagkamali ako sa pagkakakilala sa kanya.

Bakit may mga ganito? I heard his workmates, Enna and Hazelle they warned me before. Nakakarinig rin ako sa kanila ng mga bagay na hindi naaayon sa isang normal na trabaho, ano pa ang iisipin ko sa panibagong babaeng bigla na lamang nagpakita sa akin? Hindi ako tanga para dapat ko na lamang itong ipagsawalang bahala.

Natigilan siya sa tanong ko na parang tinanong ko siya ng isang napakahirap na tanong. Why can't he just answer me?


"Aurelia, I am..I am a photographer.." lalo akong natigilan sa sinabi niya. Nakita ko sa bahay nila na nakatapos siya bilang isang engineer, I never saw him with camera except with his phone ofcourse. At natatandaan ko pa na sinabi sa akin ni Tita Tremaine ayaw ni Rashid ng camera. Then is he telling me that Enna and Hazelle are both photographers too? With those missions, Cap? And whatever bullshits I am hearing from them.

He's lying.


"Sayang naman ang tinapos mo Rashid, I thought you're an engineer.." ismid na sagot ko sa kanya. Nagpatuloy na lang ako sa pagsulong ng cart. Nagsisimula na akong matakot sa trabaho niya.

Bakit kailangan niyang itago? Iisa lang ang alam kong trabahong kailangan itago. He's into illegal job.


The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Where stories live. Discover now