Chapter 18

11.7K 424 24
                                    

GUYS. I FEEL SO BAD FOR CHANGING THIS CHAPTER!

***

Vhon Ashton Black

Ano'ng kamalasan ba ang dumapo sa akin ngayong araw at nagkanda-letse letse na ang lahat?! Badtrip na nga ako dahil natagalan na bago ko siya nakuha kay Aidan, dagdagan pa na may mga nakalaban kami, naputol ang kaliwang kamay niya at tumubo ulit. Pagkatapos ay ito na naman?!

"Reese? Wake up! Hey! Hey!" Ilang segundo pa na tinampal ang mukha niya pero wala talagang epekto. Tulog na talaga siya ng tuluyan!

"Sir?! Ma'am Reese?!"

"Magpatawag ka ng doktor!" Malakas na sigaw ko kay Nico saka binuhat si Reese, "Shit!"

Ang sakit na nga ng katawan ko, dinagdagan pa na papasanin ko ang babaeng ito. Hindi ko naman siya pwedeng pabayaan dahil nasa puder ko siya ng may mangyari kanina.

Lakad takbo ang ginawa ko kahit tirik na tirik ang araw at kinakapos na rin ako ng hangin. Kung hindi lang sana nakatakbo sila Thunder at Lincoln ay nakauwi na kami kaagad!

"Ah. Thank god wala rin sina Mom at Dad ngayon."

Napakamalas ng araw na ito!

Simula nang umalis ako ng bahay ay puro kamalasan ang nangyayari sa akin.

Napapikit ako ng maalala ang sinabi niya kanina. Siguro nga ay lagi siyang minamalas pero hindi niya alam kung ano ang mga positibong epekto niya sa pagdating sa Academy. She made a big change.

Ni halos wala akong ideya kung sino siya pero iisa lang ang natitiyak ko. She's a trouble magnet. At kailangan ko siyang protektahan sa kahit sino.

Sa sobrang pagod ay napaluhod ako nang makarating kami sa bakod na gawa sa bahay. Ilang minuto na lang sana ay nakakarating na kami sa bahay pero halos hindi ko na maigalaw ang mga paa ko.

"Kuya? What happened?!"

"Ah, Vhien Aries!" Tawag ko sa pangalan ng kapatid ko, "Help me take her to the mansion! She badly needs to see a doctor!"

"Okay. Okay!" Isinakay niya si Reese sa kalesa saka niya ako tinulungan na makatayo at makaakyat.

"Bilisan mo!"

Sinipat ko ang noo ni Reese at halos mapaso ako sa temperatura niya. Pagtingin ko sa wristwatch niya ay nasa forty-one degrees na ang body temperature niya. And her heartbeat is not normal anymore.

"Ano ba ang nangyari, kuya?" Pati si Vhien ay natataranta na.

"I don't have a fucking idea!" Dinukot ko sa bulsa ng pagtalon ko ang cellphone, balak ko sana itong ibigay sa kanya sa pag-uwi namin kaso minalas!

Should I call her parents? Kilala ko ang mga magulang niya pero hindi ako sigurado kung ano ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila ang nangyari sa anak nila. And to think na ako pa ang kasama niya ng magkaganito siya.

"Dalhin na lang natin siya sa ospital--"

"No! She'll rest at the mansion and nowhere else!"

The Perfect Weapon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon