Chapter 40

239K 9.4K 1.4K
                                    

Chapter 40


Bakit kaya may mga taong hindi marunong makaintindi? Bakit may mga taong pipilitin maninira ng isang relasyon? Alam ng babaeng ito na may girlfriend si Rashid. Hindi niya ba naisip na hindi magiging maganda kung papasok siya sa condo ng isang lalaking may karelasyon na?

What the hell is wrong with her?!


"No, you won't open it Rashid.." matigas na sabi ko. Papaano malalaglag ang hikaw niya? Nagtatalon ba siya kanina?

Muling may pinindot si Rashid para kausapin ang babaeng nagpupumilit pumasok.


"I said go Courtney.." pagtataboy sa kanya ni Rashid.


"Hindi ako aalis dito, my earring is so precious. Bakit kung makapagsalita ka ay may gusto akong gawin masama sa'yo?" madramang sabi nito na parang maiiyak na.


"Oh fvck, I said go.." pilit pinapakalma ni Rashid ang boses niya.

Gusto ko nang makisabat sa kanila, gusto kong ipamukha sa babaeng ito na nandito ang girlfriend ng lalaking nilalandi niya. Pero alam ko na ang mangyayari kapag ginawa ko ito. Siguradong palalabasin niya akong masama kay Tita Tremaine, na may nalalaman pa akong pagtatago sa kanila, na masyado akong nagmamalinis. Sinong lalabas na malandi sa amin? Siguradong ako. Having her good acting skills right now? Kayang kaya niyang ibato sa akin na ako ang malandi at bigyan niya pa ng ideya si Tita Tremaine na ibinabahay na ako ni Rashid.

Hindi ko alam kung nagiging paranoid na ako sa mga iniisip ko o talagang dala lamang ito ng matinding pagkainis at galit sa babaeng ito.


"Kung nag aalala ka dahil sa girlfriend mo, I promise walang makakarating sa kanya. This is just between us.." halos mapanganga ako sa sinabi niya kay Rashid. What? What? Hikaw lang naman ang kailangan niya, bakit iba ang dating nito sa pandinig ko?!

Ako na mismo ang pumatay sa monitor. Bahala siyang mabulok sa harap ng pintuan!


"Let's go Rashid, don't you dare open your door. We'll stay here for the whole day.." umiinit na ang ulo ko. Nauna akong maglakad sa kanya pero agad din siyang nakahabol sa akin at niyakap niya ako mula sa likuran.


"My baby is jealous. Don't worry, I won't open.." pinili namin ni Rashid manuod ng movie. Ilang beses may nagdodoorbell pero hindi na namin ito pinapansin.

His head is on my lap while my hand is caressing his hair. Sa halip na intindihin ko ang pinapanuod namin ni Rashid, lalo lamang akong naiirita sa paulit ulit na pagdodoorbell ng babae.


"I'll call the security baby.." pinigilan ko si Rashid.


"Don't, gusto kong siya ang magkusang tumigil Rashid. Gustong siya mismo ang magpatigil sa kahibangan niya. You're mine Cinderello.." seryosong sabi ko.


"I love it when you're saying that baby.." umalis sa kandungan ko si Rashid at dahan dahan ko nang ipinikit ang aking mga mata hanggang sa muling maglapat ang mga labi namin.

I encircled my arms around his nape while our lips are busy answering each other's passionate kiss.


The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt