Chapter 15

11.8K 381 16
                                    

Reese Elizabeth Cohlsin


"Death! Death!

Wala pang hudyat mula kay Therese ay nagtakbuhan na ang ilang survivors sa direksyon ko. Wala na akong nagawa kundi tumakbo papasalubong sa kanila upang subukan silang protektahan mula sa mga atake ng kampo ni Leonora.

Ligtas naman silang nakalabas ng arena kaya ako ang naiwan laban kay Leonora at sa lima niyang alipores.

"Death! Death! Death!"

"Ohoo! The real and final show has begun, students! Who do you think will make it out alive tonight?! Si Leonora Addis ba o ang ating Queen of the Night?"

Lumiit ng ilang metro ang arena at naging sarado ng tuluyan. Ibig sabihin ay walang makakalabas o makakapasok.

May mga naririnig ako na sigaw mula sa mga kalalakihan na gustong ipatigil ang laro. Rinig ko rin ang boses nina Terry at Charry na tinatawag ang pangalan ko. Hindi naman nagpapaawat si Aidan na pilit sinisita ang nakababata niyang kapatid nang magtigil ito.

"Death! Death! Death!"

Hinubad ko ang suot na sandals na nasa 1 inch lang ang takong. Kailangan ko nang magseryoso dahil walang puso at kaluluwa ang makakalaban ko.

"Naku! Mukhang magsasaya tayo, Miss Queen of the Night!" sigaw ng may hawak na palakol, "Say... would you like the easy way... or the hard way?"

"Saktan niyo ng todo 'yan. I want her to realize what mistake she's done for flirting with Vhon." wika naman ni Leonora, "But I will be the one to kill her." dugtong niya.

Binitawan ko ang mga hawak ko na katana at tumayo ng normal. Madali lang silang patumbahin pero napapaisip ako kung bubuhayin ko ba ang may hawak ng palakol. Hindi pwedeng patayin ko si Leonora. Ang mga mababang alipores niya naman ay patutulugin ko lang kaagad.

"Death! Death! Death!"

Kinakalampag na ng mga manonood ang mga barrier. Hindi na sila makapaghintay sa mga mangyayari.

Pumikit ako ng dalawang segundo at pagmulat ng mga mata ko ay tiyak ko na iba na ang kulay ng mga ito. Hinilot ko rin ang aking leeg.

Clenched my fists to the level of force that I will blow to each of them.

"Sugod na." usal ko na mabilis tinalima ng tatlong nasa harapan ni Leonora.

"Woaahhh! Death! Death! Death!"

"Kill her! Kill them! Kill her! Kill them!"

Tumakbo ako papasugod sa direksyon nila. Naghiwalay silang tatlo kaya nakakita ako ng pagkakataon upang madaliin ang pagpapatulog sa kanila. Uunahin ko ang nasa gitna na may hawak ng baseball bat, mukhang nabibigatan siya kaya tutulungan ko siya na pagaanin ang pinasapasan niya. Sa paglandas ng baseball bat ay yumuko ako at sinuntok siya sa tiyan dahilan upang tumalsik siya ng ilang metro. Natalsikan pa ako ng lawas na may bahid ng dugo na nagmula sa bibig niya.

Lumiyad ako at hinuli ang kanang kamay na may hawak ng kadena na ginawang pang-atake ng pangalawa sa kanan. Hinuli ko rin siya sa leeg niya at iniuntog ang ulo niya sa ulo ko, dahilan upang mawalan siya ng ulirat. Binitiwan ko siya kaagad nang inatake ako ng pangatlo.

Napaatras ako nang muntik niyang masugatan ang braso ko.

Hindi ako pwedeng masugatan.

"Kill her1 kill her! Kill her!"

Napaliyad ako at napayuko sa mga sunod niyang atake. May kaunting karanasan ang isang 'to sa paghawak ng katana.

"Stop this!"

The Perfect Weapon [COMPLETED]Where stories live. Discover now