Chapter 5: Guitar lesson

273 8 0
                                    


Kinagabihan ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Wala sila kuya at Chesca nasa School pa siguro. Si mama lang andito tahimik na nanonood ng Tv sa sala. hindi ko na inabala yung pag-iyak ni mama dahil sa drama na pinapanood niya.

Hindi matangal yung ngiti ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na inimbitahan ako ni Jaice sa birthday niya na gaganapin na next week at sa mismong bahay pa niya!.  I'm so excited na!. pakiramdam ko hindi ako makakatulog sa sobrang tuwa tapos hinawakan niya pa yung kamay ko. Grabee!! nakakakilig talaga siyaaa!.

Agad akong nag dive sa kama ko. binuksan ko yung laptop ko para makapag log in sa Facebook tapos chinat sila Cassy, Jasmine, Sarah, and Dana.  Minsan sila ang kasama ko kapag wala si Laice. sila lang kasi yung mga kaibigan ko na totoo. hindi katulad ng ibang babae sa University na nakikipag kaibigan lang saakin para mapalapit sa mga kuya ko lalo na kay Laice.

Pagbukas ko ay mukha agad ni Laice ang nakita ko. naka upo siya kasama sila kuya tapos naka shades pa. lahat sila ay naka gray shirt tapos naka side view. syempre marami na agad likes, comments and shares. hmmp! hindi ko na babasahin dahil alam ko naman na puro

'OMG! ang Hot! "

'Ang gwapo ni Max '

' Granger's Brothers 😍😘'

' Laice Grey is mine '

  Wag na lang! kung si Jaice yan malamang babasahin ko pa yung mga comments hanggang dulo tapos Pupusuan ko pa diba?. pero pagdating kanila kuya at Laice kung hindi scroll down angry ang react ko.

Kinuha ko yung bag ko para tingnan yung invitation na binigay saakin ni Jaice. napapa isip tuloy ako kung ano ang ireregalo ko sa kanya? Anong susuutin ko? Dapat maganda ako para mapansin niya ako agad dahil sigurado ako na maraming magagandang babae siyang inimbitahan. hindi ako papatalbog noh! Chance ko na yun eh sasayangin ko pa ba?.

September 22 ...

6:00 pm

Taray! Mukhang masaya ito. 19 na pala siya parehas sila ni  Cassy tapos kami ni Laice mag na- nineteen pa lang.

"Athyla? " nilapag ko muna yung invitation card sa higaan para pagbuksan si papa na kumakatok sa pinto.

"Bakit pa? " bungad ko kay papa pagkabukas ko ng pinto. Dumungaw sa baba si papa.

"Hinahanap ka ni Laice" lumabas ako ng kwarto para makita si laice na nakaupo sa sofa habang kinakausap si Chesca. tumango ako kay papa.

"Sige po pa Goodnight " paalam ko.

"Goodnight Athyla " sagot ni papa bago pumasok sa kwarto nila ni mama para magpahinga na.

Sinamaan ko ng tingin si Laice bago sinenyasan na umakyat at pumunta sa kwarto ko. kailangan ko siyang bugbugin dahil kinikilig ako hahah! gusto ko ikwento sakanya yung nangyari kanina.

Umupo ako sa kama ko tapos kinuha yung invitation card para iabot sa kanya. Umupo siya sa tabi ko.

"Inimbitahan ka rin ba niya? " tanong ko habang binabasa niya yung invatation.

"Nope! " ani Laice.

Kumunot yung noo ko " bakit? " ang weird ah bakit hindi siya inimbitahan?. Sila kuya kaya invited din kaya?.

" I don't know " sagot niya then pout pero naka tingin pa rin sa invitation card.

"September 22?" napatingin ako sa kanya ng magtanong siya. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit? " takang tanong ko dahil hindi na maipinta yung mukha niya.

Binalik niya saakin yung invitation card tapos tumayo na.

In the name of loveWhere stories live. Discover now