Chapter 48

221K 10.6K 4.2K
                                    

Chapter 48


Isang taon na naman ang nagdaan, ang bilis talaga ng oras. Marami na akong napagdaanan at marami na akong natutunan sa buhay.

Life's goes on and on. Kahit ilang beses akong iwan ng mga tao, hindi ko dapat hayaang pati panahon ay iwanan ako. Kailangan kong sumabay sa agos ng buhay dahil alam kong ito ang tama at dapat kong gawin.

Kanina pa akong naghihintay sa may tapat ng gate habang nanghahaba ang leeg sa pagtanaw sa boyfriend ko na sobrang tagal dumating.

Today is Anastacio's birthday party and Tita Tremaine invited us. Matagal na rin alam ni Tita Tremaine na wala na kami ni Rashid, hanggang ngayon ay nasa ibang bansa pa rin daw ito at bihira nang umuwi sa Pilipinas.

"Come on Aurelia, dadating din si Dash. Mangangalay ka sa paghihintay sa kanya." Umiling ako kay Tita Tremaine.

"Nah Tita, mahiyain po si Bello. Baka po hindi siya pumasok dito kapag hindi niya agad ako nakita." Tumango na lamang sa akin si Tita Tremaine.

"By the way Aurelia, uuwi ngayon si Rashid. Are you two, okay?" Mabilis akong tumango sa sinabi ni Tita Tremaine.

"We're great Tita." Tipid kong sagot. Siguro naman ay ayos na kami ni Rashid, dalawang taon na rin kaming hindi nagkikita o nagkakausap. Siguro, kagaya ko ay ibinaon na rin niya sa limot ang lahat. Katulad ko ay may nakilala na rin siyang ibang babae na kayang intindihin ang bigla niyang mga pagkawala.

"Good, babalik lang ako sa mga bisita." Ngumiti na lang ako kay Tita Tremaine.

"Where are you Bello?" tiningnan ko ang telepono ko pero wala siyang text sa akin.

Agad kong sinagot ang telepono ko nang makita kong tumatawag si Bello.

"Where are you? Bakit ang tagal mo?" sa halip na sagutin niya ako ay narinig ko siyang tumawa.

"Miss na ako ni doktora."

"Stop calling me doktora Bello, nag aaral pa lang ako." Ngusong sabi ko sa kanya.

"Why? I want to call you like that. Malapit na ako, wait for me okay?" Ngumisi ako sa sinabi niya.

"Always.." sagot ko sa kanya.

"Yes, always Aurelia." Nakangiti kong pinatay ang telepono ko habang hinihintay ko siya. Nabili niya kaya ang regalo na pinabibili ko para kay Anastacio?

Abala ako sa pagtanaw sa may kalsada nang may tumigil na magandang pulang sasakyan sa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit bumagal ang pagbubukas ng pintuan nito maging ang unti unting pagbaba ng driver nito.

"Rashid.." bigla ko na lang nabanggit ang mga pangalan niya.

Hindi ko maipaliwag ang nararamdaman ko nang magtama ang aming mga mata.

"Bab--"

Lumapad ang ngiti ko nang makita ko na ang sasakyan ni Bello sa kabilang kalsada.

"Bello!" sigaw ko sa lalaking kanina ko pang hinihintay at kumaway pa ako dito para agad akong makita.

Hindi ko na nahintay makatawid si Bello, agad na akong humakbang para salubungin siya.

Saglit lang akong tumigil nang malalampasan ko na si Rashid na nakatingin sa akin na hindi ko mabasa ang ekpresyon.

"Hi Rashid, long time no see." Ngising sabi ko bago ko siya nilampasan para salubungin si Bello na kanina ko pang hinihintay.

"You're late!" salubong ko sa kanya. Mabilis niya akong hinalikan sa aking mga labi. Bago siya sumulyap sa aking likuran.

The Prince Who Stole My Glass Slippers (Prince Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon