Prologue

28.7K 695 13
                                    

*******

Maraming naka hospital gown ang nakapalibot sa dalawang kristal na may nakapaloob na dalawang tao doon. May kanya-kanya silang bitbit na mga kwaderno na animo ay pinag-aaralan ang mga nakapaloob dito.

Isang babae at isang lalaki ang natutulog ng mahimbing sa loob ng malaking kristal na puno ng tubig upang mapanatili ang mga ito sa paglutang. May mga oxygen mask na nakasuporta sa paghinga nito na siya ding nagsusupply ng kanilang pampatulog.

Dumating ang pinuno na siyang utak sa lahat ng eksperimento. Tinignan niya ang dalawang human subject, halos hubo't hubad na ang mga ito liban sa natatakpan ang pang-ibabang pribadong parte. Pareho ding naka-krus ang dalawang kamay na nakatabon sa mga dibdib.

"Ilang taon na din ang lumipas, napakalaki na ng pinagbago nila. Tama ba?" tanong ng nakakatakot na lalaking pinagmamasdan ang pigura ng babaeng subject.

"Yes, Sir. Malapit na ding matapos ang mga tests, malapit nang makompleto ang human weapons natin." sagot ng pinuno sa mga siyentipiko na nandoon.

"Ilang taon pa ba ang hihintayin?" Muli nitong tanong.

"Hindi na magtatagal ang paghihintay natin Sir, sa oras na magising sila ay pwede na silang isalang sa training." Diretsang sagot sa kanya na kanyang ikinagalak.

"Good. My perfect creations will soon be revealed and all of those trash will kneel to me. I will have the most powerful human weapon ever existed in this planet. They will look up to me like a god, they will praise me." Nakangiting wika nito.

"Yes, Sir. They will." Sang-ayon sa kanya ng doktor bago ito
bumalik sa pag-eksamin.

Ilang saglit pa ng may marinig silang mga putukan sa labas ng gusali sanhi ng pagkataranta ng mga tao loob ng laboratoryo. Naalarma na nalaman na ng mga awtoridad ang kasamaang ginagawa nila.

"Secure a way out for us." utos niya sa ilang tauhan na nakapalibot sa kanya, kapagdaka ay, "Wake them up, now!" Sigaw niya sa mga doktor na nagkakagulo na at nililigpit ang mga papeles na nagkalat.

May pumindot ng pulang button na kasunod ay ang pag-alingawngaw ng malakas na tunog sa buong pasilidad. Ilang segundo lang gumalaw ang dalawang human subjects at halos pareho ang mga itong hindi mapakali. Parang gustong magwala ng mga ito, parang naguguluhan sa paligid.

Nagtataka ang pinuno ng hindi bumababa ang lebel ng tubig sa mga kapsula, hindi din ito nagbubukas.

Nagkukumahog ang mga masasamang tao na yumuko habang nakahawak sa kani-kanilang ulo nang mapalibutan sila ng mga armadong kawani ng kapulisan at nakatutok ang lahat ng mga armas sa direksyon nila.

"Lahat kayo! Itaas ang mga kamay niyo at huwag niyo nang subukang manlaban pa! Inaaresto namin kayo!" pagkatapos nun ay tinutukan siya ng baril ng head doctor, tinanggal nito ang mask. "You will spend the rest of your life in jail, Sir."

"Traidor ka?!" hindi makapaniwalang bulalas nito sa inakalang kakampi.

"Wala kayong pwedeng sabihin, anumang sasabihin ninyo ay pwedeng gamitin laban sa inyo. Karapatan niyo ang ipagtanggol ang inyong sarili, pwede kayong kumuha ng sarili niyong abogado at kung wala kang mahanap ay ang ahensya mismo ang magbibigay no'n sa inyo." Litanya nito habang kinakabit ang posas sa mga kamay niya.

Matapos ang pagposas ay saka dinampot ng mga kasamahan ni agent Cohlsin si Dimitrios Kaida.

Nilapitan niya ang dalawang kristal at may pinagpipindot sa keypodlock, unti-unting bumaba ang lebel ng tubig hanggang sa maubos na iyon. Sumunod naman niyang binuksan ang mga kapsula at natumba ang dalawang nilalang na kanyang nasalo pareho sa magkabilang braso.

Hinubad niya ang kanyang hospital gown at isinuot iyon sa babae upang maitago ang maselang parte ng katawan nito. Ang lalaki naman ay pinasuot ng jacket ng isa niyang kasamahan.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Där berättelser lever. Upptäck nu