Chapter 39

8.2K 256 8
                                    

Reese

"Bwesit na bruha 'yon! Ang sarap niyang sabunutan!" Kanina pa nagtatalak si Terry.

Lumabas kami ng cafeteria pagkatapos kaming pagtaasan ng boses ni Ashton. Natakot kasi si Terry sa kanya kaya hinatak ko na siya paalis doon.

"Gutom ka pa ba?" Nakaupo lang ako sa itaas ng puno ng mangga. Umakyat ako upang makasagap ng malinis na hangin at para tumambay na din. Siya naman ay nasa ilalim ko at naupo sa kahoy na upuan.

Nandito kami sa pinagtatambayan namin dati ni Ashton... Noong mga araw na naaalala niya pa ako at kami pa.

"Hindi! Naiinis lang ako!" Dabog niya.

"You're losing your temper, Terry. Try to calm down a bit."

Humiga siya ng nakatihaya at nakatingala sa akin.

"Ikaw kasi eh, bakit binura mo yung alaala ni King Vhon. Tsk. Bwesit na malandi 'yon, makaka-iskor pa tuloy sa boyfriend mo." Nalukot pa lalo ang mukha niya.

Napatingin ako sa kawalan at napaisip.

"Tama naman 'yong ginawa ko."

"Tama? Tanga ka ba? Paano na lang 'yong feelings ni King? Inisip mo man lang ba 'yon bago mo ginawa ang nagawa mo? Hays. Ikaw talaga, manhid ka nga pero sinobrahan mo naman." Mukha naman siyang galit sa akin ngayon. Ako naman yata ang kakalabanin niya.

Nasobrahan ba ako? Hindi naman siguro at hindi din ako tanga, kapakanan niya ang naiisip ko kaya ko 'yon nagawa. Mapoprotektahan siya ng Mafia nina Leonora.

"Ano ba dapat ang ginawa ko?"

"Sana pinaglaban mo siya, Reese. Si King Vhon na 'yon eh. Hays. Mahal na mahal ka kaya nun. Sayang talaga siya kung kay Leonora lang din siya mapupunta. Kung hindi mo binura 'yong alaala niya, siguradong hindi ka niya isusuko."

Alam ko naman 'yon. Magagalit siya sa ginawa ko, panigurado. But things are already done. I'll save my father first, kill Dimitrios and done.

"Babawiin ko naman siya."

"Nasaan ba ang utak mo, Reese? Kahit best friend na kita, parang gusto kitang sabunutan. Naaasar ako at masyadong maaga ang plano mo."

Tumagilid siya ng higa at napabangon kaagad siya.

"Okay ka lang ba?"

Napatayo siya at napaatras.

Ano ba ang nangyayari sa kanya?

"Reese Cohlsin, get down in here." Anang isang tinig na ngayon ko lang narinig.

"Terry, alis diyan." Nang makaalis siya sa ibaba ko ay tumalon ako at hinarap ang tumawag sa aking pangalan.

A clone again? All black and wearing a mask, too obvious that she looks like me. My copycat.

"I have a message for you from your father." Wika niya at humakbang siya papalapit sa amin.

Napahawak sa braso ko si Terry.

"Scared, Missy?" Puna ng clone sa kanya.

"Ang pangit mo." Balik sa kanya ng kaibigan ko.

"Ano ang ginawa niyo kay Papa?"

"Pumunta ka diyan at malalaman mo. You know what, iba ka pala sa personal." Tinanggap ko ang inabot niyang puting papel at kaagad siyang umalis. Umupo ako sa upuang kahoy at binuksan ang maliit na pirasong ito.

Binasa ko ng tahimik ang nakasulat dito at nilukot ko pagkatapos.

"Ano'ng sabi? Pabasa din ako." Terry

The Perfect Weapon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon