Chapter30: Friends?

206 7 1
                                    


KINABUKASAN.........







Kasalukuyan akong nagbibihis sa kwarto ko. Napag-usapan kasi namin ni Laice na bisitahin ang puntod ni Candice. Linggo na rin kasi ang lumipas kaya naisipan naming bisitahin siya.



"Baby, are you done? " nagulat ako ng biglang may kumatok at narinig kung magsalita si Laice.



Kinuha ko ang bag ko tapos nagmadaling binuksan ang pinto. Nagulat pa ako ng madulas ako ng apakan ko ang door mat at napayakap ako kay Laice. Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang pagtawa niya sa tainga ko at tyaka niya ako niyakap ng mahigpit.



"You miss me that much, I love you " malambing niyang sabi. Halos magsitaasan ang balahibo ko sa paraan ng pag bulong niya.  Parang nangaakit na ewan . I blushed.



"Hey! Love birds! " napakalas ako ng marinig kung magsalita si kuya Max. Nakatayo siya sa harap namin at naka poker face then I realized na naka harang pala kami sa daan.



"Sorry kuya !" sabi ko sabay ngiti ng pilit. Bumuntong hininga si kuya tapos ginulo ang buhok ko at tinapik ang balikat ni Laice.



"Ingat kayo! Ingatan mo ang kapatid ko ha! " sabi ni kuya kay Laice. Nag salute si Laice kay kuya tapos ngumiti.



"Makakaasa ka Captain ! " tumango si kuya tapos ngumiti rin.



"Good" at naglakad na si kuya papunta sa kwarto niya at pumasok. Matutulog siguro dahil may practice pa sila mamaya ng basketball at kakauwi niya lang galing University.



"Let's go? " sabi ni Laice tapos pinagsiklop yung mga kamay namin. Tumango ako at palihim na kinagat ang labi ko para hindi ko mailabas ang abot langit kung ngiti dahil sa kilig. At hindi ko rin maintindihan kung ano ang nangyayari sa tyan ko dahil pakiramdam ko nagwawala ang mga alaga ko.



Kahit nasa byahe kami ay hindi parin binibitiwan ni Laice ang mga kamay ko. Panay ang tingin niya saakin at hindi mawala wala ang abot langit niyang ngiti. Tumibok na naman ng mabilis ang puso ko. Hindi ko sinusuklian ang mga titig niya dahil pakiramdam ko matutunaw ako sa lalim ng tingin niya. Wala kang makitang lungkot sa mga mata niya bakas dito ang nag uumapaw niyang saya. Para kang naghintay sa isang bagay at tagumpay mo itong nakuha. Kung pwede lang tumalon ngayon dahil sa sobrang saya ay matagal ko ng ginawa.



Makalipas ang ilang minuto ay nanatili kaming tahimik. Panay parin ang tingin niya saakin tapos minsan tumatawa pa kapag nakikita niyang namumula ang pisngi ko. This  guy is really annoying. Ang lakas mang-asar alam naman niyang naiilang pa ako pero wala siyang ibang ginawa kundi asarin ako.



"Laice, stop Laughing! " sabi ko sabay takip ng mukha ko gamit ang isang kamay ko dahil ang isa ay hawak niya parin.



"Hmmm.... Titigil ako but say 'I love you, baby ' first " sabi niya sabay tawa. Mas lalo lang tuloy akong namula.



"Laice stop !" Sabi ko sabay hampas sa braso ko.



"Say it first! " seryosong utos niya pero may halong tawa parin. Umirap ako tapos sinamaan siya ng tingin. Kakaiba rin pala siya mag lambing eh noh?.



"Pleaseee, baby say it " parang batang sabi niya. Naka pout pa siya at diretsong naka tingin sa daan.



Tumikhim muna ako bago nagsalita.



"Okay fine! " sabi ko sabay tingin ng masama sa kanya.



Tumikhim ulit ako.



In the name of loveWhere stories live. Discover now