Chapter 5

368K 18K 6.5K
                                    

Chapter 5


Hindi ko hinintay na bumaba si Cinderello, bakit ko naman siya hihintayin? Alam niya naman kung nasaan ang kusina ng sariling niyang pamamahay. May paghintay hintay pa siyang nalalaman.


Nasa dulo nakapwesto si Tita Tremaine, katabi ko naman si Anastacio sa pagkain habang kaharap ko ang mga kuya niya na halinhinan ang pagsulyap sa akin. Simula nang kumain ako dito, hindi na ako nabusog. Sino ba ang mabubusog kung alam mong may sulyap ng sulyap sa'yo?


Susubo na sana ako ng pagkain nang mapansin ko na parang natigilan ang lahat sa taong pumasok sa dining area. Nang lingunin ko ito, agad nagtama ang mga mata namin ni Cinderello. Nakataas na naman ang kilay niya sa akin na sinagot ko lang naman ng pag irap.

Pero hindi ko pa rin maiwasang paglandasin ang mga mata ko sa ayos niya ngayon, nakaputing sando at jogging pants siyang itim. Mas lalong nadepina ang maganda niyang katawan at ang napakaputi niyang kutis, mukhang mas maputi nga sa akin si Cinderello. Nanatiling magulo ang buhok niya na kahit pasadahan ng kanyang kamay ay hindi maaayos. May suot din siyang silver na dog tag.


"What?" tanong niya sa amin na nakatitig sa kanya. Bumalik na naman ang tono niya.

Agad siyang humagip ng upuan at walang habas niyang inilagay ito sa gitna ng mga upuan ni Drizello at Augusto. Aalma pa sana ang mga ito nang pandilatan sila ng mata ni Tita Tremaine.

Kaya walang nagawa si Drizello at Augusto kundi tumayo at bahagyang ilapat ng posisyon ang kanilang mga upuan. Kaya ang nangyari, pinaggigitnaan nilang dalawa si Cinderello.

Dyosko, lalong lumitaw ang kagwapuhan at ang maputing kutis ni Cinderello nang tumabi siya kay Drizello at Augusto. Talagang magtataka ang kahit sino kapag sinabing 'magkakapatid' ang mga ito.


"Anastacio, itinago mo na naman ba ang sapatos ko?" iritadong tanong niya sa batang katabi ko. Sa pagsingkit ng mga mata niya sa pangangatal naman ng mga kamay ni Anastacio na may hawak ng kutsara at tinidor.

Bakit hindi na lang siya kumain? Tinatakot niya pa ang bata.


"Anong gusto mong kainin Rashid?" tanong ni Tita Tremaine. Tumayo na ito na parang handang lagyan ng pagkain ang plato ni Cinderello.


"Gusto ko 'yong kinakain niya.." itinuro ni Rashid ang pagkain na nasa plato ko. Tinolang manok lang naman ang pinili kong kainin sa dami ng mga pagkaing pagpipilian.

Halos irapan ko siya nang hindi man lang gumalaw ang kamay niya para magsalok ng sarili niyang pagkain. Dinaig niya pa siya ni Anastacio na marunong nang kumuha ng pagkain. Wala bang kamay itong si Cinderello? Nakahain na ang pagkain, bakit hindi na lang siya magkusa?


"Enough, tama na 'yan" bahagya pa niyang tinabig ang kamay ni Tita Tremaine na nakapagpakulo ng dugo ko.

Oo, humingi ako ng 'sorry' sa kanya noon dahil sa pakikialam ko gayong wala naman akong nalalaman sa buong sitwasyon nila. Pero itong nakikita ko ngayon? Damn. Nag eeffort na sa kanya si Tita Tremaine para kuhanin ang loob niya, siya pa rin itong nananatiling bastos. Sumosobra na talaga siya.

Kitang kita ko ang pagpipigil ni Drizello at Augusto sa kanilang mga sarili. Kung magkakataong pagtutulungan nila ngayon si Cinderello, baka kampihan ko pa silang magkapatid.

The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Where stories live. Discover now