Chapter 3: Inhaler

266 11 0
                                    

Matamlay akong naglakad pa uwi sa bahay. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya kanina. Parang pinunit yung puso ko sa ginawa niya. He hate me that much?. ano bang dapat kung gawin para mapansin niya ako, oo napapansin niya nga ako pero lagi naman niya akong sinasaktan. Ano bang meron sa mga babae na pinapansin niya na wala ako?. T*ngina, matalino naman ako  graduate nga ako ng valedictorian noong high school eh. Hindi naman ako kagandahan pero hindi din naman  ako kapangitan. Sexy naman ako sigurado ako duon dahil lagi kung kasama si Laice sa gym. mabait naman ako pero bakit ganun siya saakin?.

Simula no'ng nakilala ko siya nung High school ay nagustuhan ko na agad siya. hindi na ako tamad pumasok sobrang sipag ko na. kahit sabado at linggo ay gusto kung pumunta ng school. Ganun ang naging epekto niya saakin. Sa simula ng pasukan naging sikat agad siya sa school kasi gwapo siya at matalino. nasa Section 1 siya samantalang Section 3 ako kaya nakakalungkot. Pero ewan ko kung ano ang ginawa niya saakin dahil sumipag ako mag-aral at sa pagtungtong ko ng 3rd year ay naging mag kaklase kami. Masaya ako kasi hindi na ako mahihirapan na silayan siya. Nag mukha akong papansin sa kanya dahil araw- araw ko siyang kinakausap at kinukulit pero deadma pa rin siya. lagi niyang kinakausap yung Top 1 namin kaya naisip ko baka ayaw niya sa akin kasi hindi ako matalino kaya nagsikap ulit ako para mapunta sa Top at nangyari nga dahil grumaduate akong valedictorian pero t*angina hanggang ngayon hindi niya pa rin ako pinapansin lagi niya na lang akong sinasaktan.

Pumasok na ako sa loob nakita ko agad yung tatlong kotse ng mga Kuya ko . Kanina kasi pagbalik ko wala na sila sa gym kaya naisip ko na umuwi na sila. hindi ko na nga alam ang nangyari pero balita ko panalo sila Kuya.

Pagpasok ko sa sa bahay naabutan ko si Chesca na nanonood ng Korean movie kaya hindi ko na lang siya inistorbo.

Pumunta ako sa Kusina tapos nakita ko duon si papa na nagbabasa ng dyaryo tapos si mama naghuhugas ng Plato. Hinalikan ko si papa sa pisngi pati si mama.

"Anak, are you okay? " bakas sa boses ni papa yung pag-aalala
tumango lang ako. Lumapit naman si mama tapos hinawakan yung noo ko.

"May sakit ka ba ,anak? " sabi ni mama na agad kung inilingan.

"Sila kuya ma asaan? " pag-iiba ko ng usapan. kilala nila mama at papa si Jaice alam din nila ang tungkol duon ayaw ko lang sabihin yung nangyari lalo na kay papa baka mag mukha akong nililitis.

"Tulog na napagod siguro sa game " sagot saakin ni papa tumango lang ako.

"Kumain ka na ba? " tumango lang ako kay mama bago nagpaalam na aakyat na ako sa kwarto ko. Ayaw kung kumain dahil wala akong gana bigla akong tinamad at parang gusto ko na lang mag dive sa kama.

Pumasok ako sa kwarto ko at nagulat ako dahil andito si Laice. natutulog at yakap yakap pa yung unan ko. Ano na namang ginagawa niya dito? Bakit hindi ko nakita yung kotse niya sa baba? hindi na naman bago saakin na makita siya dito sa kwarto ko pero ang sarap magtanong kung may bahay ba siya? Ang lawak lawak ng kwarto niya tapos ang laki pa ng bahay niya bakit gustong gusto niya dito?.

Hinayaan ko na lang si Laice mas mabuti ng andito siya dahil kailangan ko ng kausap. umupo ako sa tabi niya tapos niyakap na lang yung tuhod ko.

Jaice, bakit?

Bakit ba ang sama mo saakin? Gusto ko lang naman na mapansin mo ako. Gusto kung kausapin mo ako para mas makilala kita. Hindi ko naman hinihiling na magustuhan mo din ako eh kahit kaibigan lang sapat na . Minsan iniisip ko na sana ako na lang yung mga babaeng pinapansin mo at least napapatawa kita . Napapasaya. Nakakausap at Nakakasama. Pagdating kasi saakin ang suplado mo parang ayaw  na ayaw mo saakin.

Hindi ko alam pero sobra akong nasasaktan. Ayaw tumigil ng mga luha ko. Niyakap ko yung tuhod ko at nagpatuloy ako sa pag-iyak. Sobrang sakit. Ang tagal ko siyang gusto. Ang tagal kung tiniis yung mga pag papahiya niya saakin pero bakit hanggang ngayon gustong gusto ko pa rin siya. ?

In the name of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon