chapter 23

2.1K 75 4
                                    

Reese Elizabeth Cohlsin

"Good morning! Ohayö! Magandang umaga! Bonjour! Buenos dias!"

Nagising ako sa signature wake-up call ni Terry. Ang pinagbago lang ay may hawak siya na megaphone.

"Buenos dias, Terry. Bonjour, Charry." Bati ko sa kanilang dalawa.

Maaga na lagi si Terry kung magising dahil tumatakbo siya alas sinco ng umaga hanggang alas sais. Seryoso talaga siya sa pagbabawas ng timbang.

"Ano ba 'yan, Terry, antok pa ako eh." Reklamo ni Charry na kinukusot ang dalawang mata, "Mamayang alas diez pa ang klase ko."

"Masama ang masobrahan sa tulog, ladies! Magsipilyo na kayo at maghilamos dahil magtsitsikahan tayong tatlo tungkol sa mga naganap kagabi!"

"Pero magkasama naman tayo kagabi, Terry." Sagot ko sa kanya.

"Kailangan ng recap dahil hindi ako maka-get over sa date niyo kagabi!" Mukha pa siyang seryoso at determinado na nakapamewang.

"Hala si Terry, nabaliw na yata sa inyong dalawa ni King, Reese." Wika naman ni Charry, "Number 1 fan niyo na siya."

"Wrong! Ako ang President ng fan club nila!" Pagtatama naman ni Terry, "Oh, bangon na kayo at mag-ayos!"

"May pasok ako ng alas otso."

"Ah, gano'n ba. Oh sige, saka na tayo magkwentuhan. Maligo ka na dahil may isang oras ka na lang."

"Salamat, Terry."

Iniwan ko sila sa kwarto na masayang nagkukwentuhan habang ako naman ay naligo na.

Masasabi ko na napakaganda ng mga nangyari kagabi sa dinner date namin ni Ashton at kasama pa sa sorpresa niya ang mga kaibigan namin. Sila ang nagdekorasyon ng hardin, nagplano ng kakainon namin, pati ang mga kanta at musika na ginamit.

Kulang pa ang salitang swerte upang mailarawan ang mga nangyayari ngayon sa akin.

Sa dinami-rami ng kamalasan at masamang bagay na pinagdadaanan ko ay siya lang ang naging maganda... Si Ashton. At dahil sa kanya ay nakakaramdam ako ng kaginhawaan. Napakagaan ng puso ko kagabi. Rumirigodon ang puso ko.

At higit sa lahat... Nanaginip ako. Sa kauna-unahang pagkakataon ay naranasan ko ang managinip.

"Hindi lang iyon matatawag na simpleng panaginip."

Balang araw ay ikukwento ko kay Ashton ang napanaginipan ko. Sana lang ay matuwa siya.

Nang matapos ako sa pag-aayos ay pumunta na ako sa building.

"What's up, Reese!" Sinalubong ako ni Kelly ng high-five kaya sinabayan ko siya, "Blooming tayo ah, ano'ng nangyari kagabi?"

"May alam ka?"

"Wala naman masyado." Andiyan na naman ang mannerisms niya na parang si Terry, may pagkumpas ng kamay sa ere at kulang na lang ay umusok ang ilong sa paglaki ng butas nito.

"Ah. Gano'n ba."

"So ano na?" Binunggo niya pa ako sa balikat at napangiwi, "Ergh."

"May sakit ka ba?"

"Wala ah. Ang healthy ko kaya!"

"Okay. Tara na sa classroom." Pag-aya ko sa kanya. Kaagad naman siyang sumabay at umakbay sa akinsa paglalakad na parang pagod na pagod.

Tumigil ako at pumosisyon na naka-squat sa harap niya, "Sakay." Utos ko.

"Hala! Nababaliw ka ba, Reese? Kaya ko naman ang maglakad paakyat hanggang third floor." Pakli niya, "At gusto mo ba na may magreport kay King Vhon ng ginagawa mo ha? Baka maparusahan ako."

The Perfect Weapon [COMPLETED]Where stories live. Discover now