Chapter 12

11.6K 377 11
                                    

Castiel Menards


She's dangerously too close to perfection. Her whole body is screaming... Sobrang lakas ng appeal niya. Hindi ko maialis ang mga mata ko sa kanya. Kahit no'ng tanungin siya ng host at sumagot. Ang talino niya! Grabe! nakakabilib talaga si my loves!

"So... The most awaited! Ang tatanghaling Reyna ay isasayaw ng ating napakakisig na hari ngayong gabi na si Mr. Vhon Ashton Black. Sa mga hindi pa nakakaalam, siya ang pinakakinatatakutan at nakasisindak na hari sa kanilang lima na pinagpapantasyahan ng mga kababaihan dito! A-" Nilapitan ni Vhon at pinigil ang host, ang dami pang satsat.

Obvious namang si my loves ang magiging Queen of the night. Ang ganda ganda niya kaya! Ang sexy pa! Para siyang goddess! Parang anghel na galing sa langit! Bagay na bagay talaga kami! Haha!

"Enough with the introduction, they all knew me. Now, who's my Queen?" Gwapong-gwapo talaga si pareng Vhon sa sarili niya. Lamang lang sa akin yun ng isang tulog eh. Haha!

I can feel someone's looking at me, hindi ako nagkakamali ng tumingin ako sa pwesto ni Terry. Huli ka!

Alam ko namang hanggang ngayon ay may feelings pa din siya sa akin. Halos isang taon na din kaming nag-iiwasan. Namimiss ko siya, totoo. Pero kasalanan niya din naman! Sinuntok niya na nga ako, tapos ako pa may kasalanan? Hmp! Bahala siya!

"Just look at how Vhon appreciate Reese's beauty." Tawag sa amin ni Ford.

Nasa anim na upuan ang nandito sa pwesto namin. Lima kasi kaming hari at kasama mamaya dito ang tatanghaling Reyna. Since ako ang third King, pinapagitnaan namin ni Ford na siyang ikalawa, si Vhon sa gitna. Katabi na namin siya mamaya at ang Queen of the night.

"Ano naman ngayon?" Tanong ko ng nakanguso.

"Kanina sa van, tinatanong mo kung may pag-asa ka ba kay Reese. Alam mo na siguro ngayon ang sagot?" Tugon ni Al

"The Queen of the night is no longer than . . Miss... congratulations to... Miss..." Pa-suspense effect pa talaga ang emcee! May kasama pang drumrolls, kinakabahan din tuloy ako!

"Hindi ako magpapatalo! Akin lang si my loves!" Angal ko.

"Ulol. Balikan mo na lang si Terry, obvious namang mahal ka pa nun eh." Rumatsada na ang bunganga ni Mario.

Hindi nga kasi naging kami ng amazona na 'yon! Ang kukulit talaga nila!

"Reese Cohlsin! A round of applause to the King and Queen of the night! Congratulations to the both of you! Next is our traditional dance na pangungunahan ng ating bagong couple!"

Yes! Woohooo! Si my loves ang nanalo! Bagay na bagay sa kanya ang maging Reyna!

Inabot ni Vhon ang kamay niya kay Reese, natawa ako ng tignan lang 'yon ni my loves. Haha. Iwas pahiya si pareng Vhon kaya siya na mismo ang kumuha sa kaliwang kamay nito at bumaba na sila ng stage at nagpunta sa gitna ng dancefloor.

I can see how envious Leonora is feeling right now, parang gusto niya na ngang sabunutan si Reese eh. Inggit din ako. Huhu. Pero okay lang, maisasayaw ko din naman mamaya si my loves ko. Hindi naman ako katulad ni Leonora na halos mag-apoy na sa galit.

Hay. Gayan talaga ang mga spoiled brat. Ayaw na naaagawan ng atensyon, ayaw na nalalamangan.

"I can't help but wonder, kinulam ba tayong lahat ni Reese?" Pukaw ni Al sa amin.

"Sa mukha niyang 'yan? Ang layo, pre." Katwiran ko naman.

"Her aura has it. Ang lakas makahatak. Parang may spell na nakapalibot sa kanya." Sagot ni Ford.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Where stories live. Discover now