Chapter 44

73.7K 967 24
                                    

Maraming maraming salamat para sainyo na nakakaabot dito. Thanks for the reads, votes and comments! Thank you so much! 

Enjoy!

~~

Julia's POV


"I'll leave you alone okay?" Sabi ni master.

"Wag... dito ka lang." Sabi ko sakaniya tapos hinila ko yung laylayan ng damit niya

"Sshh, you'll be okay. Try to understand them baby, be strong." Tanging sabi niya tapos hinalikan niya ako sa noo na kahit papaano ay nakabawas ng kaba ko.

Hindi na ako magtataka kung pagkatapos ng mga nalaman ko ay pupuntahan ako ni MJ. Pero si Sehun? anong ginagawa niya dito?

"Juls..." Pagsisimula ni Mj.

"Alam ko na ang lahat." Pagputol ko sakaniya. Ayoko nang marinig nang paulit-ulit. Masakit padin eh.

"Alam ko na... na hindi ako ang totoong anak ni mama. Na anak ako ni papa sa labas. Na kuya din kita. Alam ko na." Sabi ko nang ngitian ako nang pilit ni Mj.


"Hindi pa Juls... hindi pa."

Ano? Ano pa ba ang hindi ko alam?

Biglang lumapit sa akin si Sehun at hinimas yung sa may bandang tenga ko at isang tao lang ang gumagawa sa akin nun.

"Kalma Juljul ako to oh! si Hunhun!"

Napatitig ako nang matagal sakaniya at tila ba ninanamnam ang bawat ala-ala ko.

"Ikaw si Hunhun? Bakit naman ngayon mo lang sinabi sa akin!" Sabi ko sakaniya sabay yakap sakanya.

Si Hunhun ay isang kababata ko. Siya yung palaging nagtatanggol sa akin kapag may umaaway sa akin noon sa probinsiya. Kumbaga siya ang superman version nang buhay ko.

Kaya pala pamilyar ang mga mata niya. Noon kasi ay mata niya ang pinaka paborito kong titigan.

"P-pero bakit ka nandito? Bakit ngayon ka lang nagpakilala?" Tanong ko sakaniya.

"Ayaw mo ba ako makita?" Taka naman niyang tanong at agad akong umiling. "Hindi naman sa ganun." Sabi ko sakaniya, mula sa pagkakangiti ay biglang sumeryoso yung mukha niya. Tumingin ito sa kawalan na tila may binabalikang ala-ala.

"Noong bata pa ako, palagi kaming dinadalaw ni papa. Ang saya namin nun. Hanggang sa isang araw, birthday ko nun pero hindi makakapunta si papa kasi sabi niya may trabaho siya. Kaya ayun nagtampo ako sakanya." Biglang kwento niya. Naguluhan naman ako sakaniya kasi bakit niya biglang sinasabi ang mga ito?

"Kaya ang ginawa ko ay sumakay ako sa kotse ni papa at nagtago dun. Paggising ko nasa ibang lugar na kami. Nakita ko dun ang isang pamilya. Hinalikan ni papa yung babaeng may karga na baby at yung mga bata. Kaya nagalit ako kay papa nun. Kahit na bata pa man ako, alam ko na mga ganoong bagay. Inisip ko na baka kamag-anak lang namin yon. Pero hindi eh, iba yung pakiramdam ko. Lalo na nung makita ako nung batang babae." Dagdag pa niya.

Ano bang gusto niyang sabihin? Kahit anong gawin kong pagiintindi sa kinekwento niya. Hindi ko talaga maintindihan ang pinaparating niya.

"Tatlong araw mula noon ay lumipat kami malapit doon. Para daw mas malapit ang bahay sa work ni papa. Tuwing aalis si papa palagi ko siyang sinusundan, at palagi ko siyang nakikitang pumupunta dun. Kaya napag-isipan kong kaibiganin yung batang babae. Babaeng naging kaibigan ko. Babaeng palagi kong kasama sa mga kalokohan ko."

His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon