Chapter22: Confession

204 5 0
                                    

"Selfish!! "

Halos manginig ang buong katawan ko dahil sa halo-halong emosyon. Hindi ko alam kung paano kami napunta ni Laice sa labas ng University basta ang huli kung naalala ay sinampal ko siya at hinila kung saan.

"What? "

Patuloy sa pagtulo ang luha ko. Ang sakit.... Sobra. Matagal akong nagtiis sa lahat ng sakit na nakuha ko mula sa pagmamahal ko kay Jaice pero dapat Hindi ko iyon naranasan kung hindi lang sana pinipigilan ni Jaice ang nararamdaman niya.

"You're selfish Laice! Ang sakit! Bakit mo 'yon ginawa? "

Biglang kumunot ang noo niya. Ramdam ko na gustong-gusto niya akong lapitan para yakapin at punasan ang luha ko dahil hindi magawang tumigil ng luha ko.

Napahawak si Laice sa pisngi niya. Alam kung masakit 'yon dahil kita ko pa ang pamumula nito na kahit ang pamumula ng mga mapupungay niyang mga mata ay hindi nakatakas saakin

"What--are you talking about, Athyla? "

Parang gusto kung matawa sa sinabi niya. Really? You have no idea....

Hindi ko napigilan ang sarili ko na sampalin siya sa pangalawang pagkakataon.

"You're selfish! Hindi mo inisip ang mararamdaman ko! Sinaktan mo kami ng sobra ni Jaice! "

Hindi siya nakapagsalita. Kita ko ang pagtaas baba ng adams apple niya na tila ba na gi-guilty

Laice bakit?.....kasama kita sa lahat ng oras. Lagi mo akong dinadamayan. Saksi ka sa lahat ng sakit na naramdaman ko noon. Alam mo ang lahat pero kahit isang araw ba naisip mo na ng dahil saiyo kaya ako lubos na nasasaktan. At ikaw din ang magiging dahilan kung paano ako magiging masaya.

Sawang sawa na ako makipaglaban sa nararamdaman ko. Oo, May feelings pa ako kay Jaice. Pero alam mo kung ano 'yong masakit?... Yung naguumpisa ng maglaho ang nararamdaman mo sa isang taong akala mo'y walang pakielam sa'yo.

Masakit na malaman mo na ang taong nasa harap mo ay siyang sumira sa matagal mo ng hinihiling na dapat ay matagal na palang naging sa'yo.

Lalo ng ma - realize ko na ang nararamdaman ko kay Jaice noon ay walang Panama sa lalim ng nararamdaman ko sa taong kaharap ko ngayon.

Wala ba talaga akong karapatang maging masaya. Do I deserve to be happy?.

"Athyla....... " tumulo ang luha ko ng marinig ang pangalan ko mula sa kanya. Sobrang nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha.

"Laice bakit? ... May ginawa ba ako sa'yong masama para gawin mo 'yon saakin? "

Diretso lang ang tingin niya saakin. Hindi niya magawang magsalita. Mas lalo lang lumalalim ang nararamdaman kung inis at sakit dahil sa pananahimik niya.

"Say something! I'm now begging for your fuckin' reason! " hindi ko maiwasang hindi sumigaw. kailangan ko iyon dahil sa simpleng pagtitig niya lang sa mata ko ay maaari na akong bumigay.

"You're mad so you can't understand me " tanging nasagot niya. Hindi ako makapaniwala. I was waiting that he will deny, na may maganda siyang rason na maaari kung maintindihan pero mas lalo niya lang pinatunayan saakin ang ginawa niya dahil walang bakas ng pagsisisi sa mukha niya.

He's a piece of shit!. I hate playing.... I fuckin' hate him.

"Please! "

Yumuko si Laice tapos hinawakan ang dalawa kung kamay. Kasunod ng sunod-sunod na pagdampi ng ulan sa aming mga balat. Tumingala ako at inisip na lang na dinadamayan ako ng panahon.

" my feelings for you started when I was 13... I have a huge crush of you... Akala ko mawawala iyon kapag pumunta na ako ng New York. pero hanggang sa bumalik ako ay hindi 'yon nawala. Litong-lito ako Athyla! Tinago ko ang nararamdaman ko para saiyo dahil hindi ako siguro. "

In the name of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon