Chapter 48

7.9K 266 28
                                    

Reese

Nagising ako ng biglang kumalabog ng malakas ang pinto at pumasok ang magpinsan na madalas nakabantay sa amin. Tinutukan ni Anne si Reed ng dalawang baril at si Axel naman ay nakatayo sa gilid ko.

"Huwag mo siyang sasaktan." Madiin ko siyang tinignan sa mga mata.

"Yeah, right. I wanna pee right at this very moment. Spill it." Mula sa nang-uuyam niyang mukha ay bigla siyang naging seryoso.

"Wala akong sasabihin." Ikinasa niya ang baril at idiniin iyon sa mismong noo ng kapatid ko.

"Huwag mong susubukan ang pasensya ko." Galit na wika siya.

"Hindi ko naman sinusubukan, Anne. Magtanong ka at sasagutin ko kung alam ko ang sagot."

"Nawawala si Young master at ang walang kaluluwa mong ama ang nagpadukot sa kanya. Umiiyak na naman si madam Glorietta ng tumawag ang ama mo sa kanya at gustong ipagpalit kayo. Now, where is your father?"

Napatulala ako sa sinabi niya.

Nakaramdam ako ng kakaibang epekto sa loob ko sa sinabi niyang iyon. Ito ba ang sinasabi nilang kaba? O... Takot?

Si Ashton...

Bakit ang bilis? Bakit hindi ko man lang siya nakita o nakausap?

Ayaw gumana ng utak ko. Paano na? Saan ko siya hahanapin? Paano ko siya makukuha at maililigtas?

Paano kung... Kung patayin siya ni Dimitrios? Paano na lang ako kapag nawala siya? Paano na kami?

Parang may sumalakay na kung ano sa ulo ko at bigla kong natanggal ang mga kamay ko sa pagkakaposas. Tumayo ako at yumuko saglit upang tanggalin ang kadena na gumagapos sa dalawang paa ko.

Hinawakan ako ni Axel pero binalibag ko lang ang kamay niya at napasigaw siya sa sakit ng mabali ko ang kanyang braso. Tinulak ko siya at napasandig siya sa dingding na dumadaing sa sakit.

"Sinabihan ko na ang Boss niyo, ang sabi niya maraming bantay si Ashton. Paano siya nakuha ni Dimitrios?" Sa akin niya itinutok ang dalawang baril.

Pinaputukan niya ako sa magkabilang braso pero patuloy pa din ako sa pag-abante. Pinatamaan niya ako sa ulo ngunit mabilis akong nakaiwas at sa isang iglap ay nasampal ko siya ng malakas at natumba siya sa gilid.

Nagising ang kakambal ko at tinignan niya lang ang nagsisigaw na si Axel.

"You, bitch?!"

Hindi ko na siya pinansin pa at nilapitan ko si Reed. Pinakawalan ko siya at niyakap pagkatapos.

"Umalis ka na dito, Reese. Iligtas m-"

Bigla akong natumba ng may mga pumulupot na kadena sa buong katawan ko. Sinubukan kong makawala pero sadyang hindi makaya ng buong pwersa ko na matanggal ang nakayakap sa akin.

Tutulungan sana ako ni Reed pero pinatamaan nila siya sa dalawang binti. Natumba din siya sa tabi ko at mukhang namamanhid. Nagkatinginan na lang kami dahil sa nangyari.

Kapagkuwan ay may isang punyal na itinutok ang ama ni Ashton sa leeg ni Reed.

"Huwag mo siyang sasaktan, ako na lang."

"Alam mo na ang ginawa ng ama mo? Ngayon, nasaan ang lungga niya?" Idiniin niya ang punyal sa leeg ng kapatid ko.

May mga lumapit kay Axel at tinulungan siyang makalabas ng basement. Napapadaing siya sa sakit hanggang sa tuluyan na silang makalayo sa amin.

"Wala akong alam. Huwag." Pigil ko ng pinasadahan niya at nasugatan sa pisngi si Reed.

"You were right back then. Now, why don't we have a deal?"

The Perfect Weapon [COMPLETED]Where stories live. Discover now