chapter 22

2.1K 83 8
                                    

Reese Elizabeth Cohlsin

"Ano'ng meron?" Tanong ko sa dalawa na nagbubulungan at pagkatapos ay manginginig at maghahampasan.

"May date kayo ngayon, 'noh? Nakapaghanda ka na ba ng susuotin mo?" Balik ni Terry sa akin.

"Ah, date? Niyaya niya lang ako kumain ng hapunan. Mamaya pa naman 'yon."

"Congrats kanina sa game, Reese. Ang galing mo ah." Bati ni Charry sa akin, "Huwag kayo magpapatalo sa boys bukas, ha?"

"Oo nga! Kapag natalo sina Asstiel ay maaasar ko siya ng bongga. Ipahiya mo sila, Reese!" Dagdag ni Terry.

Ang laki ng galit niya kay Castiel.

"Ah, 'yon ba. Kailangang galingan talaga namin bukas dahil nakasalalay ang Final Exam doon."

"Nagpustahan na naman kayo?"

"Maliit na bagay." Nagyayabang na sagot niya, "Kapag natalo sila ay aaminin niya ang mga kasalanan niya sa akin at hindi niya na ako aasarin."

"Paano naman kapag natalo?" Tanong ni Charry.

Umasim naman ang mukha ni Terry, "Hindi ko sasabihin at baka baliktarin ako ni Reese. Hah! Asa naman ang unggoy na 'yon na mananalo sila. Tandaan mo, Reese, nakasalalay ang dangal at puri ko sa laro niyo bukas. Kaya please, ipanalo niyo!"

"Ah, oo. Gagawin namin ang makakaya namin bukas."

"Huwag kang bibigay sa charm ni Vhon bukas, ha? Naku!" Pakli niya.

"Hihi. Tiyak naman na magiging fair si Reese bukas, Terry."

"Walang kaibi-kaibigan bukas. Ang laro ay laro." Wika ko naman.

"Tandaan mo 'yang sinabi mo!" Duro niya sa akin, "Nagpustahan rin kami ng mga kaklase ko, malaki-laki rin ang taya ko sa team ninyo kaya kapag nanalo kayo ay magpa-party tayo sa gubat."

"Nagsusugal ka pala, Terry?" Tanong ko sa kanya.

"Old habits die hard. Haha! Nahilig lang naman ako sa mga ganyan no'ng nasali ako sa mga gangster doon sa amin."

"Ah."

"Sumali nga din siya sa pustahan kung manliligaw ba sa'yo si King Vhon sa loob ng isang buwan, nanalo rin siya. Hihi." Pagsisiwalat naman ni Charry.

"Magkano naman ang nakuha mo?"

"Maliit lang, promise." Sagot niya na may kasamang kurot sa ere, "Kung hindi niyo alam ay maswerte ako sa sugal." Pagyayabang niya, "Three months ago, nagpunta kami ng Casino nina Clarice, Junny at Roy. And guess what? Nanalo ako ng three million sa isang upo lang."

"Wow." Manghang reaksyon ni Charry, "Kung gano'n ay si Castiel lang ang nakapag-game over sa'yo."

"Ah!!! Maldita ka, Charry!"

Naghabulan silang dalawa na parang mga bata.

Ako naman ay tinungo ang banyo upang maglinis ng katawan. Pinagpawisan ako ng kaunti sa paglalaro kanina at ayaw ko na maasiwa si Ashton sa amoy ko kaya kailangang malinis at mabango ako mamaya.

Ano ang susuotin ko? Kailangan ba na naka-makeup ako bago magpunta doon? Dapat ba ay mag-perfume rin ako? Baka dapat ay humingi ako ng tulong kina Terry sa pag-aayos ng sarili ko.

"Bakit masyadong maraming bagay ang pumapasok sa utak ko? Bakit kailangan ko pa ang maghanda? Magkakilala na kami ni Ashton at alam ko naman na kahit simple lang ang suotin ko ay okay lang sa kanya." Napatigil ako sa pagkuskos ng ulo ko, "Paano kung magsawa siya dahil sobrang plain ko? Boring rin ako kasama."

The Perfect Weapon [COMPLETED]Where stories live. Discover now