Chapter 41

8.5K 281 3
                                    

Terry

Ang swerte naman ni Charry, magiging Mommy na siya in seven months time. Tanggap siya ng buong pamilya ni Ford at alam na din ng buong Academy ang sitwasyon niya. Liban na lang sa pamilya niya na hindi na yata siya magawang patawarin pa ulit. Ang sama ng mga 'yon.

Si Reese, ligtas na ang pamilya at nadagdagan pa sila ng isa- si Pierre. 'Yong clone niya na sobrang hyper, akala mo naman pinaglihi sa joker. Nakakatakot nga lang kapag nagtataray, parang si Reese pero in a light way.

Hays. Ako? Heto, lonely pa din. Single and waiting to be taken by him. Wala eh, hayop ang unggoy na 'yon at hanggang ngayon ay hindi pa din ako nililigawan. Walangya! Alangang ako naman ang poporma? Ako ang babae sa amin pero parang siya pa 'yong pakipot! Naghihintay na lang talaga ko sa kanya. Tsk.

"Anyare, sis? Para kang nalugi sa sabong ng manok ah." Pierre

Dito siya nakatira sa dorm namin, share sila ng kama ni Reese. Mautak talaga si Reese at kapag tinatamad siyang pumasok ay si Pierre ang pinapa-attend niya ng klase.

"Si Castiel kasi eh, wala pa ding paramdam sa akin."

Trip ko 'to eh, hindi kj kausap. Nakikisabay pa sa joke namin ni Charry.

"Sira ka, edi ikaw ang manligaw sa kanya." Halos dagukan niya na ako.

Itulad daw ba ako sa ginagawa niya kay Alejandro? Grabe 'tong babaeng ito. Makasabi eh, parang wala lang sa kanya ang ginagawa niya.

"Guys, nagugutom ako." Reklamo ni Charry na nakahiga sa mahabang couch. Himas himas niya pa 'yong tiyan niya na wala pa namang umbok, two months pa lang naman eh.

"Lalabas ako sandali, gusto mo bang bilhan kita ng pagkain?" Reese

"Ang hilig mong lumabas, parang ayaw na kitang payagan. Kung saan ka nakakapunta kapag nalabas ka na dito." Gosh! Napaka-adventurous niya naman kasi, kahit saan siya napunta ay lagi na lang siyang napapasabak. Pinatapon niya pa nga ang pamilya niya sa malayong lugar eh, pinutol niya din ang komunikasyon sa kanila. For safety and security purposes daw.

"Sa cafeteria lang ako, kakausapin ko din sina Alejandro."

Biglang kuminang ang mga mata ng katabi niya. Isang buwan pa lang 'yang nakikitira dito pero daig pa ang at may-ari kung umasta. Super gaan pa niyang kasama, parang walang problema sa buhay.

"Sasama ako!" Pakli niya.

"Ano ka? Baka may makaalam sa sekreto niyo at mapalabas kayo ng Academy." Kontra ko sa kanya.

Sumimangot kaagad siya at humalukipkip.

"Naman eh, papuntahin mo na lang sila dito. Sige na, sis?" Humahaba pa ang nguso niya.

"Huwag na nga! Lumabas ka na, Reese. Iiskor pa ang isang 'to eh." May party pa ngayong gabi at kailangan naming magplano ng wala dito ang main target namin. Hahaha!

Birthday ni Edu eh, uulan ng lollipop mamaya! Yes! Paniguradong imported pa ang mga 'yon. Haha!

"Naman eh. Miss ko na si Alejandro." Reklamo niya.

Pinandilatan ko siya at tumahimik naman siya kaagad.

"Saglit lang naman ako." Reese

Lumabas na siya ng pinto at binatukan ko naman kaagad si Pierre. Tumawa si Charry sa ginawa ko habang siya naman ay banas na tinignan lang ako.

"Bakit mo ginawa 'yon?" Nagtatakang tanong niya.

"May plano kasi kami, sisirain mo pa eh. Haha." Charry

"Kaya nga! Naku! Ipapahamak mo pa ang operation namin mamayang gabi eh." Dagdag ko.

"Kasalanan ko ba eh, hindi niyo din ako in-timbrehan?" Balik niya.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Where stories live. Discover now