Chapter 36

8.7K 273 15
                                    

Reese

Gabi na kayanaligo ulit ako at nag-ayos. Nagsuot ako ng itim na long sleeve at itim ding pantalon. Ginamit ko ang boots na may three-inch high heels. Pinapusod ko ang buhok ko kay Reed ng mataas.

Ito na ang oras para umalis ako at puntahan ang lugar na pinagdalhan kay Papa. Magaling sina Jomarie at Alejandro, mabilis nilang na-activate ang nakapatay na tracking device sa wristwatch niya.

"Sasama ako."

"Huwag na, ako na lang. Kailangan ka nina Mama dito." Tutol ko, "Hindi ka pa magaling, Reed. Sa susunod na may gawin akong ganito, isasama na kita."

"Baka mapahamak ka dun."

"Kapag sinabi ko, huwag ka ng kumontra." Tinitigan ko siya sa mga nata at sinalubong niya naman ang mga titig ko.

His eyes turned grey.

"You can't even control your ability, Reed. Look at your eyes here." Inaharap ko siya sa salamin at doon niya nakita ang tinutukoy ko.

Kumurap siya ng ilang beses at saka lang bumalik sa normal ang kulay ng kanyang mga mata.

"You are not affected by it, aren't you?"

"Ng ano?" Balik ko sa kanya.

"That sleeping persona inside you."

Hinarap niya ako na naghihintay sa aking isasagot.

"Hindi ako sigurado, Reed. Kapag ba dumating ako sa punto na mawala ako sa katinuan, ano'ng gagawin mo?"

"I'll kill you." Tumango ako sa kanyang isinagot, "It will be my last resort if I don't find any solution to stop you."

"Ang kinakatakutan nina Mama ay ang umabot tayo sa sukdulan. Ang mawalan ng kontrol sa sarili at pumaibabaw ang bugso ng ating damdamin."

"Ano ang ibig mong sabihin?" Naguguluhan niyang tanong

"We have the monster inside of us. Sabi pa nga natin dati, halimaw na natutulog. Pero tayo pa din ang nasa loob natin, Reed. Huwag lang tayong makaramdam ng sobrang sakit na halos madama na natin ang pagsikip ng dibdib at pagbugso ng kakaibang pakiramdam na kung maitatawag ng mga normal na tao ay galit."

"Paano mo naman nasabi 'yan?"

"I'm studying in a real school, talked to other people and​ experienced passing out. Meron akong natutuhan sa paglabas ko dito sa bahay at marami ding mga magagandang bagay na natuklasan. Nahimatay ako ng dalawang beses, Reed. Yung unang beses, dahil na-overload ang nararamdaman ko sa loob. Hindi ko alam kung paano kontrolin 'yon."

"At ang pangalawa?"

"I can define it, it was so overwhelming. I feel sorry and pitiful for the two of us, at naisip ko na siguro, dahil sa sobrang galit at pagkamuhi sa mga pinagdaanan natin na siyang pinagmulan ng lahat ng ito. Walang ama ang kayang gawin ang ganung kasama na bagay sa mga anak niya. At kung gugustuhin natin, makakaramdam tayo. Kailangan lang nating kilalanin at bigyan ng pangalan ang ating nadarama. Gustong gusto ko nang makaramdam Reed, pero hindi ko alam kung saan ko sisimulan." Niyakap niya ako at hinagod ang buhok ko.

"Maybe, we just need time. For fifteen years, nasa loob lang tayo ng kulungan na iyon. We haven't gone through what normal people do. Have patience, Reese."

Pagkatapos naming mag-usap ay bumaba na kami sa sala at naabutan namin ang lahat na nag-uusap ng masinsinan. Dito na din muna matutulog ang mga kaibigan ko upang makasiguro ako na wala ng susugod pa o magtatangka na manakit kina Mama.

"Aalis na ako."

Napatayo ang mga lalaki at lumapit silang lahat sa akin. Nakabihis din sila at mukhang may pupuntahan pa.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Where stories live. Discover now