Chapter 15

357K 15.9K 4.2K
                                    

Chapter 15


Gusto kong murahin ang sarili ko, kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na dapat ay dumistansya ako sa lalaking nakatitig sa akin ngayon, kahit ilang beses kong sabihin na imposible siyang magkagusto sa akin pilit pa rin akong umaasa na sana totoo na lang.

Sana totoo ang fairy tale na ang isang mahirap na babaeng katulad ko ay mapapaibig ang isang prinsipeng katulad niya. Natatakot ako na baka pinaglalaruan niya lang ako, natatakot akong tuluyang mahulog sa kanya, natatakot ako na kapag nagsawa siya sa akin ay basta niya na lamang ako iwan. Bagay na alam kong napakadali lang gawin para sa kanya. Anong mapapanghawakan ko na totoo ang pinakikita niya sa aking ito? Bakit isang simpleng tutor ng bata ang pinag aaksayahan niya ng panahon? He can always find another girl, prettier, richer and a better catch than me.


"Cinderello, why are you this sweet?" pilit kong tinatanggal ang mga braso niyang nakapulupot sa akin pero mas humigpit ito at mas inilapit niya pa ako sa kanya.


"Can't you tell Aurelia? Matagal na akong nagpapansin sa'yo..." halos bulong niyang sabi sa akin. Bakit hindi na lang siya magsalita ng maayos? Bakit lagi niyang pinalalambing ang boses niya? Bakit laging may tonong parang batang laging nagtatampo?

Sinong matinong babae ang makakapag isip ng tama sa mga ginawa nitong si Cinderello? And he is damn pouting!


"I know you are just playing with me Rashid.." masyado akong nadala nang punasan niya ang luha ko. Gusto ko nagsusumbong din ako sa kanya, gusto ko inaalo niya rin ako. Oh god! Kailangan mong pakalmahin ang sarili mo Aurelia.


"Who's playing Aurelia? Who?" nagulat na lang ako nang kabigin niya ako dahilan kung bakit ako napaupo sa kandungan niya.

Hindi ako makagalaw sa kandungan niya habang magkatitig kami sa isa't isa. Why are you doing this to me Cinderello? Ito na naman ang puso ko, nagwawala na naman ng dahil sa'yo.


"Look at my eyes, look at me baby. Mukha ba akong naglalaro? Umamin na ako sa'yo Aurelia. Ilang pitsel na nang yakult ang ininom ko pero hindi na ako makaahon. I am already drowned by you Aurelia.." mas lalo kong naramdaman ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa akin. I can even see the mixture of sincerity, tender and admiration on his eyes.

Pero bakit nadamay ang yakult Cinderello?


"Tapos na ang laban Aurelia, talo na ako. All I can do right now is to chase after you.." halos magkagulo na ang buong sistema ko sa sunod sunod niyang pinagsasabi. Bakit ganito ka na naman Cinderello?


"Wala akong natatandaan na may inamin ka sa akin Cinderello.." inilihis ko ang mga mata ko sa kanya. I can't just assume, kailan? Sa kotse? Sa kwarto ni Anastacio? Sa hagdanan? Lagi siyang nagbababy talk sa akin at hindi ko na alam dito kung alin ba ang dapat kong pilit pakatandaan dahil sa tuwing inaalala ko ang mga sinasabi niya sa bawat araw na nagkikita kami, siguradong mawawala na ako sa katinuan.


"Aurelia, kinalimutan mo na? That was inside the car, when I was applying to be your baby. Ako naman ang una hindi ba? Pangalawa lang si Anastacio.." pakiramdam ko ay sumabog na ang dibdib ko lalo na nang marahan niyang amuyin ang buhok. Hindi ko na kaya pa Cinderello.

Marahas akong tumayo at sa pagkakataong ito ay nakawala na ako sa kanya. Nakaapat na hakbang ako paatras mula sa kanya habang may nanlalaking mga mata. What is he talking about? Bakit ganyan siya? Gusto ko nang magpapadyak sa mga nangyayari.

The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Where stories live. Discover now