Chapter 14: Baby

211 8 0
                                    

"Breath! damnit"

"Athyla! Breath! "

Unti-unting minulat ko ang aking mga mata. pakiramdam ko nasa langit na ako kasi ang liwanag sa kinaroroonan ko. isama mo pa ang dalawang anghel na nasa harapan ko. bigla akong niyakap ng isa at duon ko naramdaman ang kakaibang likido na dumadaloy sa katawan ko at kasabay noon ang pagbulwak ng tubig saaking bibig.

"Sh!t" nakuha ko pang magmura kahit na hirap akong magsalita dahil nauubo na ako. umupo ako at duon ko lang naalala lahat ng nangyari kanina. nakatitig lang sila Laice at Jaice saakin. basang basa sila tapos hindi pa maipinta ang mga mukha; mukhang nagsuntukan pa ito at nagbangayan bago nila ako inahon.

Napasinghap ako ng makitang naka Jersey pa si Laice. kahit sapatos niya ay hindi pa niya nahuhubad na basang basa ngayon. At ang mas nakakaguilty dahil alam kung galing pa siyang laro at makakasama sa kanya dahil basang basa siya.

Samantalang naka swimming attire naman si Jaice na mukhang gagamitin niya itong pool at nagkataon na nakita niya ako dito.

Ang tanong sinong nagligtas saakin?.

"Who saved me? " tanong ko sa dalawa na nakatingin lang saakin. tumayo ako tapos hinahampas yung dibdib ko dahil patuloy parin ako sa pag-ubo.

Lumapit saakin si Laice sabay turo kay Jaice.

"Jaice " tipid na sagot niya sabay tapik sa balikat ni Jaice. nakita ko ang pagtataka sa mga mata ni Jaice na tila ba nagulat sa sinagot ni Laice. maging ako ay nararamdan na hindi si Jaice ang nagligtas saakin. Pero kahit gano'n ay nagpasalamat parin ako.

"Thank you, Ja-ice " nahihirapan pa akong  banggitin ang pangalan niya dahil pakiramdam ko hindi talaga siya. Niyakap ko si Jaice bilang pasasalamat. niyakap niya ako pabalik. ang sarap sa pakiramdam dahil hindi ko akalain na nagagawa ko na ito kay Jaice. Nakita ko ang pagbuntong hininga ni Laice at mabilis na pagyuko niya. lumapit siya saakin tapos ginulo ang buhok ko kahit nakayakap pa ako kay Jaice tapos bigla siyang naglakad paalis.

"laice! " tawag ko pagkakalas sa yakap ni Jaice. wala pa ring pinagbago si Jaice ang tahimik niya pa rin. ngiti at pagtango lang ang nakuha ko sa kanya.

"Saan ka pupunta? " lumapit ako sa kanya. halata na nilalamig na siya.

"Locker" tipid na sagot niya at tyaka tinalikuran ako. narinig ko pa ang mga malulutong na mura niya. ano na namang problema niya?.

Nanatili akong nakatayo habang pinagmamasadan ang likod ni Laice. Grey 25 ang nakalagay sa Jersey niya. kung iisipin mo kung anong meron sa 25 ayaw kung mag assume pero yan ang date ng birthday ko at ang araw ng muli naming pagkikita noong bata kami but I think it just a coincidence sadyang assuming lang ako.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng maramdaman ko ang pag-angat ko at nakitang buhat buhat na ako ni Jaice. Bridal style. ramdam ko ang titig niya saakin. kakaiba. punong-puno ng emosyon.

"Jaice, ibaba mo ako " pagpupumiglas ko pero humalakhak lang siya.

"Ayaw ko " tapos inangat niya ako kaya napakapit ako sa leeg niya. nakita ko naman ang pag ngisi niya. Syet! bagay na bagay talaga yung braces niya sa kanya. bigla akong may naalala.

"Athyla, look at him ang panget niyang ngumiti " sinamaan ko ng tingin si Laice na pinagmamasdan si Jaice na may kausap na ibang babae.

" Ano na namang problema mo kay Jaice ? " sabi ko sabay irap. tumawa siya. Eh?

In the name of loveWhere stories live. Discover now