Chapter 7 : Bestfriend

234 8 0
                                    

Bakit kaya ang boring ng story ko?. Bakit kaya ang suplado ni Jaice kay Athyla?. Bakit galit si Laice kay Athyla?. Bakit pinagtutulakan ni Laice si Athyla na pumunta sa Party ni Jaice? Bakit niyaya ni Jaice si Athyla?.
Hahahahahah!!  bakit kaya?.

Kung pangit po ang story at ayaw niyo  wag niyo na lang basahin. :)

**************

Pumasok ako sa loob ng bahay ni laice. hinatid lang ako nila kuya dito dahil may lakad pa daw sila. naabutan ko si Tita Sandra na naglilinis ng bubog mula sa nabasag na vase. kinabahan ako lalo.

"Tita? " napatingin saakin si Tita.

"Athyla! " bati niya saakin tapos niyakap ako.

"Anong ginagawa mo dito? " sabi ni Tita tapos kumalas na sa pagyakap.

"Gusto ko lang pong makita si Laice, Asan po siya? " tuloy- tuloy na tanong ko. huminga si Tita ng malalim.

"Nasa kwarto niya, hija "

Nagpaalam ako kay Tita bago pumunta sa kwarto ni Laice. Grabe ano kayang problema nito?. Ilang beses akong kumatok pero walang sumasagot. napakamot ako sa ulo ko. Nakakainis na si Laice ha!.

"Laice! " sigaw ko sa kanya. pero walang sumagot. Napa-iling ako at napagdesisyunan na buksan na lang yung pinto niya. Hindi naman naka lock eh ayaw ko lang pumasok ng walang paalam baka magalit 'yun.

Hindi ko pa nabubuksan ng tuluyan ang pinto ay amoy na amoy ko na yung pabango niya. gustong gusto ko talaga ang amoy kasi hindi siya katulad ng iba na sobrang tapang yung tipong mahihilo ka na. Sa kanya kasi kakaiba.

"Laice? " tawag ko at tuluyan ng binuksan ang pinto. Nakita ko agad siyang nakahiga sa kama at nakatalukbong ng kumot niya. Pakiramdam ko kwarto ko ito dahil parehas kami ng theme, ayos lang  ng mga gamit ang naiiba.

"Hoy, Laice! Alam kung gising ka!" Umupo ako sa kama niya.

"Tss" sagot niya. Hayst! galit nga siya kasi 'tss' na lang yung sinagot niya saakin.

Hinampas ko yung braso niya.
"Hoy! Wag ka na nga mag pabebe hindi bagay sa'yo ". pero hindi niya pa rin ako sinagot. Napakamot na lang ako sa ulo ko tapos lumabas ng kwarto niya para kumain. kanina pa ako Hindi kumakain dahil sa loko na'to.

"Tita Sandra? " tawag ko habang pababa ng hagdan.

Lumabas siya galing kusina

"Bakit?, may kailangan ka, Athyla? "

Tumango ako. hindi na rin ako nahihiya kay Tita kasi bata pa lang ako ay lagi na akong nandito. minsan siya pa ang nag-aalaga saakin kapag umaalis si mama.

Dumiretso ako sa ref tapos tiningnan kung ano ang pwedeng kainin. Natuwa ako kasi naghanda si Tita kay punong puno yung ref nila ng masasarap na pagkain. Tumawa si Tita.

"Ang takaw talaga " tawa ng tawa si Tita. ngumiti na lang ako. Kumuha ako ng maraming pagkain para iakyat sa kwarto ni laice duon na lang ako kakain.

"Tita, duon na po ako kakain sa kwarto ni Laice " paalam ko tumango lang si Tita.

"Happy Birthday Best Friend " bati ko pagkapasok ko sa kwarto niya pero snob pa rin siya. Kinuha ko na lang yung pagkain tapos kinain na lang. Bahala siya sa buhay niya nagugutom ako. Siya na nga yung pinuntahan siya pa yung pabebe. may pa....

'Leave me alone' 'just go' pa siyang nalalaman. Ang arte talaga sarap sapakin.

"Busog ka na ba? " napalingon ako sa kanya habang ngumunguya. Bahala ka dyan basta kakain ako.

In the name of loveWhere stories live. Discover now